Kabanata 5

124 4 0
                                    

*flasback*

7 years ago...

"Ano ba Anton?!!" Sigaw ni Hazel. Naiinis na si Hazel pangungulit ni Anton, pilit na ginugulo ang buhok nito.

"Bading ka ba??! trip mo yata long hair aa." Dagdag ni Hazel, para makabawi sa ginagawa ni Anton. Sabay talikod sa binata.

"Hala?? inaayos ko nga ee."  Pagpapaliwanag nito.

"Inaayos?? ee gingulo mo nga ee.. Ang pangit na nga ng buhok ko ginugulo mo pa.. ARRRGH!" Iritang-irita na si Hazel, Isa kasi sa ayaw niyang pakialaman ng iba ay yung buhok niya, hirap na hirap kasi siyang ayusin ang mga ito. Madalas sa kaayos nito siya nale-late sa klase.

"hok lang yan, maganda ka naman ee."  Paglalambing nito.

Bahagyang napangiti si Hazel, dahil nakatalikod siya, alam niyang di siya nakita ni Anton. Nakaramdam ito ng konting pagkakilig sa sinabi nito. Ayaw niya kasing malaman nito na kinikilig din siya dito.

"Tantanan mo nga ako Hito, Naiinis na ako."

"uy.. Sorry na. please..." Pagmamakaawa ni Anton ng mapagtanto nitong hindi na siya ito natutuwa.

Hindi ito pinansin ni Hazel, hinintay niya ang susunod na gagawin ni Anton. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ito galit, di niya lang talaga gusto na may gumugulo ng buhok niya.

"Hindi mo ba ako papansinin?? Sorry  na nga di ba?...

... Pansinin mo na ako. Luluhod ako dito. sige ka." Pagmamakaawa nito na parang bata.

Hindi pa rin niya pinansin ito, titignan niya kung totohanin niya ito.

"Oh Ayan" Bigla nga itong lumuhod sa harap niya at parang batang nagmamakaawa. "Sorry na kasi Hazel.."

"Tumayo ka nga jan Hito." Pigil ng dalaga.

Hito ang tawag ng tropa kay Anton dahil mukha daw siyang Hito. Pang-asar nila nung una, na naging kasanayan na rin nila na itawag dito.

"Para kang bata. Tumayo ka nga jan.. Baka may makakita sayo oh" Pilit niyang hinihila patayo ito.

"Sabihin mo munang bati na tayo." Pangungulit ni Anton.

"Ano yan ha??" Nang biglang dumating sila Nicole, ang buong tropa. Di nila namalayan ang pagdating ng mga ito galing sa pamimili ng kakainin nila sa swimming.

"Sagutin mo na kasi Hazel" Biro ni Shiela sa kanya. Sabay tawa ng malakas.

"Kawawang Anton, tsk Dre.. tagal mo ng nanliligaw aa.." Pang-aasar sa kanya ni Tristan.

Tahimik lang si Anton, napahiya yata sa sinabi ni Tristan. 

Hindi na siya makasagot, nauunahan sila ng salita ng tropa. Matagal na rin naman kasi talagang nanliligaw si Anton kay Hazel, 2nd year college pa lang sila and 3rd year na sila ngayon.. More than a year na rin siyang naghihintay. 

Mahal lang talaga ni Anton si Hazel, kaya kahit gaano katagal na 'tong nanliligaw ay tinutuloy pa din niya. Otherwise, lagi naman binabasted ni Hazel to.

Hazel stared at them. Pinapatigil niya ang pang-aasar dito. Well, tumigil naman ang mga ito. Ayaw niya din kasi masaktan si Anton, alam niyang kahit di sabihin ng binata ay nasasaktan ito everytime na aasarin siyang wala talaga siyang pag-asa kay Hazel.

Umalis na lang si Hazel, para matigil na rin ang topic na 'yon. She took her ipod, naglagay ng headset at nakinig na lang ng music. Wala din siya sa mood na pag-usapan ang mga bagay na yon. She feel uncomfortable tuwing mapaguusapan yung mga bagay na yon, pakiramdam niya ay may nasasaktan siyang iba.

They're more than friends yet less than lovers, yan ang tingin niya sa kanila ni Anton.. Ayaw niyang iwan siya ni Anton. Nakakaramdam din siya ng selos pag may kasama itong iba but she's eager not have a relationship with him. Natatakot kasi siya na baka mawala yung pagkakaibigan na meron sila kapag sinagot niya ito. Ang pasasalamat niya lang ay hindi ito lumalayo tuwing bina-basted niya ito. 

Wala naman nagawa si Anton, pumunta na lang si Anton sa pool at nagswimming.

He feels something not good. Malungkot. Hindi niya nagustuhan ang mga nangyayari. Antagal na rin siyang nagtitiis kay Hazel, his mind pushes him to stop waiting but his heart still shouting on her name.. 

"Kaya kong maghintay" bulong niya sa sarili. "I know na meron din kahit papano na pagmamahal sa kanya si Hazel." .

Ramdam yon ni Anton, at napapatunayan niya ito everytime he sees Hazel worrying about him. Tuwing absent ito sa klase, masama pakiramdam at kung ano pa.

"Kahit kasing nipis na lang ng sinulid ang pag-asa ko, panghahawakan ko ito." He uttered.

Babe, Pls wake upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon