Halos hindi ako makatulog kakaisip sa walang kwentang lalaking yun, di niya manlang ba naisip na mag thank you na lang sakin? Grabe siya ha.
Kuya Karl Calling...
Sinagot ko yun agad, gaya nga ng sabi ko sa inyo bawal syang pinagaantay dahil special daw siya.
"Oh?"
["Bakit mo sinagot?"] Huh? Di ko siya ma gets, tumawag siya tapos pag sinagot ko tatanungin niya ko kung bat ko sinagot? Gusto kong tumawa kaso inaantok na ako.
"Baliw ka ba?"
["You answer my call it means gising ka pa, matulog ka na madaling araw na, hintayin mo kami bukas ng hapon ang dating namin"] Di ko naisip yun ah, tumawag siya, pag sinagot ko it means gising pa ko malay mo nagising lang dahil sa tawag niya, pero hindi eh yung totoo kasi gising pa ko, pinilit ko na lang matulog di ako pwede mapuyat!
--
"Okay class solve this problem ⅔³-⅝⁴ and 6√76^°" Yung totoo? Torture ba to? Ang sakit sa ulo ah.
"Oy manang gets mo ba?" Nga pala, nandito na tong bubuyog na to na feeling close sakin eh di nga nag pasalamat bwiset.
"Muka bang na gets ko?" I said then rolled my eyes.
"Ms. Bernardo and Mr. Alcantara, are you listening?" Hala, lagot na and dal dal kasi netong kumag na to eh!
"Mam, nakikinig naman po kami kaso di talaga namin kayo ma gets, can you please tell us where planet you came from?" Pangaasar ni Drake, grabe talaga siya maski teacher binabara niya.
"Both of you! Get out of my class now!" Waaa! Bakit ako nadamay? Wala na kong nagawa kundi tumayo at kunin ang bag ko, jusko naman mam biktima lang ako ng bubuyog na to.
"Ayos ba?" Tinignan ko lang siya ng masama, pagkatapos nyang sagot sagutin yung teacher at idamay ako sa kalokohan niya tatanungin niya ko kung ayos lang? Well ayos lang talaga, ayos lang.
"Muka bang maayos ang ginawa mo kanina ha?" He smiled, yung ngiting kinaiinisan ko.
"Ayos naman ah? Instant uwi agad, so pano ba yan manang? Uwi na ko ah?" Tangg!! Anong instant uwi?! Baka instant kick out ang abutin ko sayong bubuyog ka! Wala naman na kong gagawin dito, kahit mag makaawa pa ko sa teacher ko na papasukin ako di ako papansinin nun, mag mumuka lang akong tanga, hays superman? asan ka ba? tadhana please ipakita mo na sya sakin please!
"oy manang! anong dinadasal mo dyan? wala ka bang balak umuwi?" sabi nya habang palapit sakin, wala ba talaga syang balak iwan ako dito? tadhana naman eh! sabi ko ipakita mo sakin si superman! hindi itong bubuyog na to!
"dinadasal ko si superman, kung asan man sya sana magkita kami dito para may tagapag tanggol na ko laban sayo" aist! ewan ko ba kung bat ko sinabi yan, natigilan sya nung sinabi ko yan.
"superman?" sabi nya, anong problema nito? bakit mukang naging seryoso ata sya?
"oo at pag nakita ko sya lagot ka sa kanya!"
"Superman superman ka diyan, ano ka bata? Walang superman, it dosen't exist." sabi nya sabay alis, anong problema nun? kung makapagsalita kala mo kilala nya yung kababata ko, umalis na lang ako dun siguro nandun na si kuya sa bahay, di ako pwedeng umuwi agad dun dahil tatanungin nila ko kung bat ang aga ko, kaya naglakad lakad muna ako dito pumunta ko sa Park yung tambayan namin ni superman.
"superman, asan ka na ba? inaapi na ko" sabi ko habang nakaupo sa swing.
"wala ka nga ata, siguro kinalimutan mo na ko, okay lang basta sana mabait ka pa din tulad ng dati, sana walang nag bago" sabi ko sabay tayo.
"wala namang nag bago eh" napatingin ako sa nag salita, hanggang dito ba naman?! at ano daw walang nag bago? anong ibig sabihin nun?
"what do you mean?"
"I m-mean, wala namang nag bago sa itsura mo, kaya wag ka na mag dasal kay superman forget him" sabi nya sabay alis, napaka misterious nya, sampalin ko kaya sya ng magising? ano bang problema nun? forget him? so satingin nya ganon lang kadaling kalimutan ang isang kaibigan? oras na din ng uwian kaya umuwi na ko agad samin, nandun na si lola at mama pero wala pa si kuya.
"hi anak! how's school?" sabi ni mama at niyakap ako.
"okay lang po mama" lies.
"Cassey, bakit ganyan ang itsura mo?" aish, ayan nanaman si lola lagi nya kong pinagagalitan sa pagiging manang ko.
"lola, this is me, ayoko na magbago" sabi ko at nag bless kay lola.
"ganyan talaga yan lola, wala na sa fashion kaya mas muka pa syang matanda sa inyo hahaha!" sinamaan ko lang ng tingin si kuya, nandito na pala sya kahit kelan talaga! lagi nya kong inaasar.
"oh tama na yan, tara na dito at kumain na" sabi ni mama, miss ko na yung luto ni mama, nung nasa korea kasi kami wala na syang ginawa dun kundi asikasuhin ang company na iniwan samin ni papa, patay na sya dahil sa lung cancer.
"wow adobo mama I miss this" sabi ko.
"talaga anak? pasensya na at di ko yan magawa sa Korea, busy kasi ako"
"okay lang yun ma, naiintindihan na namin ni nerdy yun, diba nerds?" I just rolled my eyes, kailan ba nya ko titigilan?
"Karl, bakit ba inaasar mo yang kapatid mo? ikaw ang kuya dapat di ka ganyan" sabi ni lola, binelatan ko naman si kuya.
"whatever, by the way ma may ipapakilala ako sa inyo" naubo naman si mama ng marinig nya yun, si kuya kase napaka womanizer nyan.
"sino nanaman yun Karl Christian?" seryosong sabi ni lola.
"she is Devon Marie Alcantara, kasing edad ko lang yun ma" ngayon ako naman ang nabilaukan.
"Alcantara?" I said.
"paulit ulit ba?" kaano ano nun si drake? baka naman kaapilyedo lang?
"oh alcantara? ang alam ko mayaman ang pamilya nyan, Karl wag kang paloko loko" sabi ni lola sabay inom ng juice.
"yes Halmoni, sya na talaga ang seseryosohin ko I promise, pupunta sya dito bukas" napataas naman ang kilay ni lola.
"make sure na maganda at disente yan, hindi tulad ng ibang babaeng naka date mo before, napaka lalandi" natawa naman si kuya, di ba sya natatakot kay lola? ang bad nya.
"I promise lola, matino yun, and I will make sure she will be my last"
xxx
YOU ARE READING
Behind Her Glasses
Teen FictionNerds. Very cliche as they said. Do they fall in love? Book cover by: LeLe_Ray ♡ --- By: seylaaa_ (Completed) [Bad Boys series #1]