Drake's POV
"dito ka lang please?" ewan ko ba kung bakit ko nasabi yan, ewan ko ba yan na lang talaga ang nasa isip ko tapos bigla kong nasabi.
"a-ano ka ba drake?" I saw her blushing, ang cute nya talaga, nakaka fall kaya bago ko pa sya mahalikan tinulak ko sya agad, medyo malakas para di sya mag isip ng kung ano sorry CRUSH/MAHAL saka ko na aaminin sayo tutumba ka muna ng malupet ngayon tiis tiis, I love you! Hahaha >:)
"youre blushing" sabi ko sabay tawa para maasar sya, ang totoo kasi nyan, malungkot talaga ko kanina sobra, para kong pinagsakluban ng langit at lupa ikaw ba naman mamatayan ng ina, pero sana wag nyo muna maranasan dahil sobrang sakit, kaya kung buhay pa ang nanay nyo, galangin nyo sila iparamdam mo sa kanila kung gano mo sila ka mahal, dahil sa totoo lang mahirap talaga mawalan ng ina.
Kaso kanina nung naramdaman kong may prinsesang tumalon sa kama ko, automatic akong sumaya, naalala ko yung sinabi ni mommy, bago sya mamatay.
"anak, ang gusto ko lang umamin ka na kay Cassey, sabihin mo sa kanya kung gaano mo sya ka mahal sabihin mo anak sabihin mo" pag katapos nya sabihin yan pumikit na sya, di ko alam ang gagawin ko nun di ko matanggap yung pag kamatay nya, ang mas lalo pang ikinagalit ko, yung halos walang pakialam yung tatay ko sa kanya.
"Blush mo muka mo! kay Kyle ko lang nararanasan yun noh!" Ouch naman, sapul tagos sa puso with matching iyak iyak, bwiset na kyle yun, inaagaw pa yung trono ko sapakin ko kaya sya?
"eh kitang kita ka na nga kanina mag dedeny ka pa? huli ka na" sabi ko habang naka tingin sa bintana.
"di na ko mag bublush sayo noh! kasi ngayon pa lang sasagutin ko na si kyle" napatingin ako sa kanya, ano bang nasa isip nya?! cassey ang kj mo naman! intayin mo ko please! kaya ko pa makipag laban sa kanya! T*ngina sige sagutin mo sya sisiguraduhin kong may pag lalamayan nanaman kayo.
"edi sagutin mo" sh*t. san galing yun? Cassey wag! wag mo sagutin!!
"so gusto mo talaga?" teka, mag iisip ako ng palusot para di nya muna ma sagot.
"saka na, gusto ko kase kaharap ko kayo para intense diba?" napataas naman kilay nya, pumayag ka na!
"Fine" sabi nya sabay labas sa kwarto, phew! muntik na yun! nung nakaalis na sya ng bahay lumabas na din ako sa kwarto ko, nakita ko si dad may kausap sa phone, pasimple ko namang pinakinggan yun.
"sige pupunta na ko dyan sa party, just wait me and my son dean" sabi nya sabay binaba na nya yung phone, Taena pambihira talaga sya! ang kapal ng muka nya nakuha nya pa mag party habang nasa burol si mom?!
"wow *sabi ko sabay clap hands* ganyan ka ba mag luksa dad? ibang klase, I like that one" sabi ko gamit ang nakakainis kong tono.
"di ko kailangan mag luksa, kahit na anong gawin ko patay na sya, naiintindihan mo ba yon?" eh g*go pala sya eh!
"ah, ang sweet nyo naman dad? sige, pag namatay ka din don't worry mag paparty ako with my friends, hindi na ko mag luluksa dahil kahit maglumpasay pa ko patay ka naman na wala ng mag babago" sabi ko at ngumiti sa kanya ng nakaka inis, nakita ko yung kamay nya na nag form fist huh, I won.
"don't talk to me like that!" sabi nya at binato sakin yung matigas na bagay sa lamesa ayun, natamaan yung napaka kissable kong lips, malamang dumugo, pero di naman masakit sisiw lang yan baka ibato ko sa kanya lahat ng figurine dito tignan ko lang.
"yan lang ba yung kaya mong ibato? ibato mo na lahat ng gusto mo" sabi ko habang pinupunasan yung dugo sa labi ko.
"gusto mo talaga mag batuhan tayo?" napatingin naman ako sa nag salita, well, ang anak nyang perfect.
"oh ikaw pala yan dean? tara batuhan tayo?" sabi ko at kinuha yung isang bato na crystal, tumawa lang sya, napaka panget nya talaga.
"Drake!" paglingon ko nakita ko si ate, namamaga na yung mata nya kaiiyak.
"pag sabihan mo yang kapatid mo Devon" sabi ni dad at tinuro turo pa ko nginitian ko lang sya ng nakakaasar.
"patay na nga si mama ganyan pa kayo?! pwede ba itigil nyo na tong away na to?! di ba kayo nag sasawa!?" sigaw samin ni ate, napatahimik lang ako, pag galit na kasi sya tumitikom na agad yung bibig ko.
"wala kong pakialam sa nanay mo" sabi ni dean, tinignan ko lang sya ng masama, hayop sya isang warning na lang ibabato ko sa kanya tong hawak ko.
"Look dad! ganyan ba ang minana sa inyo ng anak nyo sa labas ha?!" agad namang sinampal ni dad si ate, di ko naman napigilan yung sarili ko kaya sinuntok ko si dad, sa mga pinapakita nya sakin nawawalan na ko ng galang at pag mamahal sa kanya, gaganti na sana ng suntok sakin si dean kaso may humawak sa kamao nya, si kuya Karl.
"tama na yan, drake, devon tara na dun muna kayo samin" sabi ni kuya at dinala na kami sa sasakyan nya si ate naman iyak ng iyak habang hawak yung pisngi nya, kung di lang dumating si kuya kanina baka kung ano na nagawa ko kay dad at kay dean, ayoko sa lahat yung sinasaktan si ate, pati na din yung babaeng manang na mahal na mahal ko.
"devon tama na yan, ako yung nasasaktan pag nakikita kitang umiiyak" sabi ni kuya habang nag dadrive.
"a-ang sakit k-kasi eh, sarili mong a-ama nakuha kang s-saktan" sabi nya sabay iyak pa ng matindi.
"kung pwede ko lang gantihan yung daddy mo kanina ginawa ko na, kung iba lang sya baka napatay ko pa sya kahit dulo lang ng daliri mo ang hawakan nya, kaso daddy mo sya wala kong magagawa kung di rin naman dahil sa kanya wala ka sa buhay ko" sa totoo lang na cocornihan na ko eh, corny lang ako pagdating kay manang pero sa isip lang, eh sila kahit nandito ako ang sweet, tutubuan na ko ng mais neto eh, pero masaya pa din ako kasi may lalaking nag mamahal kay ate ng ganyan, maya maya nakarating na din kami sa bahay nila, ang ganda pala at ang laki.
"alam namin na mahirap ang magiging sitwasyon nyo doon sa bahay nyo, kailangan lumayo muna kayo doon para kahit papano maka move on kayo" sabi ni tita clarisse, mama nila. buti na lang talaga mabait sila, teka asan si manang?
"salamat po talaga tita" sabi ni ate ngumiti lang si tita.
"kumain na ba kayo?" tanong nya.
"ok na po kami tita matutulog na lang po kami" sabi ko nag ok naman si tita kaya umakyat na kami hinatid ni Kuya si Ate devon sa guest room, ang dami nilang kwarto dito di ko alam kung san ako papasok, nakita ko yung isang kwarto ewan ko ba kung bat ko naisip pumasok dun, pag pasok ko, pucha puro pink taena yung totoo? may bata ba dito? ang dami pang teddy bears, tapos may posters ng Kpop boys na kasing gwapo ko, nagulat ako nung may lumabas sa C.R naka bathrobe.
"Aaaaaaahhhhhh!!!!!" sigaw nya sabay tinakpan ng sobra yung katawan nya kala mo naman.. tsk!
"ano ba yan manang! ang laswa!" sabi ko sabay kunwari takip ng mata, baka pag di ako nag takip di ko mapigilan to. De joke lang. Hahahaha >:)
"bwiset ka! get out of my room! now!" tawa naman ako ng tawa at saka lumabas, laugh trip talaga sya, biruin mo, may katawan din pala yun? kala ko straight body Hahahaha! binuksan ko yung pinto sa isang guest room at saka natulog.
Kung alam mo lang, gusto kitang tabihan pero di pwede.
xxx
YOU ARE READING
Behind Her Glasses
Novela JuvenilNerds. Very cliche as they said. Do they fall in love? Book cover by: LeLe_Ray ♡ --- By: seylaaa_ (Completed) [Bad Boys series #1]
