Drake's POV
Ang tagal kong tiniis tong T*nginang ka cornihan na to, yung Pagibig noon wala yan sa mundo ko, pero nung BUMALIK ang manang, jologs, nakakainis, at ang babaeng kala mo di nakahawak ng suklay sa tanan ng buhay nya, natuto akong intindihin kung ano ba talaga yang lecheng pag ibig na yan na sumira sa pagiging bad boy ko, hindi ako to eh, hindi isang Drake Alcantara to, kasi ang totoong ako, Gago, basagulero, playboy, mayabang, bully. pero gwapo pa din ako kahit anong mangyare, pero ang di ko lang maintindihan na kaya ko pala mag bago para sa isang babaeng kahit saang angulo mo tignan muka pa ding mangkukulam.
Nag bago lang naman ako dahil kay DEAN, dahil kay DADDY, di naman ako ganito noon mabait ako, sobrang masiyahin at kahit kailan di ko nagawang manloko ng babae, pero nung nalaman ko na may anak pala si dad sa iba parang na gunaw yung mundo ko, at ang di ko pa matangap eh, yung ugali ng STEP BROTHER ko eh masahol pa sa demonyo, simula ng dumating sya, sya na lagi tama sa mata ni dad ako na ang laging mali, pwes totohanin natin para naman sulit yung galit sakin ni dad diba hindi yung nagagalit sya sakin dahil nagkekwento ng kwentong barbero yan si dean para lang masira image ko kay dad, in short totohanin natin para di sya mukang tanga na nagagalit sa kasinungalingan. mas pinili kong maging badboy, para ano? para ma iba lang, nakakasawa na din kasi mag bait baitan, kaso dahil sa lahat ng yan, pati yung babaeng pinaka special sakin nakalimutan ko na, pero thanks kay lord at pinagtagpo kami ulit. ni CASSEY BERNARDO. ni PRINCESS.
"what kind of shit this drake?! wala ka nanamang nagawang maganda sa companya!" as if naman may nagawa akong tama sa inyo? kahit ano namang galaw ko lahat mali sa paningin nyo diba? tss.
"I said I don't have interest on your buissness" sinabi ko kay dad yan ng diretso at walang takot, bat pa ko matatakot diba?
"don't talk to me like that! Ako pa din ang ama mo!" I laugh, yung tawang pati aso nya mabibwiset.
"ama? so nag eexsist pala sa inyo yan? as if naman na you act like a dad on me, I mean on us, kasi si dean lang ang napapansin nyo at kami ni ate, para lang kaming statue" nung sinabi ko yan binato nya yung bote ng alak na hawak nya, nagulat ako doon pero di ako mag papadala sa tapang nya.
"what happened here?!" tanong ni mom na biglang pumasok sa office ng magaling kong tatay.
"pag sabihan mo yang anak mo, Demy" sabi ng TATAY ko sabay alis sa wala nyang kwentang opisina.
"anak ano nanaman ba yun?" tanong sakin ni mom na halatang nag aalala.
"dad is underestimating me mom, lagi nyang pinapamuka sakin na wala akong kwenta! pilit nya kong pinapasok sa wala nyang kwentang companya mom alam mo naman na wala akong interest dyan pero pinipilit nya, ma para nya kong pinapasuot ng damit ng 6 months alam nya na hindi fit sakin pero pinipilit nya" mom sigh, alam kong nahihirapan na din sya.
"anak pag wala kang alam sa company ng dad mo walang mangyayari sa inyo ni Deserie sa future" isa pa yang pahirap, pati sa babaeng wala akong interest pinipilit nya.
"mom naman, hindi ko mahal si Deserie kaya kahit pag aralan ko pa yang company wala talagang mangyayari sa future namin" hinawakan ni mom yung balikat ko at saka nag salita.
"si cassey diba? anak bakit di mo na lang sabihin sa kanya yang nararamdaman mo? sabihin mo na ikaw yung Superman nya"
"pano ko pa sasabihin ang dami ng harang? si Deserie, si Kyle at isa pa yang dean na yan, ma nag panggap sya na sya si superman" hayop na lalake yan, humanda sya sakin kung ano ano nanaman binabalak nya, kaya nalaman nya na kababata ko si Cassey dahil narinig nya yung usapan namin ni mom, at ang gago nag panggap na sya ako.
"ano?! anak go ahead, sabihin mo kay cassey lahat, lahat ng totoo sabihin mo sa kanya" napayuko ako.
"ma, natatakot ako" oo bad boy at play boy ako pero di ko alam kung bakit ganon na lang ako mahirapan ngayon na umamin ng nararamdaman ko, di ko alam kung anong ginawa sakin ng manang na yun, di ko alam kung bakit mahal na mahal ko sya.
"drake, wag ka mag pa dala sa takot, aminin mo ang gusto mong aminin sa kanya" sabi ni mom at nginitian ako sabay lumabas na ng kwarto, sigurado kong kakausapin nun si Dad.
Feeling ko talaga wala ng chance, wala ng chance na maamin ko pa sa kanya to, siguro dapat sarilihin ko na lang, kaya ko lang naman sinabi na ayaw na sa kanya ni superman kasi ayoko na malaman nya sa huli na badboy na ang superhero nya, ayoko yun kaya pinilit ko sya na kalimutan ako, pero ang sakit pala sa tuwing sinasabi nya na wala syang pake sakin.
"andito ka pala Mr. Failed guy" gusto kong matawa sa sinabi nya, ano naman ngayon kung lagi akong failed? sapakin ko to ng straight eh.
"anong kailangan mo? walang dog food dito mamaya ka na kumain" sinamaan naman nya ko ng tingin, yan naman gusto nya eh, makipag barahan sakin. so childish. tss.
"I don't need dog food, oo nga pala, balita ko palpak ka nanaman? kailan ba yang success mo?" sabi nya sabay tawa. panget nyang tumawa, muka syang emoticon.
"alam mo kase ganon talaga kapag gwapo, minsan palpak, kaya di na ko nag tataka kung bakit wala kang palpak" pumalakpak naman sya, ano to? may show? tss.
"mas gwapo ka nga, pero onting pitik na lang sakin na yung babaeng pinapangarap mo" automatic nag form na kamao yung kamay ko sa sobrang inis, hayop talaga sya. gagawin nya talaga lahat matalo lang ako.
"don't ever try to get my girl" tumawa nanaman ang hudas, kala mo kinikiliti ng sampung duwende.
"your girl? ni hindi nga nya alam na mahal mo sya eh, Haha your so funny, kid" I rolled my eyes.
"just wait and see, sakin pa din ang bagsak nya" sabi ko.
"oh? eh kung sabihin ko kaya sayo na baka bukas buntis na sya at ako ang ama?" agad ko syang sinapak sa muka, nakakabadtrip eh! wala talaga syang modo.
"Tarantaduhin mo na lahat wag lang ako, dahil kaya kitang patayin pag hinawakan mo kahit dulo ng daliri nya" sabi ko sabay lakad pa labas, lord please! mag bigay kayo ng sign kung pwede ko na ba aminin sa kanya to, kasi sa totoo lang ang hirap na, lalo pa ngayon may kaagaw.
Sa tuwing naka buntot sa kanya yung Kyle na yun gusto ko syang sapakin, gusto ko syang bugbugin yung brutal, pero alam kong pag ginawa ko yun magagalit lang sakin si manang, oo nag seselos ako, sobra kong nag seselos kaya nung time na hinalikan ko si sofia si Cassey ang nasa isip ko, nahihirapan na din ako eh, ang hirap kasi mag tiis ng nararamdaman, di mo masabi sa kanya kung ano ang gusto mong sabihin ang hirap pala mag mahal ng malayo, lalo na kung wala syang pakialam sayo, isa lang naman akong NoBody sa kanya, ang sakit pala nun.
Pero anong magagawa ko? she's not even mine, ni hindi nya alam na ako yung kaibigan nya noon this is so gay. Dumating lang sya nagiging cheesy na ko. Nakakainis.
Hindi ko kasi maiwasan eh, ewan ko ba kung bakit pero sa kanya ko lang nararamdaman yung mga kakaibang kilig tapos yung saya kahit wala naman syang ginagawa. Nababaliw na ata ako.
Sinipa ko yung flower pot na nasa gilid ko. "Damn! Im such an asshole! di ko manlang kayang maamin sa kanya yung feelings na to!" sigaw ko.
Lalaki ako pero naduduwag akong umamin dahil takot akong mapahiya sa sagot nya, baka nga tawanan nya lang ako. Natatakot din akong ma reject ayoko ng madag dagan yung sakit na nararamdaman ko kaya mas mabuti pa siguro na itago ko na lang tong nararamdaman ko hanggat kaya ko pang tiisin.
xxx
YOU ARE READING
Behind Her Glasses
Fiksi RemajaNerds. Very cliche as they said. Do they fall in love? Book cover by: LeLe_Ray ♡ --- By: seylaaa_ (Completed) [Bad Boys series #1]