Maaga akong nagising dahil sa alarm, pag dilat ko wala dito si colleen, asan na kaya yun? naiwan pa tuloy ako dito kasama tong bubuyog na to, tsk.
"asan si colleen?" tanong ko sa kanya.
"aba malay ko"
"di mo manlang ba sya tinanong kung saan sya pupunta?" sabi ko sabay upo sa kama.
"bakit sasagutin ba ko ng maayos nun? napaka sunget sakin nun noh" sabi nya habang inaayos yung buhok nya, tumayo naman ako agad lalabas na sana ko kaso nag salita sya.
"san ka pupunta?" sa pupuntahan malamang.
"hahanapin ko si colleen" tumawa sya.
"ano yun? six years old? alam na nya yung mga pinag gagawa nya babalik na lang yun mamaya maligo ka na at mag ayos." sabi nya ng natatawa tawa pa, tama nga siguro sya, i just rolled my eyes sabay kuha ng damit sa maleta at naligo, pag katapos ko maligo don na ko sa C.R nag bihis, aba may kasama ko ditong lalake noh!
"hi guys!" sa wakas at nandito na din si colleen, kasi pag di pa sya dumating hahanapin ko na talaga sya.
"where have you been?" ngumiti sya.
"dyan lang, basta ano tara na? tawag na tayo ni sir" nag nod lang ako at sabay na kaming lumabas ng kwarto, bumaba na kami at nakita namin doon si sir.
"listen, pupunta kayo sa Sentosa mag take kayo ng photos ng Merlion, tapos go to the museum about sa culture nila then give me the explainations about it ok?" sabi ni sir.
"yes sir!" sabi namin lahat exept lang kay drake, parang kanina pa to tahimik.
"guys!" napalingon ako sa tumawag, si Kyle pala.
"oh? kyle ikaw pala yan" sabi ko, nag roll eyes lang si drake, problema ba nito?
"kita tayo mamaya sa Merlion ha, antayin nyo ko dun, text ko kayo pag tapos na ko sa museum" sabi nya.
"sige" sabi ni colleen sabay ngiti, umalis na din kami at pumunta sa Merlion, grabe ang ganda pala bumubuga sya ng tubig, nag start na ko kumuha ng photos dun sinama ko yung mga nag babike, habang kumukuha ako ng photos may naramdaman akong flash sa muka ko, teka may nag pipicture ba sakin?
"hoy drake wag mo nga kong pag tripan" sabi ko kay drake, tumawa lang sya.
"eto naman, pinicturan lang kita, para pag nakalimutan kita titignan ko lang tong picture mo" para pag nakalimutan? bakit? anong pinag sasabi nito? abnormal talaga.
"asan ba si colleen? di na nakasunod satin yun" sabi ko habang nirereview yung mga photos na kinuha ko.
"ewan ko sa bula na yun" natawa ko sa sinabi nya.
"bula?"
"para kasing bula, biglang nawawala eh" sabi nya sabay take ng picture doon sa Merlion.
"nagugutom na ko, daan lang ako sa may resto malapit wait mo ko" aalis na sana ko kaso nag salita sya.
"manang!" lumingon ako, alam ko namang ako yun eh.
"oh?" tanong ko.
"m-may sasabihin kasi ako" lumapit ako sa kanya.
YOU ARE READING
Behind Her Glasses
Teen FictionNerds. Very cliche as they said. Do they fall in love? Book cover by: LeLe_Ray ♡ --- By: seylaaa_ (Completed) [Bad Boys series #1]