Chapter Thirty Seven

2K 33 1
                                        

Drake's POV

[Now Playing: Salamat by Yeng C.]

Para kong bangkay na nag lalakad papunta ng park, nag promise pa sya sakin diba? bakit di nya tinupad? sabi nya pwede pa kaming mag usap minuminuto, pero di ko na sya pwedeng makausap kahit kailan, oo bad boy ako alam kong parurusahan ako sa mga kagaguhang nagawa ko noon, pero bakit sya ang kapalit? bakit sya pa? dahil ba sya ang kahinaan ko?

Di ko akalain na mawawala sya, galit na galit ako ngayon sa sarili ko dahil wala man lang akong nagawa para sa kanya, kung pwede lang na ako na lang eh, ako na lang sana yung nasa pwesto nya ngayon, pero kung nasan man sya, alam kong kasama na nya si God, yung mga guardian angels nya, si Mom, Yung dad nya, at kahit na malaki ang kasalanan ni dean, alam kong nasa heaven din sya dahil nag sisi na sya sa mga kasalanan nya.

Gusto kong suntukin lahat ng mga bagay na makita ko, gusto kong awayin lahat ng mga taong nakikita ko, gusto kong mag wala, gusto kong magalit, pero wala namang mangyayari kung gagawin ko yan diba? di naman sya mababalik sakin, at kahit lumuha pa ko ng ginto, di na sya pwedeng bumalik.

Sabi nya pupunta pa daw kami sa Favorite Place namin, pero bakit hinayaan nya ko na mag isa lang na pumunta dito? ang daya mo naman Ma, bakit kasi di ka lumaban, sobrang sakit tuloy ng nararamdaman ko ngayon.

"Merry Christmas Cassey" sabi ko habang nakatingin sa langit, hindi ko alam kung saan na ko titingin, sa lahat ng lugar na tignan at puntahan ko sya lang ang nakikita ko ito na ang pinaka masakit sa lahat, ang mawala sya sa buhay ko.

"sabi mo diba pupunta tayo dito? bakit ka bumitaw? bakit mo ko iniwan?" eto nanaman ako, tumulo nanaman tong luha ko, tangina ang sakit kasi! yung feeling na ilang antay na lang ikakasal na kayo tapos nawala pa sya.

"diba bubuo pa tayo ng basketball team? ang KJ mo naman Ma, akala ko ba forever? bakit kasi nawala ka pa" para na kong baliw dito, nag sasalita mag isa, kahit alam kong wala ng mangyayari, di nya ko maririnig kahit sumigaw pa ko.

Umalis na lang ako doon at nag lakad palayo, habang nag lalakad ako nakakakita ako ng mga masasayang tao, naiinggit ako, hind ba ko pwede maging masaya? bakit kinuha pa yung taong taga charge ng energy ko? habang nag lalakad ako napa hinto ako sa puntod nya, sh*t. hindi bagay yung pangalan nya dyan.

Cassey Bernardo

"Rest in Peace"

Umupo ako at pinatong yung ulo ko sa tuhod ko, at hinayaan ko lang yung sarili ko na umiyak lang ng umiyak, sobrang sakit.

Minsan nga naiisip ko na lang na sana di ko na lang sya nakilala, sana di ko na lang sya naging best friend, dahil kung nangyari iyon, siguro buhay pa sya ngayon, tumayo na ko agad, alam kong ayaw nya kong nakikitang ganito.

"Mag papakatatag ako para sayo Cassey, kasi yun ang gusto mo diba? kahit di ko to matanggap tatanggapin ko na lang kahit pilit, dahil alam kong ayaw mo ko makitang ganito" tumalikod naman nako agad.

Kahit na anong mangyari Cassey, di kita ipag papalit, dahil ikaw lang ang nag iisang Manang ng buhay ko ikaw pa din si Princess, ako pa din yung Bad Boy na laging sumisira ng araw mo noon, ako pa din yung Bad Boy na minahal mo.

Naaalala ko nanaman yung itsura mo kapag kinikilig ka, yung pisngi mo na parang binudburan ng blush on, yung pag hampas mo sakin sa tuwing inaasar kita, yung mga halik mo sakin, yung mga ngiti at tawa mo, yung mga yakap mo, yung pag iwas mo sa aso ko. Lahat yan ay di ko na mararamdaman at makikita kahit kailan. kasi iniwanan mo na ko.

Kung pwede lang kitang hukayin dyan at buhayin ginawa ko na, kaso hindi naman pwede diba? kasi huli na, tapos na yung buhay mo, di na natin makikita at mabubuo yung future childrens natin, yung mga pangarap natin Ma wala na lahat. Nag lakad ako at pumunta ng simbahan.

"Lord, alam ko pong makasalanan ako, pero bakit di nyo ko pinagbigyan na makasama pa sya hanggang sa huli? di po ba ko pwedeng maging masaya? sya na lang po ang nakakapagpasaya sakin, wala pa syang ginagawa masaya na ko, tapos kinuha nyo na sya agad, ang sakit naman po kasi nun, kami nga po ang naka tadhana sa isa't isa pero binawi nyo sya agad, pakisabi na lang po sa kanya, mahal na mahal ko sya at miss na miss na" tumayo na ko at umalis, pinili kong bumalik sa puntod nya, feeling ko kasi kasama ko lang sya pag nandoon ako.

"Ma, uuwi na ko sa Korea, kailangan kong mag move on, pero siempre di kita ipagpapalit! wala namang manang dun na tulad mo, kahit na wala ka na, mahal pa din kita at I promise na ikaw lang, alam ko naman na soon magkikita din tayo, mayayakap uli kita, mahahalikan ulit" naglakad na ko palayo, hindi sapat ang tapang ko para tignan sya doon. hindi sapat ang tapang ko para marinig na Patay na sya, nag faflashback sakin lahat, simula nung una kaming nagkita. ang sakit pala. sobrang sakit. gusto kong pumatay ng tao sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Pero kahit na hindi tayo happy ending, thank you pa din.

Thank you sa lahat ng saya na ipinaramdam mo sakin, sa pag turo kung paano mag mahal ng tunay, sa pag break sa pagiging bad boy ko, sa mga aral na tinuro mo sakin, sa mga kilig na pinaramdam mo sakin, thank you sa lahat. ma mimiss kita.

I Love You Ma.


~

"Get up mahuhuli ka sa flight" tumayo na ako at naligo pagkatapos nun ay kumain.

Uuwi na ko sa Korea para doon na mag start ng new life ng wala sya, it's so fucking hard pero wala akong magagawa, kung pwede ko lang sya buhayin ginawa ko na.

Pag dating namin sa airport sumalubong agad sakin yung mga walang hiya, hindi naman ako nakapag salita agad dahil parang hinahanap ng mga mata ko si Cassey.


"Okay ka lang?" tanong ni Kyle habang kinakalabit ako.



"Ah oo" sabi ko.



"Oh" sabi ni Xyron at inabot sakin yung photo album na color Pink.



"Ano to?" sabi ko at pinakita pa yung Album.




"Photo album ata?" sarcastic na sagot ni Xyron kaya sinamaan ko lang sya ng tingin. "Joke lang! mga baby pictures ni Cassey yan alam kong magagalit sakin yun pero hayaan mo na" sabi nya at nag kamot ulo pa.


Ngumiti lang ako. "Sige na papasok na ko sa loob" sabi ko at nag group hug naman kami. Kahit kelan talaga ang kokorni nila.


"Ingat ka dun ah! mag sabi ka lang samin kung may kailangan ka" sabi ni Colleen and I just nodded.



"Ikamusta mo na lang ako kila Tito at Ate Dev mo dun ah" sabi naman ni Sofia. Andun na kasi sila yung gumising sakin kanina katulong lang namin yun.



"Lagi kang mag text at tumawag samin pag may nakaaway ka dun kami na bahala sa resbak" siraulo talaga to si Kyle.




"Medium yung size ng damit ko ah tapos yung sapatos ko size nine" cool na sabi ni Xyron kaya naman nakatikim sya ng batok samin.




"Kapal talaga ng muka mo" sabi ko at nag tawanan lang sila.



"Siempre gwapo ko" maangas na sabi ni Xyron.



"Sige na una na ko bago pa sumabog utak ko sa taong to" sabi ko at nag wave hand sa kanila at pumasok na sa loob ng airport.



Habang nasa waiting area ako, binuksan ko yung baby album ni Cassey ang taba taba nya pala nung baby siguro kung buhay lang sya pag nag kaanak kami kamuka nya.



Kaso wala na sya eh.



My girl is gone.



xxx





Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now