Paglabas ko nakita ko na yung costumer, sobrang nagulat ako nung nakita ko sya, feeling ko aatakihin ako, bakit sa dinami dami ng taong pwedeng umorder saamin ng bulaklak sya pa?
"ikaw pala yan? k-kamusta?" di ko alam ang sasabihin ko ngayong nakita ko uli sya. nagsalubong naman ang kilay nya sa sinabi ko.
"do I know you miss?" para kong binagsakan ng malaki at matigas na bagay sa dibdib, di ko alam pero ang sakit ng sinabi nya.
"babe wait lang ha, i'll check out the other flowers over there" sabi ng kasama nyang babae at pumunta sa loob ng shop, naiwan kaming dalawa dito. siguro si deserie yun.
"d-drake? ikaw yan diba?" nag nod naman sya.
"oh nice, kilala mo pala ko, ikaw anong pangalan mo?" shit. ano bang sinasabi nya? niloloko ba ko ng bubuyog na to?!
"c-cassey bernardo" hindi ko alam kung bat ko sinagot yan, siguro sa ngayon sakyan ko muna trip nya.
"ah, medyo familiar yung name" ngumiti na lang ako, pwede ba mag mura? di nya ba talaga ko naaalala? bakit? nag ka amnesia ba talaga sya? nag lakad sya papunta doon sa parang maliit na garden, mahangin doon at medyo malayo sa shop, sinundan ko sya pero nagtago ako sa puno.
"ang init naman dito" sabi nya at huhubarin na sana nya yung damit nya kaso napaatras ako kaya natapilok ako sa may bato na nandun.
"lumabas ka na nga dyan, kung di pa ko mag bibiro na maghuhubad ako di ka pa magpaparamdam" sabi nya sakin, di pa din sya nag babago, kaya lumabas na ko agad.
"sinusundan mo ba ko miss?" talaga bang di nya ko kilala?
"drake, n-nakalimutan mo na ba talaga ko?" sabi ko ng nakayuko, di ko alam kung niloloko nya ba ko oh hindi eh.
"huh? eh hindi naman kita kilala eh, teka balikan ko lang yung fiancee ko ah" sabi nya sabay alis, napaupo na lang ako di ko namalayan na umiiyak na pala ko, hindi na nya talaga ko kilala?
**
Pagkauwi ko nadatnan ko si kyle at colleen na naglalaro ng Xbox para silang bata, pinapanuod ko lang sila dito habang nakasanadal ako sa pinto.
"Nah. ang daya mo naman eh!" sabi ni colleen at kumuha ng popcorn.
"daya ka dyan, panalo kaya ako" sinamaan lang sya ng tingin ni colleen.
"kayong dalawa" sabi ko at nagulat naman si colleen at kyle.
"oh? baket?" sabi ni kyle, pinatay ko yung XBOX at humarap sa kanila.
"bakit di na ko kilala ni d-drake? anong alam nyo?" natigilan naman sila sa sinabi ko at nagkatinginan. "ANONG ALAM NYO?!" sobrang lakas ng sigaw ko kaya napatayo si colleen.
"May amnesia na sya!" so totoo pala yung sinasabi nya kanina? totoo pala na hindi nya ko kilala, bakit ba ko nasasaktan? diba dapat hindi?
"b-bakit di nyo sinabi saakin?" umiyak na ko, di ko alam kung bakit ko nararamdaman to basta nasasaktan ako.
"kasi ayaw ka namin masaktan, please kalimutan mo na lang sya" sabi ni colleen.
"tama si colleen, cassey under na sya sa tatay nya" mas lalo akong naiyak, wala na nga siguro, late na lahat, kahit anong change ang gawin ko at kahit anong move on di ko pa din sya makakalimutan. wala eh, mahal ko eh.
"ang sakit lang kasi, diba? biglang di ka na nya kilala, at ang matindi, ikakasal pa sya" iyak pa din ako ng iyak, mag move on ka na cassey please.
"cass, alam namin na sa inyo sila umorder ng mga bulaklak, pero sana, act normal ok?" nag nod lang ako, di ko pa rin mapigilan yung luha ko. ang kulit netong luha ko, sana kasi noong sinabi nya saakin ang lahat, sana kinausap ko sya ng maayos, edi sana masaya kami ngayon, sana di na damay si ate devon at kuya.
Dahil saakin ang lahat ng to, dahil saakin.
**
3 Months ago...
After that months, I changed my self, yes, alam kong nakakasawa na pero nag bago uli ako, nag move on na ko at nag simulang tanggapin ang lahat, magising sa katotohanan na wala na talaga sya sa buhay ko.
Wala na ang bad boy na superman na gumulo at nagpasaya ng buhay ko noon, ako din naman may kasalanan nito kaya dapat kong tanggapin to ng buo.
"Noona?" napatingin ako kay aldrin, naka sandal sya sa pintuan ng kwarto ko.
"yes? may sasabihin ka ata?" lumapit naman sya sakin.
"a-alam mo kasi, m-may gusto ko sayo" nagulat ako sa sinabi nya, di ko inaasahan na sasabihin nya yan.
"ano?" tumingin sya sakin at saka ngumiti.
"noona wag mo na kong intindihin, alam ko naman na hindi pwede right?" di ako makapag salita dahil naluha na sya, oo hindi ko sya gusto, wala kong nararamdaman para sa kanya. pero nasasaktan ako pag nakikita syang ganyan lalo na kung ako ang dahilan, dahil kaibigan ko sya.
"mag salita ka naman dyan" sabi nya.
"a-aldrin ano kasi eh" ngumiti sya at hinawakan yung kamay ko.
"its ok, kalimutan mo na lang yung sinabi ko" sabi nya sabay alis sa kwarto, anong gagawin ko? sinaktan ko ba sya?
*riingg rii--
"oh ano?" sorry ulet, ganyan ako mag hello eh.
["wow! wala man lang kamusta?"] kung abot lang yung kamay ko sa korea, sinapak ko na to eh.
"oh edi kamusta" he sigh, sabay tawa may sayad ata to si xyron eh.
["bakit ka ba nagagalit ha?"] sabi nya ng natatawa tawa pa.
"kainis ka kaya! three months kang di nag paramdam sakin!" tawa pa din sya ng tawa, napaka saya nya ata?
["by the way, si aldrin? umamin na ba ng feelings nya sayo?"] natigilan ako saglit.
"ahm, oo kanina lang, sabi nya naman kalimutan ko na daw yun"
["tsk, hayaan mo sya, ganyan lang yan minsan ma drama, nga pala nag kita ba kayo ni drake?"] hay nako naalala ko nanaman.
"oo kaso ay amnesia na sya, at wala na kong balak mag kwento sayo wala ako sa mood" narinig ko syang tumawa.
["grabe, kawawa naman sya, uuwi na ko dyan bukas! hintayin nyo ko ah!"]
"hoy teka!--"
*Toot Toot*
Lakas ha, binabaan talaga ko. -.-
xxx
YOU ARE READING
Behind Her Glasses
Fiksi RemajaNerds. Very cliche as they said. Do they fall in love? Book cover by: LeLe_Ray ♡ --- By: seylaaa_ (Completed) [Bad Boys series #1]
