Cassey.
[Now Playing: Rainbow by Southboarder]
"Ang ganda ganda mo bes" sabi sakin ni Sofia pag katapos nya akong lagyan ng make up.
"thank you bes" I said then smiled at her, buntis na si sofia ngayon, ganoon na din si colleen, kasama ko sila ngayon dito at si drake naman kasama sila xyron.
Ito na ang magiging special day ko sa lahat, this is the day na ikakasal ako sa lalaking mahal ko at mahal din ako, may halong kaba na may halong tuwa at excitement ang nararamdaman ko ngayon.
"Oh my god anak your so beautiful" mahinahong sabi ni mama habang hinahawakan yung muka ko.
"I can't wait ma" nginitian naman nya ako.
"easy ka lang, malapit na, ang bilis naman ng panahon, noon baby lang kita, ngayon naman ikaw na ang malapit mag ka baby" naramdaman ko namang uminit yung pisngi ko.
"Mama!" saway ko kay mama, buti na lang naka blush on ako.
"why? totoo naman yun anak eh! it's a part of being married, ang mag karoon ng anak" di ko mapigilang mapangiti, naiimagine ko ako at si drake, na may mga anak na.
"hep! hep! hep! may dadaan na gwapo, lalalala~" nakita ko naman si kuya na pumasok, nag hum pa!
"hoy, karl, wag kang over acting hindi ikaw ang ikakasal" sabi ni ate devon kaya tumawa naman kami.
"grabe ka naman Sweetie, eh nung kinasal nga tayo kilig na kilig ka dyan eh" binato naman ni ate devon si kuya ng unan, buti na salo ni kuya yun, sana ganyan kami ni drake, I hope na sana mag karoon din kami ng ganyang kasayang relationship.
"Tara na Cassey! andyan na yung sasakyan mo" sabi ni Colleen at kasama na nya si Deserie, sila sofia naman bumaba na para mauna na sa simbahan, ganoon na din si mama at sila kuya.
Pag sakay ko sa sasakyan, feeling ko nasa fairy tale ako, yung mga pangarap ko nag kakatotoo na isa isa, habang palapit ng palapit sa simbahan di ko mapigilan yung excitement ko, at siempre di pa din mawawala yung kaba sa dib dib ko.
Pag labas ko ng sasakyan naka sarado muna yung pintuan ng simabahan, at saka ito dahan dahang bumukas, may light effects pa para maganda ang makukuhang picture, I think marami sa photos na makukuha naka side view ako, nasa kaliwa't kanan ko kasi yung mga photographers, ok lang yan, pointed nose naman ako eh. Hahaha.
Habang nag lalakad ako papunta sa altar, dinadasal ko na sana-- hindi ako madapa, jusko, malaking awkwardness ang mangyayari pag nag kataon! hanggang sa dininig naman ni God ang dasal ko, naka punta ko sa altar ng diretso, niyakap naman ako agad ni mama pati ng daddy ni drake, at pagkatapos nun, hinawakan na ni drake ang kamay ko at inalalayan akong umupo.
**
Ito na ang moment na mag sasabi kami ng aming wedding vows, di na ako makapag antay sa sasabihin ni Drake."Noon napaka bad boy ko, wala na akong ginawa kundi mag paiyak ng babae at mang bully ng mga classmates ko at school mates, at dumating din ang araw na may isang babae na kinaiinisan ako ng sobra dahil sa lagi ko syang inaasar, she looks like a witch, yan ang lagi kong sinasabi sa isip ko hindi sya marunong mag suklay oh manamit na naaayon sa edad nya" Di ko mapigilang maluha, naaalala ko nanaman yung mga days na kaunti na lang ay mamatay na si Drake sa isip ko. "I thought na hanggang doon na lang, pero nung nalaman ko na sya pala ang prinsesa ko, na sya pala ang best friend ko parang nag iba na ng unti unti ang pakikitungo ko sa kanya lagi kong sinasabi na hindi ako pwedeng mainlove sa kanya dahil wala pa sya sa dulo ng daliri ng mga naging girlfriends ko noon, but I was wrong, very wrong. Hindi ko alam na sya pala ang mag papatino sakin na sya pala ang kukumpleto ng buhay ko and now, she's standing here at mangangako sa Diyos na mag sasama kami habang buhay" He smiled at me after that at ganon na din ako sa kanya, tama sya, hindi ko rin ineexpect na mamahalin ko sya ng ganito.
YOU ARE READING
Behind Her Glasses
Teen FictionNerds. Very cliche as they said. Do they fall in love? Book cover by: LeLe_Ray ♡ --- By: seylaaa_ (Completed) [Bad Boys series #1]