Chapter Four

3.5K 56 0
                                        

Saturday.

sabado ngayon kaya wala akong maririnig na bubuyog, oo nga pala ngayon na ipapakilala samin ni kuya si Ate Devon, mag aate na ko sa kanya dahil ka edad nya si kuya, ano kayang itsura nya? for sure dyosa yun.

"ma, lola she's here" sabi ni kuya, so kila lola nya lang balak ipakilala? how about me?! tsk.

"papasukin mo sya" sabi ni mama, at pumasok naman na agad si ate Devon, napaka ganda nya at halatang mabait sya, kamuka nya si drake, di kaya kapatid to ni bubuyog?

"Annyeong hasseo Devon imnida" sabi nya sabay bow, marunong pala sya mag korean? mukang mag kakasundo kami haha.

"so Koreana pala sya?" tanong ni lola.

"aniyo, marunong lang sya mag korean" sabi ni kuya at ngumiti naman si lola at mama, nako mukang boto sila ah, at feeling ko seryoso na sa kanya si kuya sya lang kasi ang babaeng pinakilala ni kuya ng maayos sa amin eh.

"maupo ka ija" sabi ni lola at umupo naman sa tabi ko si ate Devon, she smiled at me ngumiti din ako.

"so may kapatid ka ba?" tanong ni mama.

"opo, Drake Alcantara po" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, sabi na nga ba eh kapatid nya si drake kamuka nya pero malayong malayo ang ugali nila sa isa't isa.

"dalawa lang ba kayo?" nag nod naman si ate Devon, at nag salita naman si mama.

"ija, we want to meet your family, pwede bang pumunta kami sa inyo?" tanong ni mama.

"mama, maiwan na lang ako dito" Hala! yung bibig ko talaga may kusang powers, kusa na lang na nag sasalita nag tinginan naman sila lahat sakin. "ah.. eh... hehe ok sabi ko nga sasama na ko" ngumiti naman agad si mama.


"so pano tara na?" sabi ni lola, ngayon na ba talaga? di naman sila excited? ako kasi hindi eh, hindi ko gusto makita yung bubuyog na yun.

"sige po" sabi ni ate Devon at tumayo, tumayo na din sila mama at pati ako.

"Yaya, ikaw na muna bahala dito may pupuntahan lang kami" sabi ni lola sa Yaya ko, nung naka sakay na kami sa kotse kinabahan ako bigla, bat kaya?


--

Nung nakarating na kami sa bahay nila, I mean *ehem* Mansyon nila, napanga nga ko, oo malaki din yung bahay namin pero mas bongga to, kabog ako.

Pag pasok sa loob maids muna ang sumalubong samin grabe ang dami nilang katulong nakita ko agad dun yung mama ni ate Devon ang ganda nya, parang si mama at si drake I saw him smiling at me like idiot alam nya na ba na kapatid ko boyfriend ng ate nya? siguro, kasi sinabi ko na yung name ni kuya nung nasa ware house pa lang kami eh. teka, asan yung dad nya? Yah, nevermind.

"Annyeong hasseo Drake imnida" sabi ni drake sabay tingin sakin, bat ba ganyan sya kung maka tingin? psh.

"ang gwapo mong bata ka" sabi ni lola at mama, nag smile naman si drake abot sa mars.

Gwapo nga masama naman ugali, para san pa yung kagwapuhan kung yung ugali eh sobrang pangit naman?

"goodafternoon, ako nga pala si Demy Alcantara ang mommy nila tara sa loob?" sabi nya at dumiretso na kami sa loob, wala pa pala kami sa loob ng bahay nila? nalilito ako haha! pinadiretso kami ng mom nila sa dining room sakto gutom na ko, pero di ako pwede kumain ng madami dahil for sure aasarin ako netong bubuyog na to.

"Nako wala pa yung inorder nating Kimchi Yaya, paki puntahan muna at sabihin yung order natin" waa! favorite ko yun nung nasa korea ko lagi akong kumakain nun.

"ma wait, ako na lang po pupunta" sabi ni drake.

"eh drake, sure ka ba?" sabi ng mom nya, nako mukang may balak nanamang masama tong bubuyog na to hah.

"opo, just let me be with my bestfriend" halos masuka ko sa sinabi nya, ano daw?! bestfriend? at talagang sinabi nya pa yan ng nakatingin sakin, nag aasar ba talaga sya?

"bestfriend?" bulong ko, he just winked at me pero patago.

"great, mag bestfriend pala kayo ni cassey? go ahead cassey samahan mo sya" sabi ni mama.

"but mom?" I said nagulat naman sila sa sinabi ko. "I mean, okay lang sa inyo kung iwan ko muna kayo dito? sure ba kayo? wala bang secon--" di ko na tinuloy yung sasabihin ko dahil nag salita si kuya.

"sige na drake, umalis na kayo" ang sama nya talaga, nahalata nya ata na ayaw ko sumama dito sa bubuyog na to kaya pumayag sya, wala na kong magawa kundi sumama sa BESTFRIEND ko. nung nasa loob na kami ng sasakyan nag salita ako agad.

"hoy ano bang pinagsasabi mong lalake ka?!" tumawa lang sya, argh! I hate him!

"di kita matawag na manang kanina, kaya tinawag kitang bestfriend sounds sweet right? hahaha!" hinampas ko naman sya sa braso, ang tigas pala ako lang ata yung nasaktan kainis.

"sweet mo muka mo!" kalalaki nyang tao may pa sweet sweet pa syang nalalaman, ang mais nya!



"alam mo manang ang bitter mo" sabi nya at nag simula ng mag drive, di na lang ako sumagot inaalala ko ayoko makipag bangayan sa kanya dahil nasa daan kami, kaso nag salita nanaman sya.



"by the way, sino ba yung superman na yun?" nagulat ako sa tanong nya, nag aalangan pa syang itanong sakin yan at muka syang seryoso.


"wala ka na dun" tumingin sya sakin saglit at binalik na ulit yung tingin sa daan.


"forget him" napatingin ako sa kanya, sino sya para sabihin yan? bakit kilala nya ba si superman para mag salita sya ng ganyan?





"kung makapag salita ka akala mo kilala mo sya ah!" di ko na napigilan sumigaw, superman ikaw naman ipagtatanggol ko sa lalaking to.




"I know him kaya pwede bang tumahimik ka na lang?" kilala nya si superman? pano? ano nya si superman?




"but how?" he stoped the car then looked at me.



"K-kaibigan ko sya nasa Canada na sya, nung narinig ko sayo yung superman thingy naalala ko sya at sinabi ko sa kanya yun he... he told me na w-wala na syang pakialam sayo, she forgot all about you nagbago na sya Bad boy na sya" nung pag kasabi nya ng bad boy umiwas sya ng tingin, di ko napigilang mapaluha nangako sya sakin na hihintayin nya ko, pinangako nya sakin yun bago ako umalis tapos nasa canada na sya? eh pano yung sinabi ni yaya? so ibig sabihin isa sa kanila ang nag sisinungaling?


"sabi ni yaya taga oppenheimer daw si superman, at taga dito daw sa village natin dahil nakausap nya yung mommy nito" nagulat sya sa sinabi ko.



"n-nung time na yun nasa pinas pa sya pero ngayon nasa c-canada na sya" mas napaniwalaan ko yung sinasabi sakin ni drake ngayon dahil parang mas kilala nya si superman.



"ano ba yung totoo nyang pangalan?"



"sinabi nya na wag ko sabihin sayo, I told you he hates you" lumabas na ko ng sasakyan ayoko na marinig kung gano ako ka hate ni superman.




superman sinaktan mo ko...




xxx

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now