34: Friends
---
Drake's POV
3 years. tatlong taon kong inakala na si Deserie ang mahal ko, pero nagkamali ako, isa na yan sa mga matinding pag kakamali ko.
Isa sa mga pinakamamahal kong babae pa sa buhay ko ang nawala, oo makasalanan akong tao pero bakit ganon? miss na miss ko na sya, malapit na ang birthday nya ngayon, sana nandito pa sya, para laging may manaway sa mga kalokohang nagagawa ko. miss na miss na kita mom.
Kasalanan ko din kung bakit nasa peligro ngayon ang buhay ni cassey, pinindot ko agad yung button, yun pala may naka connect doon na once na pinindot mo yon, mababaril si cassey. nag madali ako masyado, hindi ko na naisip na pwede palang mangyari yun.
"Kamusta na si cassey?" tanong ko kay kuya Karl.
"malala pa ang kondisyon nya, sa ngayon makina na lang ang nag papatibok ng puso nya, once na tinanggal yun, mamatay sya" gusto kong pumatay ng tao dahil sa narinig ko, kasalanan ko to eh.
"this is my fault" sabi ko, at hinayaan na lang na tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"wala kang kasalanan, kasalanan to ng hayop na aldrin at dean na yun, kung hindi dahil sa kanila, wala si cassey dito" nakakulong na silang dalawa, kung pwede nga lang na sila ang ihulog ko duon sa mga pating eh ginawa ko na.
Maya maya iniwanan na ako ni Kuya Karl mag isa sa kwarto, nakatingin lang ako kay cassey, namimiss ko na sya, kung kailan naman bumalik na yung ala ala ko saka naman sya nagka ganyan, sana lumaban sya alam kong kaya nya yan dahil alam kong malakas sya.
Hindi nya ko iiwan.
Sofia's POV
"LECHE KA! MABULOK KA DYAN SA KULUNGAN! ISA KANG TRAYDOR!" kanina ko pa binubulyawan tong g*gong aldrin na to, hayop sya, ang galing nya mag panggap napaniwala nya kaming lahat.
"halika na, pumunta na tayo sa hospital bisitahin na natin si insan" nag nod lang ako sa sinabi ni kupal, by the way-- KUPAL pa din ang tawag ko sa kanya kahit Lovers na kami. >:p
"buti na lang talaga, na bigyan mo ng pasa sa muka yang aldrin na yan" sabi ko habang papasok sa sasakyan.
"hindi ko palalampasin yung ginawa nya aba! kahit gwapo nananapak pa din" binatukan ko nga.
"yung pag ka hangin mo, baka matangay ako" natawa lang sya at saka na nag drive.
Yung mga nangyari kay cassey, sobrang nakaka trauma yun para saakin, ang tindi ng mga na experience nya, di yun biro pero mala fairy tale ang kwento nila ha! bet ko yun.
Si deserie naman ayun, iyak na lang ng iyak, babaha na nga yung kwarto nya kakaiyak, kala mo naman may mapapala sya sa pag iyak nya ka bwiset. ang ingay parang baka. deserve naman nya yun dahil naging masama sya kay cassey, saakin at sa lahat.
"were here" sabi ni KUPAL at agad naman na kong bumaba sa sasakyan, pumunta na kami agad sa room ni cassey at nakita naman namin si drake doon mag isa.
"asan sila?" tanong ni Kupal kay drake.
"nasa canteen kumain na muna sila kaya ako na ang nag bantay dito kay cassey" cold at walang ganang sagot ni drake habang naka nap sa gilid ng kama ni cassey.
"eh bat ikaw? kumain ka na kaya" sabi ko, feeling ko ilang araw na tong di nakakakain ng maayos.
"wala kong gana" aba halata namang wala talaga syang gana noh.
"papainumin kita ng tiki tiki dyan, tayo na kasi, kami na mag babantay kay cassey, kasi pogi ako" sabi ni kups. sinamaan ko naman sya ng tingin at napatingin din sa kanya si drake.
"ANONG CONNECT?!" sabay naming sigaw ni drake, at nag takip naman ng tenga tong si kups.
"kunwari may connect! isipin nyo na lang talagang duet pa kayo ah! ano to? sabayang pagbigkas?" sabi nya ng natatawa tawa pa.
"nye nye nye, whatever! ang sabihin mo kasi pahiya ka lang, wala naman laging connect yang mga sinasabi mo!" sabi ko sabay tawa, totoo naman! mukha kaya syang tange, walang connect yung mga pinag sasabi nya, basta may salitang pogi ayus na. psh.
"oy oy oy, grabe! ganon talaga kapag pogi kaya pasensya na kung minsan walang connect" I rolled my eyes, nangyari na lahat lahat bukambibig nya pa din na gwapo sya, kingina. nakakaiyak.
"eh bakit ako? di naman ako nag kakamali sa CONNECTION ah?" sabat naman ni drake kaya nag nod naman ako bilang pag sang ayon.
"eh kasi, mild lang yang looks mo, kaya di ka nawawala sa connection eh ako kase sobrang gwapo ko kaya ganun" nag explain pa talaga, aist kahit kailan kupal nya talaga, kung di ko lang boyfriend to nako, sinaksakan ko na sya ng oxygen, mahirap na sa sobrang hangin nya baka maubusan sya.
"ang kapal ha" sabi ni drake sabay bato kay kups ng isang roll ng tissue at buti nasalo ni kups yun, ano? mag aasaran na lang ba sila mag damag?
"oh tignan mo to, nasalo ko kasi nga gwapo ako!" napailing na lang si drake, kahit kailan talaga tong kups na to, PALPAK!
"Connection failed 102 insan" sabi ni... teka? GISING NA SI CASSEY?!
"oo nga in-- CASSEY?! GISING KA NA!" sigaw ni kups na halatang gulat na gulat. pati si drake nakatingin lang sa kanya, lumabas naman agad si kupal para tawagin sila tita clarisse. (Cassey's Mom)
"Anong kailangan mo? juice? tubig? ice tea? ano? gutom ka na ba?" sunod sunod na tanong ni drake, nag katinginan lang kami ni cassey sabay tawa.
"ano bang nakakatawa?" tanong ni drake sabay pout pa.
"kasi naman ang O.A mo mag react" sabi ni cassey kaya naman umupo na lang si drake.
"masama ba na maging masaya ko kasi gising na ang girlfriend ko?" nanlaki naman ang mata namin ni cassey doon.
"KAYO NA?!" sigaw ko nag nod naman si drake.
"hindi ko yan alam!" sabi naman ni cassey.
"Alam mo MA, kung di mo ako nireject noon edi sana di ako nag ka amnesia, di sana kita nakalimutan, naligawan sana kita, nasagot mo sana ko at dapat tayo na, so ganon na din naman yun kaya girlfriend na kita" sabi nya sabay wink kay cassey, Naman eeeeh kinikilig ako!
"alam mo DA wag mo na ipamuka sakin na ako may kasalanan kung bakit mo ako nakalimutan" Yiiihiiee may tawagan na agad!
"pero tayo na nga? payag ka na?" nag nod naman si cassey kaya ngumiti naman ng bongga tong si drake.
"YES! WHOOOHOO!" nag tatatalon pa sa tuwa e.
"teka, para mas masaya, kantahan mo naman si cassey! Yiiihiiee nekekeleg ako ha!" sabi ko sabay clap hands, umayos naman ng tayo si drake sabay *clear his throat* at kumanta.
"Take a little time, baby see the butterflies coming listen to the birds that was sent for me and you, can you hear me? there's a rainbow always after the rain.." talagang theme song pa nila ang kinanta ah?
"mukang masayang masaya ata kayo?" nagulat naman kami ng biglang may pumasok sa kwarto... teka? si DESERIE nanaman!?
"pwede ba? wag ka ng mang gulo dito des" sabi ko at aba ang gaga nginitian lang ako.
"wala ako dito para mang gulo, Im here to say sorry"
*Silence*
"alam ko naman na, hindi ako mahal ni drake pero pinilit ko pa din, nandito ako para mag sorry at pag sisihan ang mga nagawa ko, cassey sorry" sabi nya sabay bow.
"pinapatawad ka na namin" sabay na pag sabi pa ni cassey at drake.
"sige na sis, bati na din tayo" sabi ko sabay lapit sa kanya at hinug sya.
"teka, magkapatid pala kayo?" tanong ni drake.
"YES!" sabay pa naming sabi no des at nagkatinginan lang kami sabay tawa.
"mag kapatid nga kayo" sabi ni drake.
"so pano? Friends?" sabi ni des.
"FRIENDS."
xxx
YOU ARE READING
Behind Her Glasses
Teen FictionNerds. Very cliche as they said. Do they fall in love? Book cover by: LeLe_Ray ♡ --- By: seylaaa_ (Completed) [Bad Boys series #1]
