1 year ago..
Cassey's POV
Ang ganda ganda ng gising ko ngayong umaga, kasing ganda koo! weh? ah basta! maniwala na lang kayo, bumaba na ko agad pag katapos kong mag tooth brush at maligo, nagugutom na kasi ako eh, pero pag baba ko walang tao, asan kaya yung mga yun? yung ulam pa... TUYO?! dibale na nga lang eto na lang mu--
"HAPPY BIRTHDAY CASSEY!!" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa kanila.
"a-anong? kalokohan to?" grabe, ang dami nilang surprises sakin. sa sobrang dami pang pagkain, di ko alam kung anong uunahin ko kaso bakit wala dito si drake?
"kalokohan ka dyan! halika mag bihis ka dali!" sabi ni sofia,colleen at deserie tapos hinila ako papunta sa kwarto ko.
"ano bang gagawin nyo?" sinamaan naman nila ko ng tingin. "Fine, bahala na kayo" sabi ko at kaya automatic silang napangiti.
"suotin mo yan dali!" sabi ni colleen at inabot saakin yung violet na dress tapos may belt, ewan ko ba kung saan nila nakuha yan, di naman sakin yan at, muka pang bago.
"oh eto pa" sabi naman ni deserie at inabot saakin yung plain white na high heels.
"halika dito me make-up-an na kita" sabi ni sofia at walang ano ano ay pinaupo na ko at sinimulan ng make up an.
Bakit ba kasi wala dito yung bubuyog na yun?! boyfriend ko sya tapos wala sya dito? pag nakita ko talaga sya di ko yun kakausapin. mag tatampo muna ko noh!
"ano bang meron?" sabi ko habang mine make upan ako ni sofia.
"birthday mo diba? oh yan tapos na" sabi ni sofia, grabe talaga sya mag make up, ang laking transformation yung nagagawa nya.
"teka teka! bago yan, oh suotin mo yan daliii!" sabi ni deserie at inabot saakin yung panyo nung una nag dadalawang isip pa ko kaso bigla na lang kinuha ni colleen yun at tiniklop tapos tinakip sa mata ko, ano ba kasing trip netong mga to? siraulo talaga eh!
**
"were here" sabi ni colleen at binaba na ko sa Van, kaibigan ko ba talaga tong mga to? parang kinidnap na ko e.
"oh dahan dahan.... SURPRISE!" sabi nilang tatlo at tinanggal na yung panyo na nakatakip sa mata ko, nakita ko ang isang romantic place, may mga roses, candle lights, at may isang table for two nasa garden ito nagulat na lang ako ng dumating yung papa ni drake at may hawak na lobo.
"n-nandito ako, to say sorry, kasalanan ko ang lahat ng mga nangyari sa inyo ng anak ko" sabi nya at inabot saakin yung lobo na may nakasulat na "I" kulay Red yung mga lobo.
"Ako naman, nandito ako para ibalita sayo na, kami na ulit ng kuya mo" sabi ni ate devon at inabot saakin yung lobo na may nakasulat na "LOVE" whoa. puro good news ngayon.
"at ako naman, dahil best friends na tayo masaya ako doon and may boyfriend na ko from Singapore, meet kayo soon!" natawa lang ako sa sinabi ni deserie at inabot na nya saakin yung hawak nyang lobo na may nakasulat na "YOU" ang laki na ng pinag bago nya, pareho na silang childish ni sofia.
"At sa lahat lahat ng mga problemang dumating sa buhay natin, di pa rin tayo sinukuan ni Lord, kahit na hindi ako pala dasal, sobrang pasaway ko, napaka Bad Boy ko sayo, gumawa pa din sya ng paraan para tayo pa din sa huli, noon na hindi ka nanalo sa Beauty Contest na sinalihan mo sa school, ok lang sakin yun, dahil para sakin ikaw pa din ang Queen of Queens" sabi ni drake at inabot saakin yung lobo na may nakasulat na "MANANG" kaya hinampas ko agad sya sa balikat.
"hanggang ngayon manang pa din?!" natawa naman sya at bigla akong niyakap.
"kahit losyang, manang, bakulaw, halimaw, engkanto ka pa, ikaw pa din ang princess ko, at hindi na mag babago yun" oo na kinilig na ko, itatanggi ko pa ba?
"wait, there's more" sabi nya at pinaupo ako sa upuan na nakatapat sa isang mini stage, umakyat naman sya sa stage at saka nag salita, nakita ko din na may mga banda doon.
"Nakikita nyo ba yang babaeng yan? *sabay turo sakin* ang ganda nya diba? sya ang girlfriend ko at future wife ko, I love her very much" kyaaa! oo na! ako na talaga! bigla namang tumugtog yung banda at saka sya kumanta.
"Oh when you up down town me you better felted I tried to pitch you but your so hot and I melted I fet like wanna cry now Im trying to get back, before the cool down right now and begin with the besties it not just gonna stop and put the fire dimentions I recorded to get my turn to win some oh learn some so I wont hesatate no more no more it can not wait Im yours" anak ng tokwa! anong nangyari sa lyrics?! gusto ko ng tumawa dito.
Napakamot sya ng ulo at nakita ko syang bumaba sa stage at lumapit saakin.
[Now Playing: Rainbow by Southboarder ]
"Cassey sorry sa lyrics ha? pero, hayaan mo kong gawin to" sabi nya sabay luhod, nakita ko ding nandito na sila mama, kuya at ang iba pang naiwan kanina sa bahay, sabi na eh. planado to!
"a-anong ginagawa mo dyan?" di ko alam kung anong sasabihin ko, parang abnormal yung tanong ko sa kanya, nginitian na lang nya ko at bigla syang may inilabas na Diamond Ring sa bulsa nya.
"will you marry me Cassey Bernardo?" I cover my mouth para pigilan ang luha ko, and nag nod ako.
"y-yes! tinatanong pa ba yan?" ngumiti naman sya ng sobrang lapad at saka sinuot sakin yung sing sing. at sabay tayo.
"I love you MA" bulong nya sakin sabay niyakap ako.
"I love you too DA" kumalas naman sya sa pag kakayakap sakin. I felt his lips on mine. pagkatapos nun humarap ako sa mga kaibigan ko at kila kuya and I showed my ring.
"YIIIIEEEE!!! CONGRATS SA INYO INSAAAANN!!!" binatukan naman agad ni sofia si xyron.
"ANG INGAY MO NAMAN KUPAL EH!" tumawa lang kami sa kanilang dalawa, kahit kailan talaga. maging mag boyfriend oh mag asawa parang always bangayan pa din.
**
Pag katapos ng party umuwi na kami agad, naiwan naman ako dito sa harap ng bahay namin dahil kakausapin daw ako ni drake.
"hmm, may sasabihin ka?" tanong ko sa kanya, nag nod naman sya. sabay niyakap ako.
"mamimiss kita Ma" natawa naman ako sa sinabi nya.
"miss? ano ka ba? eh bukas pwede naman ulit tayo mag kita, sa susunod pwede ulit, kahit minuminuto pa tayo mag usap pwede" mas lalo naman nyang hinigpitan yung pag kayakap nya sakin.
"cassey, dito na din kaya ko matulog sa tabi mo?" napangiti naman ako at hinarap sya sakin.
"Da, umuwi ka na, promise bukas punta tayo sa favorite place natin" sabi ko sabay raise ng right hand.
"Favorite place?" nag pout naman ako, di nya alam yun?
"yung sa park yung lagi nating pinupuntahan noon" sabi ko, lumapit naman sya sakin at hinalikan ako.
"okay sige pupunta tayo doon, sorry nakalimutan ko haha, good night Ma" sabi nya.
"okay lang, Good Night Da" sabi ko sabay yakap sa kanya.
"I love you Da" sabi ko at kumalas sa pagkakayakap bigla naman syang tumakbo palayo at saka sumigaw.
"I LOVE YOU TOO MAA! MAHAL KITA CASSEY!" natawa lang ako sa sinabi nya, grabe, ang baliw nya talaga, lalayo pa talaga sya para lang maraming maka rinig ng I Love You nya.
Papasok na sana ko sa loob ng bahay kaso may naramdaman akong humatak sakin papasok sa loob ng isang Van.
Hindi ko na alam ang susunod na nangyari dahil hinampas nila ko sa ulo ng isang matigas na bagay.
Tulungan mo ko Da, please tulungan mo ko....
xxx
a/n: if ever lang na hindi nyo naintindihan yung lyrics ni drake, ang kinanta nya nun ay Im Yours. Lol.
YOU ARE READING
Behind Her Glasses
Teen FictionNerds. Very cliche as they said. Do they fall in love? Book cover by: LeLe_Ray ♡ --- By: seylaaa_ (Completed) [Bad Boys series #1]
