Colleen's POV
After three days nagising na din si Sofia, at good news yun lalo na kay *ehem* xyron. pero naka tanggap na kami kaagad ng bad news galing sa mama ni cassey, nawawala kasi si cassey three days ago na din, di nila alam kung asaan na.
"ano na kayang nangyari doon kay insan? baka napano na yun?" sabi ni xyron, kanina ko pa nga iniisip kung saan sya pwede mag punta pero wala namang pumapasok sa isip ko na kahit anong idea na pwede nyang puntahan.
"saan ba sya pwedeng pumunta?" sabi ko at muka namang nag isip sila lahat, kasama na din namin ngayon si sofia.
"baka kila Aldrin?" nagkatinginan naman kaming apat, tama! baka nga nakila aldrin sya, parang si aldrin na lang kasi ang pwede nyang puntahan eh, umalis na kami at pumunta sa Condo unit ni aldrin, pero wala sya doon. Fail. wala sya kila aldrin. YAH! CASSEY ASAN KA NA BA?
**
Cassey's POV
Nagising ako ng nakatali ang dalawang kamay ko sa upuan, di ko alam kung ilang araw na ko nandito, sa isang napaka dilim na ware house hindi ko alam kung paano ako naka survive dito.
"So, gising ka na pala munting prinsesa" Totoo ba to? totoo ba tong nakikita ko? bakit sya nandito? hindi. panaginip lang lahat ng ito, gumising ka cassey.
"a-anong gagawin n-nyo saakin?" gusto ko ng umiyak, pero walang lumalabas na luha, di ko maintindihan pero sa dinami dami ng pwedeng trumaydor sakin bakit sya pa?
"easy ka lang NOONA malalaman mo din kung anong gagawin namin sayo" sabi nya sabay sindi ng yosi at umupo sa lamesa katabi nya pa si Dean, ibang iba na sya, hindi na sya yung ALDRIN ENESIO na nakilala ko.
"How dare you! pinagkatiwalaan kita tapos tinraydor mo lang ako!" rinig na rinig sa buong ware house yung sigaw ko, tinawanan lang nila ko at ibinuhos sa akin yung malamig na tubig, napaka sama nila, lalo na si Aldrin, napaka galing nyang mag panggap.
"that's your biggest mistake" sabi pa ni aldrin.
"talaga! ayun talaga ang pinaka worst na pagkakamali namin ni Xyron! ang pagkatiwalaan ka hayop ka!" agad naman nya kong sinampal, sobrang lakas nun kaya napaiyak ako sa sakit.
"isa kang Traydor aldrin! hindi ka totoong kaibigan!" sigaw ko at sinampal nya ko ulit sa kabilang pisngi ko, napaka hapdi na ng muka ko feeling ko nga na dugo na e.
"Tama na yan pre, naka instant rosy cheeks na sya oh" sabi pa ni dean at tumawa, nakaka asar yung tawa nila, mga tawa ng mga Walang hiya at tawa ng isang malaking TRAYDOR na tulad ni aldrin.
"OH ANO? ASAN NA YUNG SUPERMAN MO? MAG PAPAKASAL NA YUN BUKAS! KAWAWANG CASSEY! HAHAHA!" sigaw ni dean, natatakot na ko sa kanila, feeling ko anytime mawawalan na ko ng malay dahil nanghihina na din ako.
"alam ko namang di na sya dadating kaya kung pwede lang pakawalan mo na ko!" sigaw ko, at dahil nga sa mga dimonyo sila, tinawanan lang nila ko.
"Aldrin, ilagay mo na yang daldalita na yan sa taas"
"s-saan nyo ko dadalhin?!" hinatak ako ni aldrin sa taas, nakatungtong ako sa isang bakal at kapag tumunog na yung timer malulunod ako dahil isang malaking aquarium ang babagsakan ko.
"simple lang naman, aantayin mo lang ang superman mo, pag dumating sya, dalawa kayong malulunod pag di sya dumating ikaw lang ang malulunod, ang saya diba?!" sabi ni Aldrin ng may masayang boses, baliw na talaga sya, silang lahat! wala silang awa.
"wag nyo ng idamay si drake dito!" sigaw ko, napatingin ako sa ilalim ko, sh*t may mga pating pa pala sa malaking aquarium, nanginginig na ang tuhod ko sa takot, alam kong wala na kong takas dito.
dumating man sya oh hindi.
**
Xyron's POV
Aist! di ko macontact si Aldrin, baka kasi may alam sya kung nasaan ba si insan eh, sya na lang kasi pwedeng mapuntahan ni insan.
"hoy kupal, may balita na ba kay cass?" maka kupal naman to! nako kung alam nya lang na kung gaano ako nag alala sa kanya nung na hospital sya! kala ko nga mag kaka amnesia na din sya e.
"wala pa daw eh, nag aalala na nga sila tita, at pwede ba? wag mo nga kong tawaging kupal" nag roll eyes nanaman sya.
"eh bakit ba? kupal ka naman talaga eh" loko talaga to, napaka gwapong kupal ko naman ata?
"ikaw na manika ka, payatot ka na muka ka pang manika, napakaarte mo, ewan ko nga kung bakit sa dinami dami ng nagkakandarapa saakin bat ikaw pa" automatic nanaman nya kong binato ng unan.
"HOY KUPAL, KAHIT KAILAN DI AKO MAG KAKAGUSTO SA TULAD MO NOH!" binato ko din sya ng unan.
"bakit ba di mo ma gets?! kainis ka ang ganda mo nga ang liit naman ng utak mo" binato nya ulit saakin yung unan.
"KUNG ANO ANO NA KASI SINASABI MO DI KO NAMAN MA INTINDIHAN!" sigaw nya.
"ANG SLOW MO KASI!" sinigawan nya ko well, sigawan ko din sya, aba kanina pa ko binubulyawan nyan.
"STRAIGHT TO THE POINT NA KASI! KUPAL KA TALAGA EH!"
"MAHAL KITA DI MO BA MA GETS YON? OR TALAGANG MANHID KA?!" napatahimik naman sya doon, bakit kasalanan ko bang magkagusto sa kanya? di naman diba? sobrang gwapo ko kasi kaya ako nag kagusto sa kanya (konektado yun)
"Stupid, wag mo kong niloloko" lumapit naman ako sa kanya.
"hindi kita niloloko, gusto mo patunayan ko pa eh" She sigh.
"then, go patunayan mo" lumapit pa ko sa kanya at hinalikan sya, di naman nya ko sinapak or sinabunutan or-- pinatay, kaya alam ko na gusto nya din to, sabi na eh, may Hidden Desire talaga sakin tong payatot na to ayaw pa umamin pero gusto nya din ako, hirap maging gwa--
*PAK!* ouch! sh*t my handsome face! sinampal nya! loko pala to sabi nya patunayan ko?!
"ANG SWEET MO AH! DAMANG DAMA KO!" sabi ko ng nakahawak sa pisngi ko.
"this is the very Stupid word I need and I want to tell you, Kups, I LOVE YOU"
xxx
YOU ARE READING
Behind Her Glasses
Novela JuvenilNerds. Very cliche as they said. Do they fall in love? Book cover by: LeLe_Ray ♡ --- By: seylaaa_ (Completed) [Bad Boys series #1]
