Kabanata 3

1.9K 43 1
                                    

"Lora."

Tawag nito sa kasambahay nila.

"Ano po iyon senorita."

Hinawakan nito si Lora sa braso at inaya ito papunta sa silid.

Malapit ang loob nito sa kasambahay at napag kakatiwalaan niya ito dahil hindi ito madaldal gaya ng iba nilang kasambahay maliban kay Manang Lena na matagal ng naninilbihan sakanila. Halos kasing Edad niya lamang si Lora ngunit wala pa itong asawa.

"Gusto ko sang humingi ng tulong sayo."

Iginaya niya ito sa sofa na nasa kwarto nito at pinaupo.

"Ano pong klaseng tulong ang kailangan ninyo?

Magalang nitong tanong kay Eliera.

"Ang Papa kasi..."

"Bakit po si Senior?"

Naguguluhan nitong tanong.

"Gusto niya kasi akong ipakasal sa pamangkin ni Uncle Joel, ni hindi ko nga iyon kilala. Tapos gusto ng papa na ipakasal ako sakanya."

Palakad lakad ito sa harap ni Lora habang kagat ang kuko nito sa inlalaki at nag iisip kung ano ang gagawin.

"Ano po? Sa pamangkin ni sir Joel? Baka mamaya kamuka niya ang pamangkin niya na butas butas din ang muka at pango ang ilong ano na lamang ang magiging muka ng anak niyo Senorita."

Lumaki ang mata ni Eliera sa sinabi ni Lora.

"Ano ka ba Lora, mamaya marinig ka ng Papa."

Suway nito sa dalaga at humagikgik pa.

Hindi sa panumukso totoo ang lahat ng sinabi ni Lora bukod sa butasbutas ang muka nito at pango ang ilong pandak pa ito. Buti nalang at maputi si Joel Amorsolo at mayaman.

"Eh, ano po ba ang gusto niyong gawin ko Senorita? Hindi naman pwede na ako ang mag pakasal sa Pamangkin ni Sir Joel, dahil wala akong balak na mag asawa."

Wika nito.

"Hindi naman iyon Lora, gusto ko sanang tumakas. Sa kaarawan ng papa ay gaganapin din engagement party ko."

Umupo ito sa katapat ni Lora at nag talumbaba.

"Ano naman po ang balak niyo Senorita?"
Muli nitong tanong.

"I want to escape."

Walang ka gatol gatol nitong wika na siyang nag palaki sa mata ni Lora.

"Naku! Senorita baka pag nalaman ng Papa niyo na umalis kayo ngayon ay atakihin iyon sa puso at baka hindi na ito makaabot sa kaarawan niya."

Taklesa talaga si Lora ngunit marunong itong mag tago ng sikreto.

"Lora, naman siyemre hindi ngayon?"

Napakamot ito sa batok.

"Kung hindi ngayon Senorita, kailan?"

"Sa mismong kaarawan ng Papa."

Tumingin si Eliera sa dalaga na walang maisip na sasabihin.

"Pero, saan naman kayo pupunta? Wala kayong mapag tataguan dahil mahahanap at mahahanap kayo ng inyong Papa."

Bago pa man sila mag usap ni Lora ay naisip niya na iyon. Dahil maraming koneksyon ang kanyang Ama.

"May kakilala ka ba na pwede kong pag pasukan bilang kasambahay? Sigurado ako na hindi nila ako makikilala kung mag papanggap ako bilang kasambahay."

Ngumiti ito at umaasa na san meron itong kakilala.

Sandali itong nag isip at nag bibilang sa kamay.

Tumingin ito kay Eliera at ngumiti.

"Kay Aling Marta, nag tatrabaho siya bilang kasambahay kay Dr. Zach Martin Mueble, nag iisa lamang ito sa bahay nito. Pero hindi iyon kalayuan dito sa subdivision. Isang bayan lamang ang layo nito pero sigurado ako na hindi ka mahahanap ng iyong Papa dahil iisipin non na, nasa malayo kang lugar nag punta."

Mahaba nitong lintaya.

May point nga naman ito.
Hindi iisipin ng Elejandro Conquero na, nasa malapit lamang ang bunso nitong anak at iisipin nito na nag pakalayo layo ito dahik ayaw niyang oag pakasal sa pamangkin ng kaibigan...

"Sabagay tama ka Lora, ang akala ng Papa ay nag punta ako sa pinakadulo ng pilipinas para mag tago, pero  ang hindi niya alam ay nasa malapit lamang ako at nag papanggap bilang kasambahay."

Muli sumilay ang ngiti sa labi nito ngunit nakaramdam din ito ng lungkot ng isipin na maiiwang mag isa ang kanyang Ama dito sa mansyon.

"Bukas na bukas din ay pupunta ako kay Aling Marta para ipaalam sakanya na may gustong mamasukan bilang kasambahay."

Nag pasalamat si Eliera kay Lora. Buti nalamang at naging malapit ang loob nila sa isat isa.

Kung nag kataon ay hindi nito alam ang gagawin para lang matigil ang kasal na gusto ng kanyang mahal na ama.

Sapagkat hindi pa ito handa para dito dahil wala pa sa plano nito ang pag papakasal.

Gusto muna nitong ienjoy ang pagiging dalaga at gusto pa nitong magkaroon ng lesensya sa pag aabogasya at maging Certified Public Accountant dahil iyon ang pangarap niya.

—°—

Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon