Ng araw din na iyon ay nag pasya siya na puntahan ang kanyang Ama.
Dahil mag isa siya ngayon sa bahay ni Martin.
Bumaba siya sa malaking mansyon at nag bayad sa tricycle driver.
Sumilip muna siya doon bago nag door bell.
Aminin niya sa sarili na kinakabahan siya na makitang muli ang kanyang ama.
Miss na miss niya na din kasi ito.
Nakailang doorbell din siya ng bumukas iyon at iniluwa si Manang Lena.
"Jusko! Seniorita Eliera, kaytagal niyong nawala!"
Bulalas ni Manang Lena.
Niyakap siya nito at iginaya papunta sa loob.
Nilibot niya ang mata niya sa buong kabahayan at parang ang laki ng pinagbago nito.
Mukang malungkot ang aura ng bahay dahil walang kahit na anong konting ingay ng ibon o kahit na ano.
"N-nasaan ho ang Papa, Manang?'
Malungkot nitong tanong.
"Nandoon siya sa iyong silid Seniorita, araw araw siyang nadoon sa inyong silid. Pati sapag kain ay hinahatidan na lamang namin siya. Sagabi naman po ay naririnig naming kausap niya ang sarili at sinisisi ito dahil sa pag alis niyo."
Mahabang lintaya ni Manang Lena.
Tumingin siya sa taas atnaka sarado ang pinto nito.
Dahan dahan siyang umakyat at habang papalapit siya ay hindi niya mapigilan ang sarili sa pag iyak.
Maingat nitong binuksan ang pinto ng kwarto at lumangitngit ito na parang tunog ng naipit na kawayan.
Mula sa labas ay nakita niya ang kanyang ama na naka upo sa kama nito at mejo naka ngiti.
Bumuhos ang kanyang luha ng makita nito ang kanyang ama.
Tama nga ang kwento sakanya ni Lora, na nakangiti nga ito kapag nasa silid niya ang ama. Siguro nga ay iniisip nito ang mga magagandang ala ala na kasama ang dalaga.
Lumakas ang pag iyak nito at dahan dahan namang napatingin si Elejandro sakanaya.
"Eliera...Anak ikaw ba iyan?"
Mahinang wika ni Elejandro sa bunsong anak.
"O-oho Papa...A-ako nga po.."
Humagulgul ito ng humagulgol at tumakbo siya sa ama.
"Ikaw nga anak!"
Halos hindi makapaniwalang wika ni Elejandro.
Sumalampak sa sahig si Eliera at ipinatong nito ang kamay at ulo sa hita ni Elejandor habang umiiyak.
Hinaplos nito ang ulo ng anak at hinalikan ito.
"I....im sorry...Papa!"
Sinisinok nitong wika.
"No...Im the one who say sorry, Anak."
Inangat nito ang muka ng anak para maka tingin sakanya.
Pinaupo niya ito sa tabi niya para mas mayakap pa ito.
"Hindi po Papa...K-Kasalanan ko kung bakit... Kung bakit kayo naging malungkot....kung...kung bakit kayo na ospita at nag away ni Kuya Elmir...kasalan ko Po lahat Papa."
Patuloy parin sa pag alpas ang luha ng dalaga habang naka tingin sa ama.
Pinunasan ni Elejandro ang mga luhang kumakalat sa muka ng bunsong anak.
"Hindi Anak, hindi mo gagawin ang umalis ng walang paalam kung.... Kung hindi kita pinilit na ipakasal sa Pamangkin ni Joel.
Mahal na mahal kita anak, alam mo yan. Gusto ko lang naman na magaya ka sa mga kapatid mo... Na masaya sa buhay nila kasama ang mga asawa nila."Paliwanag ng ama.
"Oo papa, pero hindi ako doon sasaya."
Sagot ni Eliera.
"I know, Anak. The day you left here... Iniurong ko na ang kasal. Mahal kita anak, I know na mas sasaya ka kung ikaw mismo ang pipili ng lalaking pakakasalan mo. Iyong mahal mo at mamahalin ka."
Sa mga oras na sinasabi iyon ng ama. Ang tanging naiisip niya lang ay si Martin.
Pero wala muna itong balak na sabihin sa Ama nito, na meron na siyang kasintahan.
"I love you too Papa, and Im sorry for leaving you...Im sorry for all the things I've done. Im sorry Papa."
Yumakap itong muli sa ama.
"Babalik kana ba dito Anak? Hindi ko naman na itutuloy ang kasunduan namin ni Amorsolo."
Lumayo ito sa pag kakayakap sa ama.
Inisip niya si Martin, hindi niya ito bastang iiwan nalang.
Mahal niya ang binata kahit na sa konting panahon lang sila nag kakilala ay nahulog na ito kay Martin.
"Hindi muna Papa..."
Humarap siya sa kunot noong muka ng Ama niya.
"Pero bakit anak?"
Tanong ni Elejandro.
"Nung umalis ako Papa, namasukan ako bilang kasambahay ng isang Doktor. Para di niyo ko mahanap. Mabait saakin ang Amo ko Papa, kailangan ko munang ayusin ang mga bagay bagay."
Hindi nito inamin na ang doktor na tinutukoy niya ngayon ay ang kasintahan niya ngayon.
"Pero anak."
"Pangako Papa, uuwi ako dito. Hintayin niyo lamang po ako."
Magalang nitong sabi.
"Pwede bang malaman kung san ka nag tatrabaho Anak?"
Tanong muli ni Elejandro sa Anak.
"Hindi na ho Papa,aalis naman na rin ako doon."
Ayaw niyang aminin sa ama na ayaw niyang umalis sa bahay na iyon dahil ayaw niyang malayo sa nobyo pero kailangan na din niyang umuwi sa Ama, para hindi na ito malungkot muli.
"Osiya sige anak, basta babalik ka anak."
Ngumiti ito. Ngiti na wala ng halong lungkot.
Parang bumalik na ang dating sigla ni Elejadro ng dumating ang anak nito.
Muli, ay nag yakap sila. Bago lumabad ng silid na may bahid ng ngiti sa mga labi nila.
—°—
BINABASA MO ANG
Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)
RomancePaano mo matatakasan ang isang bagay na nakalaan na para sayo?. Paano ka makaka pag tago kung sa bawat pag takbo mo ay hinahahabol ka nito? Paano nga ba takasan ang tadhana upang hindi niya na muling pag tagpuin ang aming mga landas, kahit na... Sob...