Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Martin.
Nagulat si Aling Marta ng makita ang binata, dahil hindi naman iyon umuuwi ng tanghali.
"Napaaga ka ata ng uwi Martin, Anak."
Wika ng matanda.
"Oho Nay, wala no po kasi akong ginagawa sa hospital."
Umupo ito sa sofa at isinandal ang katawan doon.
"Nay, matanong ko lang ho, sino iyong babae na nandito kagabi?"
Tanong niya.
"Ah! Si Elyna iyon anak ang bago nating kasambahay."
Mabilis nitong sagot.
Inilibot niya ang kanyang mata at ni anino ng dalaga ay hindi niya nakita.
"Nasaan siya nay? Bakit wala siya dito at hindi niyo siya pag trabahuhin."
Inis na wika nito.
"Pinag pahinga ko kasi siya Anak, napagod na nag laba ng mga damit. Kung makita mo lang siya kanina maawa ka sakanya. Yung kamay niya pulang pula na dahil sa kakukusot. At halatang hindi ito sanay sa pag lalaba. Kung mahawakan mo lang ang kamay nito ay sing lambot ng bulak."
Mahabang linaya ng matanda.
Totoo naman ang sinabi ni Marta.
Ng makita niya ang dalaga ay hindi na niya ito makalimutan hindi dahil sa ngyari kagabi kundi merong iba sa kanya na hindi nito maipaliwanag.
Kahit na ipikit niya ang kanyang mata ay nakikita niya padin ang itsura ng dalaga.
Kahit na madilim ang paligid non ay maliwanag parin niya itong nakikita dahil napaka puti nito at parang diwata na nag liliwanag sa dilim.
Ipinikit nito ang kanyang mata para maiwaglit sa isipan ang dalaga ngunit muka parin nito ang nakikita niya.
Umakyat na lamang siya ng kwarto para mag pahinga.
...
Alas dos na ng tanghali ng maka banago si Eliera.
Bahagyang napa impit siya dahil sa hapdi ng kamay nito.
Tinignan niya ang mapupulang kamay at dahan dahang hinaplos.
Mejo na papikit siya ng lumapat ang kamay niya dito.
Napag isipan nitong maligo na dahil hapon na.
Lumabas siya ng kwarto at nag punta sa banyo na naka tapat sa mini bar.
Namula ang kanyang pisngi ng maalala ang ngyari ng gabing iyon.
Ng mabasa siya ng tubig ay napa sigaw siya dahil humapdi pa lalo ang kamay nito.
Nakarinig siya ng katok sa labas.
"Elyna,anak anong ngyari sayo? Okay ka lang ba?"
Si Aling Marta. Halata sa boses nito ang pag aalala.
"A-ayos lang ho ako Aling Marta, w-wag po kayong mag alala."
Wika nito kahit na hindi totoo na okay siya dahil mahapdi talaga.
Nag madali siyang naligo at dahandahan niyang sinabon ang mahapding parte ng kamay.
Ng matapos siyang maligo at nag bihis ay napag isipan niyang kumain ng tanghalian dahil di pa pala ito kumakain.
Kumuha siya ng kubyertos at plato.
Nag sandok siya ng kanin at ulam at inilapag sa lamesa.
Uupo pa lamang siya ng makita niya ang isang bulto ng lalaki na nakatingin lamang sakanya.
Nakaramdam siya ng hiya ng makita kung sino iyon.
"G-good After...afternoon Sir."
Putol putol nitong sabi at yumuko.
Di siya nito pinansin at diretso lang ito nag lakad para kumuha ng pinggan at kubyertos.
"Sir,maupo na lang po kayo ako na lang po ang mag hahain."
Wika nito.
Di siya pinanain ng binata at patuloy parinito sa ginagawa.
Umupo ang binata sa tapat nito.
Tatayo pa lamang ito ng pigilan siya ng binata.
"Stay."
Maawtoridad nitong wika.
Kumain sila ng sabay at pasimple niya itong tinitignan.
Napakgwapo nito.
Napaka tangos ng ilong moreno Ng balat at ang sarap halikan ng kanyang labi habang ngumunguya ng pag kain.
"Stop looking at me."
Napa tuwid ito sa pag upo at kumain na din.
Halos hindi nito malunok lunok ang pag kain na nasa bibig nito.
Giling na giling na ito pero di niya kayang lunukin dahil parang may nakabara na kung ano sa lalamunan niya.
Tahimik lang silang kumain.
Tumayo ito at iniligpit nito ang pinag kainan niya.
"Aaw!"
Sigaw ni Eliera ng maramdaman niya ang pag hapdi ng kamay ng muling mabasa itong ng tubig.
Halos mang hina siya sa naramdaman ay mejo napa upo ito sa sahig.
Mabilis pa sa kidlat na sinalo ni Martin si Eliera at mabili na naitayo.
Nang mag dikit ang mga balat nito ay nakaramdam ang binata ng milyong milyong boltahe sa loob ng katawan, at maging si Eliera ay ganon din.
Saglit pa silang ng katitigan at si Martin na mismo ang umiwas dahil hindi niya kayang titigan ang maamong muka ng dalaga.
"A-are you okay?"
Tanong nito.
"Y-yeah Im oka... Oo ayos lang po ako Sir."
Napakunot ang binata sa sinabi ng dalaga dahil sa pag sagot nito sa salitang Ingles pero iniba niya nalang ang nasa isip dahil marami rin naman sa mga kasambahay ang magaling sa wikang Ingles.
"Ako na ang mag huhugas."
Prisinta ng binata.
"Naku Sir---"
"Martin. Call me Martin."
Ngumiti si Martin at sumilay ang pantay pantay at maputi na mga ngipin nito.
"Si-este M-martin ako na lang po ang mag huhugas nakakahiya po kasi."
Yumuko si Elyna dahil naramdaman niyang namula ang mga pisngi nito dahil sa pag ngiti ng binata.
"Okay, but after that. Pumunta ka sa Living room and I will check your hands."
Wika nito at umalis na.
Ng maka alis ito ay napangiti siya
Ang gwapo pala nito.
Kagabi kasi ay di niya ito gaano maaninag tanging ang mga madidilim na mata lang ang nakita niya.Ng tignan niya ito ay napansin niyang kulay Chesnut ang mata nito.
Umiling ito at pinigilan ang pag ngiti. Ayaw niyang isipin na may pag tingin siya kay Martin dahil ayaw niyanv mangyari iyon.
Minadali nito ang pag huhugas ng mga pinag kainan.
At tiniis ang hapdi na nararamdaman.
—°—
BINABASA MO ANG
Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)
RomancePaano mo matatakasan ang isang bagay na nakalaan na para sayo?. Paano ka makaka pag tago kung sa bawat pag takbo mo ay hinahahabol ka nito? Paano nga ba takasan ang tadhana upang hindi niya na muling pag tagpuin ang aming mga landas, kahit na... Sob...