Kabanata 10

1.7K 41 2
                                    

Mabilis na tumakbo ang oras at di niya namalayan na mag dalawang linggo na pala ito sa bahay ng Doctor.

Naging maayos naman ang mga ngyari nitong nag daang linggo. At habang tumatagal ay natututunan niya na din ang ibang gawaing bagay. Pero sa pag lalaba lamang ito na hihirapan.
Habang tumatagal siya sa bahay ng binata ay nagiging mag kalapit sila at di niya maitatanggi sa sarili na nahuhulog na ito, at ayaw niyang ipaalam sa kahit na kanino.

Minsan pa ay madalas silang mag sabay na kumain. Minsan din ay tinutukso sila ni Aling Marta. Minsan daw kasi ay napapansin ni Aling Marta ang pasulyap sulyap ng Binata kay Eliera kapag sinasabi nito iyon ay napapailing nalang ang dalaga dahil ayaw niyang mag assume.

Isang araw nag open si Aling marta sa kanya na simula daw ng dumating si Eliera, ay naging mas maayos at magaan ang lahat.

Ang dating nakasimangot at lasengong si Martin ay palagi na daw naka ngiti at hindi na dumadaan pa sa bar para mag inom at pinang aabot pa ng umaga.

Lihim namang napapangiti ang dalaga sa mga kwento ni Aling Marta at pansin niya din naman iyon.

Malakas ang ulan ngayon. nakaupo si Eliera sa sala habang nag babasa ng Magazine.

Naka rinig ito ng mahinang katok mula sa pinto, tatayo na sana ito ng makita niya si Aling Marta na bubuksan na ito.

Mula sa labas ay nakita niya ang isang babae na basang basa ng ulan at umiiyak.

"Jusko! Vivian, anak anong ngyari sayo bakit ka nagpaka basa ng ulan. Halika pumasok ka."

Nag aalalang wika ng matanda.

Walang ka ideideya si Eliera kung sino ang Vivian na iyon.

"Mabuti pa ay maligo ka muna para makapag palit ka ng damit mo. May damit ka naman jan na naitabi ko at mag usap tayo pag katapos mo.."

Wika ni Aling marta habang inaaalalayan si Vivian patungo sa banyo.

Nakita niya si Vivian na nakatingin sakanya. Iniwas na lamang niya ang tingin ng makilala ito.

Siya si Vivian Romero. Isa itong sikat na fashion designer at talagang magaling ito sa pag gawa ng mamahaling Gown, dress at kung ano ano pa.

May mga damit din kasi si Eliera na galing sa VC na pag mamayari ng dalaga. Sikat sa Asia ang mga design nito ay  wala parin siyang ideya kung sino nga ba talaga si Vivian Romero sa buhay nila.

Habang kumakain ng hapunan si Eliera ay narinig niya ang dalawa na nag uusap at doon niya napag tanto na dating mag kasintahan si Vivian at Martin.

Naging mahirap para sakanya na malunok dahil nasasaktan ito dahil nandito si Vivian para makipag ayos sa binata.

Minadali nito ang pag kain para wala na siyang ibang marinig na siyang mag papaka sakit ng damdamin niya.

Ng makapasok si Eliera sa kwarto nito ay agad niya itong inilock at nahiga sa kama.

Mahirap man aminin, pero sobra na ang pag kahulog nito sa binata.

Maging ang bagay na iyon ay ikinaseselos niya kahit na wala naman itong karapatan.

Halos kalahating oras ng umiiyak ang dalaga, ng makarinig ito ng malalakas na katok mula sa pinto.

Pinunasan nito ang luha bago binukasan ang pinto at laking gulat niya ng makita nito si Martin at niyakap siya ng mahigpit.

Halos manigas si Eliera sa kinatatayuan sa ginawa ng binata.

Feeling nito ay biglang bumagal ang pag galaw ng paligid at biglang tumahimik. Tanging ang malakas na pag tibok lang ng puso nito ang naririnig niya.

Ng makabawi ito ay marahan niya itong tinulak.

Tinignan siya ng binata ngunit di niya mabasa kung ano ang nasa isip nito.

"A-ano bang g-ginagawa mo?"

Putol nito sa naka bibinging katahimikan.

"Si Vivian...She's nothing to me...we're done.

Napakunot ang dalaga sa sinabi ng binata.

...kahit ako, di ko alam na pupunta siya dito...Im sorry."

Sa mga katagang binitiwan ng binata ay wala siyang makapa na kahit anong salita na pwedeng sabihin.

"Please, believe me Elyna she's nothing."

Hinawakan nito ang kamay ng dalaga.

"M-martin, ano bang s-sinasabi mo?"

Naguguluhang tanong ng dalaga.

"I... I just want you to know who is she. Gusto kong malaman mo na tapos na ang lahat saamin."

Di parin nito maunawaan ang mga sinasabi ng binata. Di nito alam kung ano ba ang gusto nitong ipaliwanag dahil alam naman nitong wala siyang karapatan.

"Martin...di mo kailangan na mag paliwanag sakin. Una dahil kasambahay mo lang ako, pangalawa wala akong karapatan na mag selos at pangatlo...

Yumuko ito.

...hindi ka akin at hindi ako iyo."

Sumikip ang dibdib ng binata sa sinabi ng dalaga. Oo nga't wala silang karapatan sa isat isa dahil hindi naman talaga ito kanya.

Pero habang nahuhulog na siya sa dalaga. Oo mabilis nga ang mga pang yayari ngunit di niya mapigilan ang sarili.

Dahil sa konting panahon na nag kasama sila ni Elyna, ay malinaw na mahal nga niya talaga ito. At handa itong gawin ang lahat para lang mapasakanya ang dalaga.

"Mali ito Martin. Amo kita katulong lang ako, tignan mo ang layo na tin sa isat isa. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao na kapag nalaman nila na pumatol ka sa isang katulog lamang. Ano na lang din ang iisipin ni Nanay Marta satin."

Tumalikod ang dalaga at umupo sa kama.

Sinundan siya ng binata.

"Then let's make it right. Liligawan kita kahit na tumangi ka. I like you Elyna. Alam ko din na may gusto ka sakin. Wala kong paki alam kung ano ang sasabihin ng iba. Wag mong isipin si Nanay. Please, let me court you hayaan mong iprove ko sayo na mahal kita at di yan mag babago Elyna."

Mahaba nitong wika.

Tinignan niya sa mata ang binata at bakas sa mga mata nito na seryoso nga ito.

Mahal niya din ang binata pero ayaw niyang mag kamali sa desisyon na meron siya.

Siguro nga kailangan niya ng buksan ang puso para sa binata. Maramu ang nag sasabin na mahirap mag mahal masakit at nakakadurog ng puso pero wala siyang paki alam mahal niya si Martin at wala mag babago.

Dahan dahan itong tumango at ngumiti.

"You mean..."

"Yes Martin, pero ligawan mo muna ako."

Naka ngiti nitong sabi.

"Thank you Elyna, Thank you. Ipapakita ko sayo kung gaano kita kamahal."

Sa sobrang saya nito ay niyakap niya ang Dalaga at hinalikan sa noo.

—°—

Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon