Kabanata 17

1.4K 34 3
                                    

Nagising si Eliera ng wala sa tabi niya si Martin.

Umupo siya at inilibot ang mata nito. Wala talaga ang binata.

Mag katabi silang natulog ni Martin dahil gusto siya nitong katabi, kahit din naman siya.

Gusto niya din na makatabi ang nobyo, kaya pumayag na rin ito.

Napatingin siya sa couch na nasa loob ng kwarto ng binata.

May nakita siyang ilang Paper bags kaya lumapit siya para tignan kung ano iyon.

Napansin niya ang isang papel na nakatupi kaya
Kinuha niya ito at binasa kung ano iyon.

Good morning BabyI'll pick you at 7:30 in the evening, wore the dress I bought for you . I love you baby.

-Martin

Napangiti ito at mejo niyakap ang sulat ni Martin para sakanya.

Mukang nahuhulaan na din kasi nito ang mangyayari mamaya. Naalala niya nung gabi na sinagot niya si Martin at inaya siya nitong lumabas.

Napag pasiyahan niyang bumangon na.

Bago ito kumabas ay inayos niya ang ang higaan ng Nobyo at kinuha niya ang ilang paper bags na at dinala iyon sa kwarto niya.

Nag linis ito ng buong bahay at nilabhan ang ilang damit ng binata.

Tanghali palang kaya napag pasyahan niyang mag pahinga muna. Para di haggard ang muka nito sa date nila ni Martin kanina.

Mula sa kwarto nito ay may narinig siyang nag doorbell.

Napakunot ang noo nito dahil ang aga pa at sabi ni Martin 7:30 pa siya nito susunduin.

Tumayo siya at lumabas ng silid at binuksan ang pinto sa sala.

Nakita niya si Vivian na naka pameywang sa harap.

"Ano ba yan! Ang tagal mong buksan."

Tinulak siya nito at pumasok sa loob.

"Martin! Babe, where are you?"

Sigaw nito sa loob ng bahay. Sinundan niya nalamang ito ng tingin.

"Martin, Babe!"

Patuloy nito. Sinundan niya ito at akmang bubuksan ang kwarto ng binata.

"Wala si Martin dito."

Wika ni Eliera.

Nilingon siya ni Vivian at matalim na tinignan.

Pinihit niya ang sedura ng pinto pero nakalock ito.

"Kelan pa nag lock ng pinto si Martin? Give me the Key."

Utos ni Vivian.

"Pasensiya na po Ma'am di po pwede."

Wika ni Eliera.

"What? Anong hindi pwede? Girlfriend niya ko kaya pwede akong pumasok dito."

Mataray nitong sabi.

Nainis siya sa sinabi ni Vivian. Dahil siya naman ang Girlfriend ng binata at hindi ang babaeng kaharap nito.

"Mawalang galang na, pero ang huling pagkakaalam ko, hiwalay na kayo ni Martin. At sinabu niyang ayaw kana niyang makita bakit bumabalik kapa?"

Ganti ni Eliera.

Nainis ang muka ni Vivian kaya lumapit ito sakanya.

"How dare you to say that to me! Baka nakakalimutan mo kung sino ka dito. Katulong ka lang! At Martin? Wala ng Sir. Bakit kayo na ba? Natikman kana ba niya. Oh c'mon poor bitch! Gaya ng sabi ko noon mahal ako ni Martin at panakip butas kalang."

Napapikit si Eliera sa huling sinabi ni Vivian sakanya.

"Makakaalis kana dito, kung ayaw mong bastusin kita ngayon."

Wika ni Eliera.

Akmang sasampalin siya nito pero agad niya itong nasanga.

"Wala pang nakakasampal sa mukang to. Alam mo? Para kang asong ulol na hahabol habol sa lalaking di ka naman na gusto."

Inis ni Eliera kay Vivian para umalis na ito.

"We're not yet done bitch!"

Muka namang nag tagumpay siya dahil pulang pula ito sa galit at umuusok na ang tenga at ilong nito at nag papadyak na umalis

Napatawa nalang siya sa mga ginawa niya.

Nakakainis naman kasi ang pang aalipusta sakanya. Tama nga ng marami, kapag mahirap ka, useless ka. Buti nalang at nandyan si Martin at hindi ito gaya ng ibang nakatataas sa lipunan na umangat lang ng konti nag yayabang na.

Umiling nalang ito at bumalik sa silid at muling nahiga para makapag pahinga.

—°—

Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon