Chapter 29

1.4K 32 1
                                    

"Eliera, look at this. Ang ganda nito."

Wika ni Elise sa kapatid.

"Eliera!"

Nagulat si Eliera, ng sumigaw si Elise malapit sa tenga niya.

"Ate, ano ba. Wala tayo sa bundok para mag sigawan."

Iritableng wika ni Eliera.

"Paano ba naman kinakausap kita pero di ka nag sasalita."

Wika ni Elisa.

"Haynako! Lagi namang ganyan yan. Bukas na nga ang engagement wala parin sa sarili."

Sabat naman ni Elmira.

"Tigilan niyo na ko, tulungan niyo nalang akong maghanap ng susuotin."

Wika ni Eliera habang nag titingin ng damit sa private fitting room.

Nag tinginan nalang ang dalawa at tumawa.

"Susumbong ko talaga kayo kay Kuya Elmir pag hindi niyo ko tinigilan."

Banta ni Eliera.

Nanahimik naman silang dalawa dahil sa banta ni Eliera.

Si Eliera kasi ang binababy ni Elmir dahil ito ang bunso sa kanilang apat.

Kaya naman spoiled ito sa kanayang kuya.

Hindi naman sa takot si Elise at Elmira kay Elmir, kundi para mas may power ito kesa sakanilang apat dahil nag iisa itong lalaki.

"Wala naman akong mapiling maganda dito."

Wika ni Elmira.

"Lipat nalang tayo sa Vivian Closet."

Excited na wika ni Elise.

"NO!"

Bulyaw ni Eliera ng marinig ang VC na siya namang ikinagulat ng dalawa.

"Himala ngayon ka lang ata umayaw sa VC, halos lahat nga ng mga dresses and tops mo doon galing."

Wika ni Elmira.

"Ah! Basta ayaw ko doon."

Wika ni Eliera at siyempre siya ang nasunod kaya nag kibit balikat nalang su Elise at Elmira.

.

Nag lalakad silang mag kakapatid sa mall ng may mamataan si Eliera sa loob ng isang Italian Restaurant,pero hindi siya sigurdo kung tama nga siya ng hinala.

Napahinto siya sa pag lalakad ng makita na tama nga siya.

Kumabog ang dibdib niya ng makita si Martin na nakaupo doon at parang may hinihintay.

Maya maya lang ay nakita niya si Vivian na papasok doon at nilapitan ang table kung saan nakaupo si Martin.

Parang tinarakan ng punyal ang dibdib nito ng humalik si Vivian sa pisngi ni Martin at walang ginawa ang binata para pigilan ito.

Sumkip ang dibdib niya at ano mang oras ay pwede na siyang himatayin sa sobrang sakit nito.

"Huy! Eliera, are you okay? Bakit ka huminto sa pag lalakad?"

Wika ni Elmira.

Para naman siyang natauhan ng mag salita ang kapatid.

Umiling na lamang siya.

"Umuwi nalang tayo napagod ako sa pag lilibot."

Wika nito at nag patuloy na sa pag lalakad para hindi nalang mag usisa si Elise at Elmira kung bakit parang nawalan siya ng gana.

.

Ng makarating sila sa mansyon ay walang lingon likod na nag lakad papasok ng bahay si Eliera, ni hindi niya na hinintay ang dalawang kapatid na makababa.

Agad siyang dumiretso sa silid at pabagsak na dumapa siya sa kama at ibinuhos niya lahat ng luha na kanina pa gustong umagos.

Kaya pala hindi siya hinabol ni Martin, dahil nag kabalikan na sila. Tama nga siguro si Vivian na panakip butas lamang siya ni Martin at ginamit lang siya para magselos ang dalaga at maging sila muli.

Dahil sa mga nasaksihan kanina ay gusto niya ng madaliin ang kasal.

Nag dadalawang isip pa siya kung itutuloy pa niya ang engagementbo hindi na dahil umaasa siya na mag babalik si Martin para sakanya pero nag kamali siya, kaya dahil diyan gusto niya ng tapusin ang engagement at tuluyan niya na ring makalimutan ang lalaking nag bigay ng marka sa puso niya.

—°—

Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon