"Senorita Eliera, pinapatawag po kayo ni Senior Elejandro."
Tawag ni Lora kay Eliera habang nakadungaw sa pinto ng kwarto ng dalaga.
"Sige Lora, susunod nalang ako sa baba. Salamat."
Tugon nito.
Tumayo ito mula sa pag kakahiga at sumlip ito sa balkonahe ng kanyang kwarto.
Nakita nito ang kanyang ama sa round table na malapit sa hardin at kausap nito si Joel Amorsolo ang kasosyo nito sa negosyo, habang nag lalaro ng chess.
Ng makababa ito ay nakita niya si Manang Lena na may hawak na tray na nag lalaman ng lemon juice at blueberry cake.
"Manang ako nalang po ang mag dadala niyan, siya din naman po na pupunta ko kila Papa."
Ibinigay nito ang hawak kay Eliera, at ngumiti.
"Osya sige anak, salamat naman kung ganoon."
Nag lakad ito palabas ng bahay at tumungo sa lugar kung nasaan ang kanyang ama at ang Uncle Joel nito.
"Good morning Papa and Uncle Joel!"
Masigla bati ng dalaga.
Inilapag nito ang tray na nag lalaman ng lemon juice at blueberry cake sa lamesa.
Humalik ang dalaga sa pisngi ng dalawang matanda at umupo ito sa may bakanteng upuan na gawa sa bato na parang kahoy ang desenyo.
"Good morning Hija."
Sabay na sabi ng dalawang matanda at nag tawanan pa ang mga ito.
Si Elejandro Conquero at Joel Amorsolo ay matagal ng mag kaibigan at kahit ngayon na tumatanda na sila ay hindi parin nag babago ang pag kakaibigan nila.
Ni minsan ay hindi sila nag iiwanan. Parang mag kapatid na ang turingan ng dalawa.
Pareho silang galing sa mahirap na pamilya, at dahil sa talino, tiyaga at pag sisikap ng dalawa ay naka ahon sila sa hirap.
Isa sila ngayon sa pinaka mayaman, maipluwensya, sopistikado at kilalang business man sa buong asya.
"Pinapatawag niyo daw ho ako Papa?"
Tanong ng Dalaga.
"Siguro mauuna na muna ko. Eli, sa susunod na tayo mag usap and Era anak."
Tumayo ito at tuluyan ng umalis.
"Ano ang sasabihin mo saakin Papa?"
Tanong nitong muli kay Elejandro.
"Anak, alam mo naman na next week ay kaarawan ko na...
Panimula nito.
...at hindi na ko tumatanda, Im turning 57."
Patuloy lamang sa pakikinig si Eliera sa kanyang ama ngunit di niya padin mahulaan kung ano ba talaga ang gustong ipaliwanag o ipariting sakanya ng kanyang ama.
"Remember your ate Elise and Elmira?... Arrange marriage lang sila kila Lueke at Aedam...
Napakunot ang noo ni Eliera sa sinasabi ng ama, mukang nahuhulaan na nito ang gustong iparating sakanya.
"Alam mo naman na mahal kita anak at lahat gagawin ko para lang mapunta ka sa mabuting kamay...
Nakaramdam ito ng kaba sa kanyang dibdib at mejo napatuwid ito sa pag kakaupo.
...napag usapan namin ni Joel na..I-arraged ka sa pamangkin niya."
Napatayo ito sa sinabi ni Elejandro.
"Pero Papa...ayoko pang mag pakasal, ni hindi ko nga kilala ang pamangkin ni Uncle Joel. Di ko pa siya namimeet in person tapos ipapakasal niyo ako sakanya...Di ako mag papakasal sa taong hindi ko naman lubusang kilala."
Mangiyak ngiyak nitong sabi.
"Eliera, lower you voice. Im still your Dad."
Mejo tumaas ang boses ni Elejandro dahil sa tinuran ng kanyang anak.
"Papa naman, ilang taon na kong nag aaral nakatapos na ko ng Accountancy at ngayon malapit na rin akong makatapos sa Lawyer isang taon na lang gagraduate na ko. Ni minsan di ako nag paligaw sa mga lalake kasi I respect you at ang bilin mo na no boyfriend, study first. Tapos kayo din pala ang mag bre-break non? At ang masakit ang mag pakasal pa sa taong di ko kilala."
Lumambot ang muka ni Elejandro sa sinabi ng bunsong anak. Alam niya na may pagkakamali siya ngunit ang gusto lamang nito ay wag masaktan si Eliera at mapunta ito sa mabuti at matinong lalaki. At ang Pamangkin ni Joel ang babagay sakanya.
"Gusto ko lang naman na mapunta ka sa matinong lalaki..."
"Di ko siya kilala papa, paano kung saktan niya ko?"
Hawak nito ang ulo habang umiiyak.
"Kelan ba ko namili ng taong mananakit lang sa mga anak ko, look at your Ate Elise and Lueke, they are happy having each other, at ang bunga non ay si Eliza. Si Elmira and Aedam madalas man mag bangayan mahal padin nila ang isat isa. And Elmira bearing Aedam child at ang masaya pa neto kambal pa. Look at them Anak, masaya sila kahit na Arrange lang ang kasal nila."
Mahabang lintaya ni Elejandro sa anak.
"Si Kuya Elmir bakit hindi nalang muna siya Papa. Im not Yet ready."
"Nag iisa lang na lalaki si Elmir sa pamilya natin anak at ayokong kontrolin ang buhay niya. I want him to make his own decisions."
Patuloy parin sa pag luha si Eliera.
Di nito alam kung anong gagawin para lang mapahinto ang kanyang ama sa balak na i-arrange siya sa pamangkin ni Joel Amorsolo."Kayo nalang apat anak, ang natitira sa pamilya ko. Mahal ko kayo anak alam mo yan kahit na hindi kayo galing sa dugo at laman ko."
Pumatak ang luha na kanina pa pinipigilan ni Elejandro na tumulo.
Lumambot ang muka ng dalaga ng makita ang butil na luha na galing sa mata ng ama.
"P-pag iisipan ko Papa. L-let me think first."
Yumuko ito at tumakbo palapit sa ama at mahigpit na yumakap.
"Salamat anak, you never fail me."
Ngumiti ito at hinalikan sa ulo ang kanyang anak.
-°-
BINABASA MO ANG
Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)
RomansaPaano mo matatakasan ang isang bagay na nakalaan na para sayo?. Paano ka makaka pag tago kung sa bawat pag takbo mo ay hinahahabol ka nito? Paano nga ba takasan ang tadhana upang hindi niya na muling pag tagpuin ang aming mga landas, kahit na... Sob...