Mapag laro talaga ang tadhana.
Hindi natin alam na ang nakatadhana saatin ay andyan lang sa tabi.
Hindi natin alam, na nasa harap lang natin sakanila.
Kaya nga may kasabihan tayo na.
"Kapag andiyan na siya wag mo ng pakawalan pa."
Kahit na anong gawin nating pag layo sa hihilain ka ni Tadhana para bumalik ka.
Kahit na gaano kasakit man yan, wala kang magagawa dahil hindi mo hawak ang buhay mo.
Kaya sumundo ka nalang sakanya.
Hindi naman lagi masaya talagang masasaktan ka pero hindi ka matututong mag mahal pag hindi ka nasaktan.
Bangon lang kaya natin yan.
....
"Eliko, Elliza!"
Tawag ni Eliera sa kambal.
"Bakit po Mama?."
Painosentang tanong, ng anim na taong si Eliko sa ina.
"Bakit mo sinuntok si Eliroi?"
Tanong ni Eliera sa mga bata.
"Pano kasi, po Mama hinalikan niya si Ellizabeth sa pisngi."
Wika ni Eliko.
Nagulat si Eliera sa sinabi ni Eliko. Tinignan niya si Elliza na nakayuko at umiiyak.
"Totoo ba iyon Elliza?"
Tanong muli ni Eliera.
Tumango lamang ito habang naka yuko parin.
"Kamusta ang mag iina ko?"
Nilingon ni Eliera si Martin at hinalikan ito.
"Oh, bakit umiiyak ang little girl ko?"
Tanong ni Martin sa anak at binuhat ito.
"Papa, si Eliroi kasi--"
Tinakpan ni Elieea ang bibig ni Eliko.
"Ah--ano kasi...niloloko ni Eliroi si Elliza...kaya yan umiyak."
Pag sisinungaling ni Eliera sa asawa
Hindi kasi nito pwedeng sabihin na hinalikan si Elliza ni Eliroi, dahil mag aaway nanaman si Martin at ang kuya Elmir niya.
Simula kasi ng ikinasal sila ay hindi sila mag kasundo dahil narin sinisisi ni Elmir si Martin na hindi sana nasaktan at lumayo si Eliera kung hindi dahil sakanya.
"Sa susunod na inaway ka ni Eliroi, little girl sabihin mo kay Papa, at isasabit ko siya sa puno ng acacia."
Wika ni Martin.
"Ano ka ba naman, Martin, tinututuruan mo ng hindi maganda ang bata."
Ibinaba ni Martin si Elliza at niyakap mula sa likod si Eliera.
"Wag ng mainit ang ulo Baby, biro lang yon. Little boy, pag inaway ni Eliroi yang kapatid mo ipag tanggol mo siya ah."
Wika ni Martin.
"Opo Papa, sinuntok ko nga po si Eliroi kanina."
Pabida ni Eliko.
"That's my boy!"
Wika ni Martin at nag fist bump pa.
"Kayo talang mag ama puro kalokohan halina kayo at pumasok na sa loob at anjan na sila Ate."
Wika ni Eliera.
Hinawak ni Elliza at Eliko ang mag kabilang kamay ng kanilang ama at sabay na nag lakad ang mga ito
Mula sa likod ay nakangiti si Eliera sa mag aama niya.
She feels so completed having her child and her husband.
Tama nga ang mga kapatid niya na hindu namili ang kanilang ama ng maling lalaki para sakanila.
"Baby, halika na."
Tawag ni Martin sakanya.
"Papunta na."
Wika niya.
Nagpatuloy sa pag lalakad ang mag aama.
Umiling nalang si Eliera habang nakangiti at sumunod narin sakanila.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°END°°°°°°°°°°°°°°°°
BINABASA MO ANG
Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)
RomancePaano mo matatakasan ang isang bagay na nakalaan na para sayo?. Paano ka makaka pag tago kung sa bawat pag takbo mo ay hinahahabol ka nito? Paano nga ba takasan ang tadhana upang hindi niya na muling pag tagpuin ang aming mga landas, kahit na... Sob...