Kabanata 5

1.7K 48 2
                                    

Mabilis na tumakbo ang tatlong kamay ng orasan.

Ngayon na ang ika limang pu't pitong kaarawan ni Elejandro Conquero.

Masaya at busy ang lahat sa pag hahanda sa baba, samantalang nagmumukmok si Eliera sa loob ng kwarto nito at halos himatayin na sa sobrang kaba.

Labag man sa kalooban ang plano nitong pag takas ay lalakasan nito ang kaniyang loob kahit na mahirap an masakit na malayo siya sa kanyang ama.

Dumungaw si sa balkonahe ng kanyang kwarto at lahat ay handa na para sa program na gagawin.

Nag si datingan na ang mga bisita nito na talagang bibigatin at hindi mo mapupulot sa basura.

Naakita niya si Joel Amorsolo na nakipag kamay sa ibang bisita at binati si Elejandro.

Nakarinig siya ng katok mula sa labas ng kanyang kwarto.

"Eliera, hindi kapa ba baba? Ilang sandali na lamang at mag uumpisa na ang program."

Mula sa labas ay narinig nito ang tinig ni Elise.

"U-uh o-oo ate su-susunod na ko."

Kabado nitong wika.

Laking pasalamat niya ng marinig nito ang papalayong yabag ng kapatid.

Naupo siya sa kama at huminga ng malalim.

Muli ay nakarinig siya ng mahinang katok sa pinto nito at nakaramdam ng kaba sa dibdib.

"Seniorita, seniorita, si Lora po ito."
Halos pabulong nitong tawag habang kumakatok

Agad nitong binuksan ang pinto at mabilis na hinila ito papasok.

"Ano ng balita sa baba.?"

Kabado nitong tanong.

"Busy po ang lahat para sa pag hahanda, muntik na nga po akong hindi makapunta dito dahil nakita ko ni Ate Jessa na paakyat dito, buti na lang at naka gawa ako ng paraan."

Hingal nitong sabi.

"Doon na lang po tayo dumaan sa likod dahil marami ang tao sa may kusina."

Kinuha nito ang maleta ng dalaga.

Nilagay nito sa kama ang sulat para sa kanyang ama.

Di nito mapigilang lumuha habang nililisan ang kwarto.

Nag suot ito ng sumbrero at itinali ang mahabang buhok para hindi ito makilala.

Laking gulat nila ng may makasalubong silang isa sa mga cook. Nag pasalamat ang dalaga dahil hindi sila pinansin nito.

Inilabas ni Lora ang susi ng pinto mula sa bulsa at ini-unlock iyon.

Nagulat ang mga ito ng tumahol ang aso nilang Pitbull na si Pit.

"Pit! Shhh! Quiet. Baka marinig tayo ng papa. Wag kang mag susumbong ahh."

Bulong nito sa aso at hinaplos sa ulo.

Muka namang naka intindi ito at hindi na muling tumahol.

Ng buksan nila ang maliit na gate ay may tricycle ng nakaabang sakanila.

"Salamat Lora."

Wika nito sa kasambahay habang pinapasok ang maleta sa loob ng tricycle.

"Walang ano man iyon Seniorita, mag iingat po kayo doon."

Bilin nito kay Eliera.

"Mag iingat din kayo dito Lora, wag mong pababayaan ang Papa ahh, at wag na wag mong sasabihin kung saan ako nag punta."

Bilin nito sa kasambahay at muling niyakap.

Sumakay ito ng tricycle at sinabi nito ang direksyon kung saan ito ibababa ng tricycle.

Habang nasa daan ay hindi nito mapigilan ang luha nito na patuloy sa pag bagsak.

Ilang oras pa lamang silang hindi nag kikita ay namimiss na nito ang kanyang ama.

Kalahating oras lamang ang biyahe ng huminto ang ticycle sa Bluewish Heights.

Bumaba siya dito at iniabot ang bayad sa driver.

Tinanong siya nung guard kung ano ang pakay niya at sinabi na siya ang bagong katulong ni Zach Martin Mueble.

"Ano ang pangalan mo miss?"

Tanong muli ng guard.

Di niya alam kung ano ang sasabihin.

Buti na lamang at hawak nito ang dikeypad na cellphone at nabasa nito agad ang text ni Lora at ibinigay nito ang pangalan na gagamitin niya pansamantala

"Ako po si Elyna...Elyna Torres po."

Pinapasok siya ng guard at itinuro kung saan ang bahay ng Doctor.

Nag pasalamat ito sa Guard.

Huminga ito ng malalim at tsaka pinindot ang doorbell.

—°—

Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon