Chapter 25

1.3K 35 1
                                    

Limang araw na ang nakakaraan simula ng umalis si Martin ngunit hindi parin ito tumatawag o nag tetext kay Eliera.

Ang sabi nito bago umalis ay tatlong araw lamang siya roon pero hanggang ngayon wala parin ito.

Nakatingin si Eliera sa kisame ng kanyang kwarto dahil hindi naman ito makatulog dahil sa pag iisip sa binata.

Hindi kasi mawala sa isip niya na baka may ngyaring masama kay Martin dahil hindi naman ito nag paparamdam sakanya.

Ipinikit nalamang nito ang kanyang mga mata para matulog dahil malalim na ang gabi.

.

Kauuwi lamang ni Martin galing sa La union. Marami kasing mga pasyente na nangangaylangan ng doktor doon kaya nag presinta nalang siya para matulungan ang mga ito.

Hindi niya naman sukat akalain na hanggang limang araw siya doon dahil ang paalam niya kay Eliera ay tatlong araw lang siya.

Alas tres na ng madaling araw ng maka uwi ito. Kahit pagod siya ay dumiretso muna siya sa kwarto ni Eliera.

Pag bukas niya ng pinto ay nakita niya ang dalaga namahimbing na natutulog.

Lumapit siya dito at hinagkan niya ng marahan ang labi ng dalaga.

Gumalaw ito konti kaya lumayo na siya. Hinaplos niyang ang muka ni Eliera at hinalikan ito sa noo at tuluyan ng nilisan ang silid.

Pabagsak na humiga sa kama si Martin dahil sa pagod di niya na namalayan na nakatulog na pala siya.

Naalimpungatan ang binata dahil sa mararahang haplos sa kanyang dibdib.

Dahil kagigising hindi niya maaninag ang muka nito kaya hinayaan niya lang ito.

Patuloy parin sa pag haplos ito at hinalikan siya sa punong tenga pababa sa labi, tinugon niya ang halik na iyon ilang segundo rin nag tagal ang halik at lumayo ito ng kaunti.

"I miss your lips, honey."
Nang aakit na sabi nito.

Napamulay siya ng mata ng marinig ang boses nito.

"F*ck! Vivian, what are you fuckin' doing here!"

Tinulak niya ito at tumayo sa kama.

"I just miss you honey...Us."

Wika nito humiga ito sa kama at tinangal ang kumot na nakabalot sa katawan nito at walang kaabog abog na ipinakita ang hubad na katawan sa binata.

"F*ck Vivian. Get out of here!"

Pag didiin nito.

"No, di ako aalis dito hanggat di tayo nag kaka ayos. Please honey, come back to me. Hindi ka deserve ng babaeng yon."

Mataray nitong wika.

Tumayo ito at lumapit sakanya.

Hinigit niya ito sa kamay dahilan kaya namula iyon.

"M-martin, masakit."

Daing nito.

"Masakit? Mas masasaktan ka kapag di mo tinigil ang kahibangan mo... How many time do I have to tell you, that we're done, you ruined us. Kaya wag ka ng umasa na mabubuo tayo. Mahal ko si Eliera."

Sabi nito at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Napaiyak si Vivian sa sinabi ng dating kasintahan.

Hindi ito makapapayag na maging masaya ito. Kaya gagawin niya ang lahat para si Eliera mismo ang lalayo.

.

Maagang nagising si Eliera, kaya napag pasyahan niyang lumabas na at para makapag linis at luto ng almusal.

Pag karating niya sa kusina ay nakita niya si Nanay Marta na nag luluto ng agahan.

"Ang aga niyo po atang nagising."

Wika ni Eliera.

Lumingon ang matanda sakanya.

"Anjan na kasi si Martin, anak. Sigurado ako nanamimiss niya na ang lutong bahay."

Sumilay ang ngiti ni Eliera sa labi ng malaman na nakauwi na ang kasintahan.

Namimiss niya na ang binata at parang may kung anong kilit ang bumabalot sakanya.

Napag pasyahan nalang muna niya na mag linis sa sala habang hinihintay ang pag gising nito.

—°—

Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon