Kabanata 12

1.4K 40 2
                                    

Naka upo sa balkonahe ng bahay si Eliera.

Napansin niyang may tao sa labas kaya sinilip niya kung sino iyon.

Laking gulat niya ng makita si Lora, ang kasambahay nila.

"Lora, may problema ba?"

Napansin kasi nito na humahango si Lora.

"Pasensiya na po seniorita kung ngayon lang ako nakapunta sainyo."

Hingal na sabi ni Lora.

"Halika, pumasok ka ay dun tayo mag usap."

Paanyaya ni Eliera.

Sa kubo sila sa likod bahay nag usap para walang makarinig. Buti na lamang at wala si Marti  ngayon at si Nanay Marta naman ay nasa kwarto nito at nag papahinga.

"Kamusta na ang bahay? Kamusta ang Papa, maayos ba siya? Anong kalagayan niya?"

Tuloy tuloy na tanong ni Eliera.
Hindi kasi siya mapakali.

Sa loob ng ilang linggo ay hindi niya na naaalala ang ama. Simula ng tumira siya sa bahay ni Martin, ay wala na itong ibang inisip kundi ang binata. Mahal niya ang ama ngunit di niya talaga kaya ang gustong ipagawa nito. Tsaka nalamang siya uuwi kapag nag bago na ang isip ng ama nito sa planong pag papakasal kay Joel Amorsolo.

"Nung kaarawan po ng inyong Papa, ay siya rin po ang araw na nalaman nila na umalis ka. Si Seniorita Elmira po ang naka alam. Lahat po sila ay naalarma sa pag alis mo ng walang paalam...

Saglit itong natahimik sa pag sasalita.

...kaya po hindi natuloy ang Engagement party."

"Paano iyong pamangkin ni Uncle Joel? Anong sinabi niya, di ba sina nagalit?"

Tanong ni Eliera.

"Buti na lamang po Seniorita,at hindi sumipot ang ang pamangkin ni Sir Joel Amorsolo sa Engagement Party niyo."

Laking pasalamat ni Eliera, siguro ay napag isip isip ng lalaking iyon na ayaw niya ding mag pakasal. Pero hindi muna ito magiging kampante hanggat di pa sinasabi ng ama nito na hindi na tuloy ang kasal.

"Pero, Seniorita..."

Kinabahan ito ng mag bago ang ekspresyon ni Lora.

"Ano iyon Lora?"
.kunot noo nitong tanong.

"Nung araw po na pag alis niyo ay isinugod sa hospital si Senior Elejandro...

Parang binuhusan ito ng malamig na tubig ng marinig ang ngyari sa ama.

...naatake po sya sa puso Seniorita. Ilang araw lang po siya sa Ospital at nag palabas din ito agad, dahil gusto niya kayong hanapin. Tama nga po kayao na hindi titigil si Senior Alejadro sa pag hahanap sa inyo. Pero sumuko din po ito ng hindi niya kayo matagpuan...

Halos mapaluha si Eliera sa mga nalaman, di niya alam na sa loob ng ilang linggo ay marami na palang ngyari.

"Nung makalabas din po si Senior Elejandro sa Hospital ay sinisi siya ni Seniorito Elmir sa pag kawala niyo. Nag away po silang dalawa hanggang ngayon po ay hindi sila nag uusap.... At sobrang miserable po si Senior Elejandro, halos hindi na po siya kumain dahil sa sobrang pag iisip sa inyo. Minsan po ay nakikita ko po siyang nakatulala sa loob ng kwarto niyo at nakikita ko rin po siyang naka ngiti, siguro po ay iniisip niya ang maliligayang araw na kasama kayo."

Di niya na napigilan ang luha at humagulgul na ito ng malakas.
Kasalanan niya kung bakit nag ka gulo gulo ang pamilya.

Siya ang dahilan kung bakit naging malungkot ang ama. Siya ang dahilan kung bakit nag away ang Kuya at Papa niya.

Niyakap siya ni Lora at hinagod ang likod nito.

"S-sabihin mo... S-sa saakin Lora...mali ba n-na pinili ko ang m-maging masaya? A-ayaw ko lang matali s-sa taong di ko kilala...s-sabihin mo Lora m-mali ba ako?"

Halos di na mabigkas ni Eliera ang ibang salita dahil sa sobrang pag iyak.

"Siguro po seniorita ay Umuwi muna kayo sa mansyon. Mag pakita po kayo sa Papa niyo para malaman niya na okay lang kayo at kahit papaano ay mabawasan ang pag aalala niya sa inyo."

.

Matapos nilang mag usap ni Lora ay dumiretso siya sa kwarto nito at doon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.

Hindi niya alam na may mga ganon na palang ng yayari sa bahay nila.

Ang tangin nasa isip niya lang pala noon ay ang sarili lang, hindi niya inisip ang kapakanan ng lahat.

Dahil sa sobrang pag iisio ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala ito.

—°—

Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon