"Ate."
Niyakap niya si Elmira, ng makita niya itong iniluwa ng pinto.
"Eliera, anong ng yari sayo? Bakit ang lalaki ng Eye bug mo?"
Tanong ni Elmira.
"Wala ate, puyat lang."
Sagot nito.
"You can't fool me, Eliera. Kung ang Papa, naloloko mo ako hindi."
Wika ni Elmira sa kapatid.
"A-ate."
Garalgal nitong wika.
Pilit niyang pinipigilan ang pag hikbi pero masakit kapag nag pigil.
"Tell me, Makikinig ako."
Hinaplos nito ang pisngi ng kapatid.
"M-mahal ko siya Ate, p-pero... s-sinaktan niya ako."
Panimula nito.Patuloy sa pakikinig si Elmira at ramdam nito na sobrang nasasaktan ang kapatid.
"Ganyan talag ang pag ibig, Eliera. Masakit pero kailangan mong bumangon."
Wika ni Elmira.
"Akala ko Ate, puro lang saya pero nag kamali ako."
Pinunasan ni Elmira ang mga luhang patuloy sa pag agos sa mga pisngi ni Eliera.
"I-isa alang ang naiisip kong paraan...k-kailangan kong mag pakasal sa pamangkin ni Uncle Joel, para makalimutan ko siya."
Wika ni Eliera.
Halatang nagulat si Elmira sa sinabi ng kapatid. Nasasaktan lamang siya dahil sa mga ngyayari.
"Nahihibang ka na ba Eliera! Huwag kang padalos dalos sa desisyon mo. Diba ayaw mong mag pakasal sa kanya? Bakit ngayon iyon ang gusto mong gawin?"
Galit na wika ni Elmira.
"Pero Ate, gusto ko na siyang kalimutan. Ito lang ang naiisip kong paraan. At ang sabi niyo sakin dati na natutunan ang pag mamahal kaya, kaya ko siyang matutunang mahalin. Ang sabi niyo pa saakin na hindi pipili ang Papa ng mapapangasawa natin kung hindi sila makabubuti para saatin."
Mahinahon nitong sagot.
"Eliera, makinig ka. Wag kang mag padalos dalos. Isipin mo muna kung sigurdo ka ba. mag isip ka."
Giit ni Elmira.
"Buo na ang desisyon ko Ate, mag papakasal ako sa pamangkin ni Uncle Joel."
Desidido niyang sabi.
Napailing na lamang si Elmira sa sinabi ng kapatid.
Kahit siya mismo ay hindi nito gusto ang gagawin ng kapatid dahil baka sa bandang huli ay masasaktan itong muli.
.
"The next day will be your engagement party, hija. Pwede ka pang mag back out."
Wika ni Elejandro sa anak.
Simula kasi ng umuwi sa manyson si Eliera at sinabi nito ang plano na ituloy ang kasal ay hindi na ito nakatulog sa kaiisip kung ano nga ba ang dahilan nito, at biglaan ang desisyon nito.
At sa twing tinatanong niya naman ito ay ang lagi niyang sago
"Matututunan ko din siyang mahalin, dahil di naman kayo namili ng maling lalaki para samin."Pero hindi naman iyon sapat na dahilan.
" Papa, hindi na mag babago ang isip ko. Matututunan ko din siyang mahalin."
Sagot nito.
"Pero hindi mo naman kailangang gawin yon, Eliera. Pwede kang mag pakasal sa lalaking mahal mo at mahal ka rin."
Mahinahong wika ni Elejandro sa anak.
"Wala na Papa...kahit na anong gawin ko hindi niya na ko mamahalin."
Huli na ng mabawi ni Eliera ang sinabi.
"Iyan ba ang dahil kung bakit ka mag papakasal sa pamangkin ni Joel? Kung yan lang din ang dahilan ang pahirapan at ikulong ang sarili mo sa habang buhay na responsibilidad... Mas mabuti na wag na lang ituloy ang kasal."
"NO PAPA! itutuloy natin ang kasal... Please."
Pag mamakaawa nito sa Ama.
"Pag isipan mo anak, ang desisyon mo. Wag kang padalos dalos, may isang araw ka pang palugit. At siguraduhin mo na kapag itinuloy mo ang kasal wag ka na ulit tatakbo."
Iyan ang Huling wika ni Elejandro bago talikuran ang anak.
—°—
BINABASA MO ANG
Meant To Be: Eliera (Mueble Series #2)
RomancePaano mo matatakasan ang isang bagay na nakalaan na para sayo?. Paano ka makaka pag tago kung sa bawat pag takbo mo ay hinahahabol ka nito? Paano nga ba takasan ang tadhana upang hindi niya na muling pag tagpuin ang aming mga landas, kahit na... Sob...