CHAPTER 5
"Marry me." Iyon lamang ang narinig kong sinabi ni ni Mr. Villafuente.
"Are you serious?!"
Hindi ko alam kung anong nasa isip ng lalaking ito pero hindi sya nakakatuwa.
"Marry me to save your sister in jail."
Tinitigan ko sya. Wala akong mabasang expression sa muka nya. Ano kayang plano nito at naisipang pag tripan ako.
"Naka-file na ang case sa police district. Hinihintay na lamang nila ang tawag ko para pumunta sa bahay nyo." Seryoso nitong sabi nito ng hindi ako sumagot.
Nakita kong hinawakan nya ang kanyang cellphone at may tinawagan. He also pressed the loud speaker volume para marinig ko ang pag ring ng telepono sa kabilang linya.
"Hello, Srgnt Vergara. It's me, Lex Villafuente." Nakatitig lang sya sa akin habang kausap ang nasabing sarhento.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa mga oras na ito. Bakit ako? Ano bang nagawa kong kasalanan para mag dusa ng ganito?
"Mr. Villafuente. So ano? Itutuloy pa ba namin ang napag usapan?" Iyon ang narinig kong sabi ng boses sa kabilang linya.
Nag panic ako. "Yes. I'll do what you want ." Hindi ko alam kung paano iyon lumabas sa aking bibig. Basta natagpuan ko na lamang na pumapayag na ako sa plano nitong magpakasal.
Isang nakakalokong ngiti ang nasulayan ko sa kanyang mga labi. "No. Nagbago ang isip ko. Close the case." Nakangiting sabi ni Mr. Villafuente sa nasabing Sarhento.
Hindi ko na naintindihan ang sumunod nilang pinag usapan. Magulo ang utak ko. Parang sasabog. Pero wala na akong magagawa dahil nasabi ko na ang gusto nyang marinig. Nakita ko na lamang na ibinaba na nya ang cellphone nya at ipinatong sa lamesa.
"Sign this." Isang papel ang iniabot sa akin ni Mr. Villafuente at marahan kong binasa.
"Resignation Letter?! Bakit?! Pumayag na ako na makasal sayo. Bakit kailangan pa nito?! Kailangan ko ang trabaho ko. Kailangan ako ng magulang ko." Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita.
"I wont allow my wife to be my employee. Sa bahay ka lang maglalagi. Ako ng bahala sa mga magulang mo." Wala pa ring expression na sabi nito.
"Mr. Villafuente, bakit mo ito ginagawa sa akin? Napakasama mo." Halos maiyak na ako pero pinipigilan ko. Ayokong pagtawanan nya ako. Alam kong Maghihiganti sya kayanya to ginagawa. But why marriage? Nababaliw na ba sya? Magpapatali sya ng panghabang buhay para makapag higanti?
"Call me Lex. Mamaya ay pupunta tayo sa bahay nyo para pormal mo akong ipakilala sa magulang mo."
Hindi ako makagalaw. Paano ko sasabihin ito sa mga magulang ko? Anong magiging reaksyon nila?
"Give me 2 days. Sa sunday nalang kita ipapakilala. Kailangan ko munang bumwelo sa kanila." Marahan kong salita.
"Then that would be on sunday. I'll call you tomorrow."
Hindi na ako ng salita at akmang lalabas na ng tawagin nya ako.
"Wait."Pagpigil ni Lex sakin.
"You haven't sign it yet." at inabot ulit sa akin ang resignation letter.
Tinitifan ko ang papel na hawak hawak ko. "No sex. No kiss." Seryoso kong sabi sa kanya.
"What?!" Halos mag usok ang ilong ni Lex sa narinig nya.
"That's the agreement. I'll marry you ang sign this damn resignation letter if you agree na walang mangyayari sa atin."
Matagal munang nagisip si Lex bago sya nagsalita.
"If that's what you want. No sex. No kiss as my fiancee wish." Nakakalokong sagot ni Lex.
"Pano ako makakasiguro na tutupad ka?!" Duda ako sa lalakeng ito.
"You have my word Arlene. Try me." Nakangiting sabi ni Lex.
Pinirmahan ko ang resignation letter at ihinahis sa lamesa ng lalakeng ito. Nagmamadali akong lumabas ng opisina nya at nagtungo sa lamesa ko para ayusin ang mga gamit ko. Ito na ang huling araw ko sa opisinang ito.
BINABASA MO ANG
Mr. Dreamboy: THE AGREEMENT
RomanceHindi pinangarap ni Arlene na makasal sa isang lalakeng hindi naman nya mahal. Pero wala syang magawa dahil kailangan nyang magbayad ng utang. Utang na hindi naman kanya. Hanggang kailan nya matitiis ang lalakeng pinanganak na walang puso. Makakaya...
