CHAPTER 1

699 12 0
                                    

Author's Note:

Hey guys. Sana magustuhan nyo itong first story ko. First time e. More than 10yrs na apo ako ng babasa ng mga romance novels at mahirap magsulat. Lalo na kung ayaw mo ng may kaparehas. But I think wala namang ganung story yung walang katulad. Lahat may kapareho but not exactly the same.

Enjoy reading.

.

.

.

.

CHAPTER 1

"nay, ako na po ang tatapos ng mga yan. Magpahinga na po kayo sa loob." malambing na wika ni Arlene sa naglalaba niyang ina.

"Naku anak, ikaw itong dapat magpahinga. Buong linggo ka ng nagtatrabaho at ito lamang ang araw na iyong pahinga." Pagtutol ni aling tere.

"Inay, kaya nga po kami may day-off para magawa ang mga gawaing bahay e. Tumayo na ho kayo dyan at kaya ko na yan. "sambit ni Arlene habang inaalalayang tumayo ang kanyang ina.

"Hindi ka naman magpapatalo kaya sige na at papasok na ako sa loob at ipagluluto nalang kita ng masarap na tanghalian." wika ni aling tere habang pinanonood ang kanyang anak na kinukusot ang kanina'y kanyang nilalabhan.

"inay, adobong manok nalang. Na-miss ko yung luto nyo ng adobo."

"Sige, tamang tama at madali lang yun lutuin. Makakakain ka na makatapos mo nyan."

Dali daling pumasok si aling tere sa loob ng kanilang tahanan habang ako naman ay pinagpatuloy ko ang pag lalaba.

Dalawa lang silang magkapatid, si Arlene ang panaganay. Ang bunso nyang kapatid na si Angela ay mas bata sa kanya ng dalawang taon. pareho na silang nakapagtapos sa kolehiyo at ngayon ay nagtatrabaho siya sa isang malaking shipping company dito sa pampangga. Sinikap ng kanyang mga magulang na sila ay makapagtapos. Ang kanyang ama ay ngtatrabaho sa opisina sa maynila kaya lingguhan lang kung umuwi. Ang kanyang ina ay dating tumatanggap ng labahan ngunit ng magkasakit ay pinagbawalan ko na sapagkat ako ay kumikita naman. Si Angela ay walang trabaho at wala ayang balak mag trabaho dahil meron siyang nobyo na mayaman at kuntento na xa sa luhong ibinibigay nito sa kanya.

Nang matapos ko ang aking labahan ay nagtungo ako sa kusina upang kumain. Naroon na ang sina inay, itay, si Angela at ako na lamang ang hinihintay.

"anak, maupo ka na at kami'y nagugutom na." pabirong sabi ni mang Ruben.

"naku bakit naman kasi hinintay nyo pa ako."habang unaabot ang kanin sa aking ama.

"tuwing linggo ko lang kayo nakakasama kaya gusto ko sabay-sabay na tayong kumain."si mang ruben na nagsisimula ng kumain.

"tama ang iyong ama, iha, anu ba't hindi ka pa nasanay na sa ganitong araw ay magkakasabay tayong kumain." napatingin ang kanyang ina kay angela na kanina pa hawak hawak ang kanyang mamahaling cellphone na hula nya bigay ng boyfriend nito. "Angela, iha, baka gusto mo munang itabi ang telepono mo at sumalo sa aming pagkain. mamaya na yang pakikipag usap mo sa nobyo mo at maraming oras para diyan."

"hindi ba kayo makaka kain ng hindi ako pinapansin?" inis na tinig ni Angela.

"Angela matuto kang gumalang sa iyong ina." mariing sabi ni mang Ruben.

Kibit balikat na ibinulsa ni Angela ang kanyang cellphone at nakisabay na sa aming pagkain. Masaya kaming nagkwekwentuhan habang si Angela ay nakamasid lamang. Normal na.iyon sa kanya. simula nung ngka boyfriend sya ay mawalan na sya ng oras sa amin at ang tanging kaharap lang nya kapag magkakasama kami ay ang kanyang cellphone. Mayaman ang nobyo ni Angela, ang alam ko nakatira ito sa mansyon sa kabilang bayan. Hindi masyadong pala kwento sa amin si Angela at hindi pa nya nadadala ni isang beses dito ang kanyang nobyo kaya wala kaming alam tungkol dito.

"tapos na po ako." nagmamadaling tumayo si Angela ng marinig na tumutunog ang kanyang cellphone at agad itong tumakbo palabas ng bahay.

"tere, ano bang nangyayari dyan sa anak mo at kabago bago palang nila ng kanyang nobyo ay ganyan na sya kumilos?" Nagtatakang tanong ng kabyang ama.

"Hay naku Ruben alam mo naman na malihim ang bunso natin at sa tuwing tinatanong ko ay puro basta na lamang amg sagot."

"ikaw Arlene wala ka bang balak mag asawa at hanggang ngayon wala ka pang nagiging nobyo? Aba't 25 ka na, dapat maranasan mo rin ang nararanasan ng ibang kabataan." baling sa akin ng aking ama.

"itay naman at ako na naman ang nakita nyo. Alam nyo naman na wala pa sa isip ko ang ganyang mga bagay."

"aba anak, kelan mo balak mag asawa kapag menopause ka na? sayang ang ganda mo kung tatanda kang dalaga." sabi ng aking ina habang pinapapak ang pakpak ng manok.

"inay naman, lagi nyo nalang ako pinagtutulungan. Darating din ho tayo dyan. wag lang po nating madaliin."

"iha kami ng nanay mo ay nagsasabi lamang ng totoo. Sayang ang ganda mo kung kami oang ang palagi mong pinagsisilbihan."

"ipinamimigay nyo na po ba ako?  kung ayaw nyo na sa akin ok lang naman."

"anak naman. hindi sa ganun. ang samin lang ay gusto naming maging masya ka rin sa piling ng isang lalaki na magpapatibok ng puso mo." sagot ng kanyang ama habang tinitipon ang mga pinggan na pinagkainan.

"ako na ho dyan. magpahinga na po kayo at maghuhugas lang po ako ng kinainan." pag iwas ko.

"hay naku Ruben wag na natin syang pilitin. Darating din malamang ang kanyang prinsepe sa takdang panahon."

Hindi na ako umimik para matapos na ang usapan. Matagal na nla akong pinagtutulakan na magka nobyo. Maraming nanliligaw sa akin simula pa nung nagaaral ako. Kahit yung anak ng Mayor ng namin ay sumuko na sa akin. Madalas ako noong makatanggap ng magagandang bulaklak at mamahaling chocolates pero ni minsan hindi ako nasilaw sa mga regalo nila. Ngayon tila nagsawa na ang mga lalake sa panunuyo sa akin pero sa tuwing daraan ako sa kalsada ay nakikita ko pa rin ang paghanga sa mga mata nila.

Matapos kong magligpit ng pinagkainan ay nagtungo ako sa aking silid at nahiga sa aking kama. marahan kong pinikit ang aking mga mata at hindi namalayan na nakatulog na pala ako.

………

Hi. Thank you po sa mga nagbasa. First time kong sumulat ng story. medyo hindi pa ako marunong kung paano ipost yung mga updates. Pinagaaralan ko naman. Hope you like my story. Keep on reading.

Mr. Dreamboy: THE AGREEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon