CHAPTER 2

227 9 1
                                    

CHAPTER 2

Tunog ng telepono ang nagpabalikwas sa nakatutok kong mata sa aking trabaho. I know its Jenna my secretary. Lahat ng phone calls ko ay dumadaan muna sa kanya. Sinabihan ko sya kanina na wag akong istorbohin dahil sa tambak kong trabaho. Inangat ko ang auditibo ng telepono.

"what?!" irritado kong tanong.

"Ma'am Villafuente is on the other line." kalmadong sagot ni Jenna.

"I'll accept the call." tipid kong sagot.

Isang beep ang narinig ko bago ko narinig ang boses ni mama. She's crying. But why?

"mom what's wrong?"

"Son, you're brother is in the hospital."

"what?!"

Nung nalaman ko ang ospital na kinaroroonan ng kapatid ko ay agad akong lumabas ng opisina.

"Cancel all my appointment." mariin kong sabi kay Jenna.

"Yes, sir." Iyon lamang at nagmamadali na akong bumaba ng building. Halos paliparin ko ang sasakyan ko patungo sa ospital na kinaroroonan ni Joshua.

Nang marating ko ang ospital agad akong nagtungo sa Operatng Room na syang sinabi kanina ni mama. Nakita ko syang nakaupo at naghihintay sa labas ng OR.

"Mom, what…" naputol ang sinasabi ko ng bumukas ang pinto sa OR. Agad na napatayo si mama at sabay kaming sumalubong sa doktor.

"Is he okay?" mahinang tanong ni mama.

"Natanggal na namin yung bala sa kanang dibdib nya. Mabuti na lamang at wala masyadong napinsala ang bala, pero…"huminto amg doktor na parang binabasa kung anong magiging reaksyon namin.

"What? Pero what?" Mataas na tono kong tanong.

"May trauma sya sa ulo. Maybe cause ito ng pagbagsak nya nung binaril sya. He's in comatose at this moment. We were hoping for his development as soon as possible." Iyon lamang ang narinig ko. I was in shock na halos wala na akong marinig sa sinasabi ng doktor. Namalayan ko na lamang na nakaalis na ito sa harap namin ni mama.

I don't know kung gaano ako katagal na nakaupo sa labas ng kwarto ni Joshua, basta ang alam ko ndi ko sya kayang lapitan. Nakita ko kanina na maraming tubong nakakabit sa katawan nya at hindi ko matagalang titigan sya. Namalayan ko na lamang na nagpapaalam na ako nung dumating ang iba pa naming kamag anak.

Marahan kong binuksan ang puntuan ng aking bahay. Matagal na akong bumukod kina mama at Joshua. Mas gusto ko ang magisa kesa yung may nangingialam ng buhay ko, knowing my mom ba sobrang pakialamero. Dumeretso ako sa isang kwarto na syang opisina ko. Yes, I have an office inside my house. Nagtatrabaho ako sa company namin and I am the president kaya kailangan ko ng opisina sa bahay sa sobrang dami ng trabaho.

Umupo ako sa swivel chair at ipinatong ang dalawang paa ko sa aking mesa. Ang daming tanong na gumugulo sa utak ko. Sinong may gawa nito? Bakit si Joshua? Anong nagawa nya para mangyari ito sa kanya. Mabait na tao si Joshua. Wala akong maisip na dahilan para gawin sa kanya ito.Halos lahat ng kakilala ko ay gusto ang kanyang ugali. How can someone do this to him? Kailangan kong gumawa ng paraan. Pero paano? Saan ako mag uumpisa? Then something hits my mind. Her girlfriend, baka alam nya kung sino may gawa nito kay Joshua. But how? I didn't even know her, or even her name. "Damn!"

Marahan kong dinampot ang telepono at tinawagan si Mr. Lopez, one of the best investigator.

"Yes.I'm Alexander Villafuente. Yes. I need you to find a woman. She's known to be my brother's girlfriend. I don't know her name, just look where I can find her. No, I don't have any picture of her. I haven't seen her yet. Yes. Good." Iyon lamang at agad nag naputol ang linya.

-keep on voting.
comments and suggestions pls.

Mr. Dreamboy: THE AGREEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon