CHAPTER 14

187 4 0
                                        

CHAPTER 14

Nagising ako ng huminto ang sasayan ni Lex. Nagpalingon lingon ako sa paligid. Napapaligiran kami ng kakahuyan at wala naman akong matanaw na bahay o kahit na anong pwedeng tuluyan.

Oh my… Is he going to salvage me? Ito ba ang plano nyang paghihiganti? Ano itong napasok ko?

"Saglit lang. I need to pee. I can't control it anymore."

Nagmamadaling binuksan ni Lex ang pinto at patakbong nagtago sa kakahuyan.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. My God Arlene, ano ba yang mga pumapasok sa utak mo. Malamang kung narinig ako ni Lex manlalaki ang mata nun at sisigawan na naman ako.

Agad namang nakabalik si Lex. Bakit ba kasi hindi pa sya umihi kanina nung nasa yacht pa kami.

Dalawa't kalahating araw din ang nilayag namin sa dagat bago kami nakarating dito sa palawan.  Tinignan ko ang relo ko. Mahigit tatlong oras na kaming bumibyahe. San kaya ang tungo namin.

Maya maya lang ay natanaw ko na ang arko na may nakasulat na Hacienda Krisanta. So we're here. Inayos ko ang upo ko at tinanaw ang paligid.

Halos wala akong makitang kakaiba. Tulad din ito mg nadaanan namin kanina na puno ng mga kakahuyan. Gaano ba kalawak ang hacienda bakit parang ang layo pa?

Napansin ko na nawawala na ang ibang mga punong kahoy. Naging maayos na itong nakatayo sa gilid ng kalsada at ang natatanaw ko sa labas ng bintana ay parang isang malaking park na may malaking lawa. Sa gitna ng lawa ay may malaking fountain na napapalibutan ng makukulay na bulaklak. Parang ang sarap maupo sa bench sa gilid ng lawa at magpahinga.

Nanlaki ang mata ko ng lumingon ako sa kabilang side. Nasa taas kami at nakaharap sa malawak na dagat at puting buhangin. Sa gilid nito ay may malalaking puting bato na sing laki ng sinasakyan namin.

Maya maya lang ay huminto na ang sinasakyan namin.

"Ano? Wala ka na bang balak bumaba dyan?" Nakasimangot na tanong ni Lex.

"This is paradise." Makikita pa rin ang pagkamangha sa mata ko na halos hindi makapaniwala sa nakikita ko.

Lumabas ako ng sasakyan at pinagmasdan ang malaking mansyon sa nakatalikod sa dagat. Parang luma na ang mansyon na ito pero halatang alaga. Bagong pintura at malinis ang kabuuan.

Sa harap nito ay ang malawak na garden na may iba't ibang uri ng nag gagandahang bulaklak. Sa isang sulok ay mayroong lagoon na may apat na silyang nakaharap dito. Sa kabilang gilid ay ang landscape ng garden na puno ng pulang mga rosas.

"Ano na? Pumasok na tayo ng maituro ko sa iyo ang kwarto. Baka maligaw ka na naman."

Panira naman ng moment ito. Ineenjoy ko pa yung view eh.

I follow him sa grand terrace. Pati ang hagdanan bongga, ang laki at parang sa palasyo. Pumasok kami sa malaking pintuan na tila mamahaling kahoy pa ang gamit.

Halos mapigilan ko ang hininga ko ng makapasok sa loob. Isang malaking hagdanan ang bumungad sa amin na nahati sa dalawa pgdating sa gitna, sa kaliwa at sa kanan. Parang ito yung palasyo sa beauty and the beast ah. Parehong pareho yung grand staircase.

Umakyat kami sa hagdan na may malaking chandelier sa taas. Nakita kong nasa taas na si Lex at naka kunot noong nakatitig sa akin kaya patakbo akong umakyat para sundan sya.

Nasa dulo ang kwarto namin. Pag pasok ko sa loob ay namangha na naman ako sa laki nito. Malaki naman ang kwarto namin sa manila pero doble ito noon. Halos lahat ng makita kong gamit ay gawa sa mamahaling mwebles at mukang antigo na.

Dumiretso ako sa balcony. Dito tanaw na tanaw mo ang malawak na dagat at ang infinity pool sa baba.

Parang ayoko ng umalis dito. Parang gusto ko nang dito tumira. This is a dream house. A paradise. A heaven. What else can I describe this place?

"C'mon Arlene. Magbihis ka na. Magpahinga ka muna at may ilang oras pa bago ang hapunan." Sigaw ni Lex mula sa loob ng kwarto.

"Ang KJ mo naman. I'm just enjoying the scene." Sagot ko habang pumapasok sa loob ng kwarto.

Inilapat ko ang likod ko sa malaking kama at pumikit.

"I love this place Lex. Thank you for bringing me here." sabi ko habang nakapikit pa rin.

Napadilat ako ng biglang may kumatok sa pinto. Nakita kong binuksan ni Lex ang pinto at tumambad ang isang babae na parang mas bata pa sa amin ng limang taon o mahigit.

"Anna. Ang tagal din nating hindi nagkita." Nakangiting sabi ni Lex.

Nagulat pa ako nung niyakap niya yung babae na nagngangalang Anna. Hindi nya ba alam na nandito agg asawa nya? Kapal naman ng mukha.

"Anna ito nga pala si Arlene, asawa ko. Arlene this is Anna, my childhood friend. She's four years younger than us. Treat her nice." Diniinan ni Lex ang huling sinabi na parang akala naman nito aawayin ko si Anna.

"Hi Arlene. Anak ako ni manang Tonya." Malambing na wika ng dalaga.

"Oh. Andito pala si Manang Tonya? Nagtataka nga ako kung bakit hindi na sila bumalik ni Isabel sa manila eh."

"Dito ho talaga si Nanay nagbabantay sa hacienda. Lumuwas lang sya ng maynila para ihatid si Isabel sa mansyon nyo kaso ang dinig ko ho ay nagtanan siya."

"Ganun ba? Ang sabi kasi sa akin ni Lex magbabakasyon lang sila ni Manang. Nagtataka nga ako kung balit sabay pa sila. Well, never mind. Kaya ko naman magisa sa mansyon. Sanay ako sa gawaing bahay."

"Tama na nga yan. Anna, lumabas muna tayo. Ang tagal din nating hindi nagkita. Arlene, sumama ka para malibot mo naman itong Hacienda." Tugon sa akin ni Lex.

Magkatabi si Lex at Anna na bumaba sa hagdan habang ako ay nakasunod lang. Ngayon ako nagsisisi kung bakit hindi ko na lamang piniling magpahinga sa kwarto. Mukha akong asong buntot ng buntot sa kanila.

Nakita ko silang huminto sa harap ng isang pintuan na tiyak kong isang kwarto. Ano naman ang gagawin namon sa loob?

"Saglit lang Arlene. May sasabihin lang ako kay Anna. Just stay here." utos ni Lex sa akin.

Pumasok sila sa loob na natanaw kong isang maliit na kwarto. Marahil ay tulugan ito ni Anna. Pero bakit kailangan pa nilang magkulong?

Lumipas ang sampung minuto pero Hindi pa rin sila lumalabas. Naiinis na ako. Ano bang ginagawa nila sa loob?

Sumandal ako sa pader para mabawasan ang pangangalay ng mga binti ko. Limang minuto pa ang lumipas at lumapit ako sa pintuan para kumatok pero napigilan ko ang sarili ko. Magmumukha akong tanga pag kumatok ako bala isipin nila na nagseselos na ako.

Damn right, naiinis na ako. Lumapit ako at idinikit ang tenga ko sa pinto, ano bang ginagawa nila sa loob at bakit wala akong marinig na kahit na anong ingay o kahit na boses na nag-uusap.

Shit. Ano bang ginagawa ng lalake at babae sa loob ng isang kwarto na solo lang nila?

The hell with you Alexander Villafuente. Dinala mo ba ako dito para ipakita ang pangbababae mo?

Tumakbo ako palabas ng bahay. Hindi ko alam kung gaano na katagal akong tumatakbo. Huminto ako ng mapansin kong dumidilim na at nasa gitna na ako ng kakahuyan.

Mr. Dreamboy: THE AGREEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon