CHAPTER 3
"Sir, a certain Mr. Lopez is on the other line. I've already checked your schedule but he doesn't have any appointment. And he insist to talk…"
"I'll talk to him." Pag putol ko sa sinasabi ng secretary kong si Jenna. Agad naman nyang kinonekta ang linya ni Mr.Lopez sa akin ng walang alinlangan. Iyon ang dahilan kaya gusto ko si Jenna. Walang tanong, walang alinlangan kung mag trabaho. Basta inutos ko agad nyang sinusunod. At kahit sigawan ko sya kalmado lamang syang nakikipag usap sa akin ng nakangiti. Nakarinig ako ng beep at nawala na si Jenna sa linya. Boses ng lalaki ang pumalit.
"Yes, Mr. Lopez? I am expecting for a good news." bungad ko kay Mr. Lopez sa kabilang linya.
"Nahanap ko na sya."
***
"Inay, nandito na po ako." Masiglang sigaw ko ng makapasok ako ng bahay galing sa trabaho.
"Tamang tama anak at kaka-luto ko lang ng hapunan. Halika na at sabayan mo ako."
Hindi ko na naisipang magbihis muna dahil talagang gutom na ako. Naupo ako sa tapat ni inay at nagsandok ng pagkain. "Wala pa ho ba si Angela?" tanong ko habang sumusubo ng kanin.
"Hindi ko nga alam doon sa batang yun. Dati naman tumatawag syang madalas e. Nagulat lang ako nung linggo ng hindi xa umuwi. Alam naman nya na tuwing linggo lang tayo nagkakasama-sama." Napabuntong hininga si inay.
"Hindi ko nga ho ma-kontak ang cellphone nya eh. Mag dadalawang linggo na rin syang hindi umuuwi. Nag aalala na ako."
Madalas hindi na dito umuuwi si Angela, malamang dun na sya umuuwi sa bahay ng boyfriend nya. Pero umuuwi ito tuwing linggo para magkasama-sama kami. Ang nakapag tataka ay hindi sya umuwi noong linggo at naka patay pa ang cellphone nya. Mag dadalawang linggo na rin syang hindi nagpaparamdam. Hindi naman namin kilala ang boyfriend nya kaya wala kaming choice kundi maghintay nalang sa kanya.
Matapos kong kumain ay dumiretso na ako sa aking silid para magpalit ng damit. Marahan kong inihiga ang pagod kong katawan sa malambot na kama.
Nagising na lamang ako sa alarm ng cellphone ko. Dali dali akong naligo at nagbihis. Bumaba ako at kumain ng almusal na inihain ng aking ina. matapos kumain ay lumabas na ako para magtungo sa opisina.
Papasok na ako ng building ng may humarang sa akin. "Ms. Aguirre." Mariing tinig na nag palingon sa akin ng marinig ko ang apilyido ko.
Napatitig ako sa lalaking tumawag sa akin. Naka kulay itim syang T-Shirt na humahapit sa maskulado nitong katawan. Halos tingalain ko sya sa tangkad nya. Parang isang modelo ang kaharap ko ngayon. Mala-adonis na pangangatawan. Nang mapadako sa muka ang aking tingin, napa nga-nga ako. Sino ba itong kaharap ko, bakit ang gwapo nya? Matangos na ilong, at mapupulang labi, napataas ang tingin ko sa kanyang kulay abong mga mata. Pero bakit parang may galit akong nakikita?
"Yes? How may I help you? Do I know you?" tanong ko sa kanya.
"We need to talk. Please. Kailangan ka ni Joshua."
Napakunot noo ako. "Sinong Joshua?"
Nagtatakang tinitigan ako ng lalakeng nasa harapan ko. "Angela Aguirre?" Pag kumpirma nya.
"No, I'm sorry. Ate nya ako, Arlene Aguirre." Sabay lahad ng kamay ko sa harap nya.
Dismayadong inabot nya ang kamay ko at nakipag shake hands. "I'm Lex. Alexander Villafuente."
"Anong kailangan mo sa kapatid ko? Almost 2 weeks na syang hindi nagpaparamdam sa amin. Hindi namin alam kung nasaan na sya." Paliwanag ko sa mahinang boses.
"We need to talk. This is not the proper place. There's a coffee shop near the area. It's a 5mins of walking from here. Meet me there after working hour. Be there." Hindi iyon pakiusap, isang demand galing sa isang estranghero. At agad nalang itong umalis ng walang paalam.
Pagkatapos ng trabaho hindi ko alam kung bakit nakita ko na lamang ang sarili ko na pumapasok sa nasabing coffer shop. Agad kong nakita ang lalakeng kanina ay kausap ko. Naka kulay pula itong polo na lalong nagpaangat sa itsura nya. Nagmuka syang artista na nakaupo sa sulok. Daig ko pa ang nahihipnotismo sa aura na. Hindi ko mapigilang humanga sa kanya.
Napatayo si Lex ng makita na malapit na ako sa kinaroroonan nya. "akala ko hindi ka na sisipot. Maupo ka."
Sino ba itong lalakeng ito at parang may tinatagong sama ng loob sa akin. Ano bang nagawa kong kasalanan. O baka si Angela. Sayang ang kagwapuhan ng mayabang na lalakeng ito.
"Anong kailangan nating pagusapan!?" Tinigasan ko ang boses ko para sabayan ang tono ng pananalita nya. Aba hindi ata ako magpapatalo sa mamang ito.
" Ang kapatid ko ay boyfriend ng kapatid mo." Simula ni Lex.
"Oh anu naman? Malamang kasama nya si Angela." Nakita kong tumiim ang bagang nya. May nasabi ba akong masama?
"Nabaril si Joshua almost 2 weeks ago. And he's in coma. Nawawala si Angela sabi mo? Hindi kaya may kinalaman sya sa nangyari kay Joshua?" Napa nga-nga akosa narinig ko. Nakikita kong naka kuyom ang palad ni Lex at nanggagalit ang mga bagang nito.
"How dare you accused my sister like that? You don't know her. Hindi nya magagawa ang ibinibintang mo." Kailangan kong ipagtanggol si Angela. Pero paano? Bakit parang kinakabahan ako?
"Magsasampa ako ng kaso Ms. Aguirre laban sa kapatid mo." Iyon lamang at tumayo na si Lex sa kunauupuan.
"No. You can't do that." nanginginig kong sabi.
"You don't know me." halos isigaw na nya dahil nasa may pintuan na sya palabas ng coffee shop.
Hindi ko namalayan ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Paano kung malaman ni inay ito? Hindi maaari. Baka atakihin ulit sya sa puso. Minsan na syang nag agaw buhay at nakaligtas, hindi ko hahayaang maulit uli iyon. Gagawa ako ng paraan. Pero paano? Nasaan si Angela?
BINABASA MO ANG
Mr. Dreamboy: THE AGREEMENT
RomanceHindi pinangarap ni Arlene na makasal sa isang lalakeng hindi naman nya mahal. Pero wala syang magawa dahil kailangan nyang magbayad ng utang. Utang na hindi naman kanya. Hanggang kailan nya matitiis ang lalakeng pinanganak na walang puso. Makakaya...
