CHAPTER 6

195 7 1
                                    

CHAPTER 6

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. San ko ba ito nailagay? Kinapa ko ang ilalim ng unan ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Hindi naka save ang number ng tumawag. Sino kaya ito at ang aga aga kung mangbulabog.

"Hello?" Sagot ko ng pindutin ang receive button.

"Meet me at the mall. You need to be there in an hour." At agad na naputol ang linya. Boses iyon ni Lex. Demanding talaga itong bwiset na ito.

Anong oras na nga ba? Pasado alas nueve na pala at ngayon na pala ang araw ng sintensya ko dahil ngayon ko ipakikilala si Lex sa mga magulang ko. Dali dali akong naligo at nag nagbihis. Pinili ko ang plain white na t-shirt, maong pants at tinernohan nga flat shoes.

"Nay alis muna ho ako. Pupuntahan ko lang si Lex." Paalam ko kay inay.

"Aba,  at sinong Lex? May nobyo ka na pala iha." Naka kunot noong tanong ni inay.

"Oho inay. Mamaya ko na ipaliliwanag." at nagmamadaling lumabas ng bahay.

" Teka iha, anu ba kamo? May nobyo ka na?" Pasigaw na tanong ni inay ng makitang nakalayo na ako.

Hindi ko na sya sinagot at dumiretso na ko ng lakad. Ano ba itong napasok ko? Hindi ito ang pinangarap ko. Gusto ko sanang makasal sa lalakeng mahal ko, though prince charming naman ang physical features ni Lex, iba pa rin pag totoong nagmamahapan. 

Nagtungo ako sa restaurant kung saan sinabi ni Lex na naghihintay sya. Nakita ko syang nakaupo sa lamesa na may naka haing pagkain. May kasama ba sya? Tanong ko sa sarili ko.

"So what is it?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa mesa nya.

"Kumain muna tayo. magugutom na ako." Seryosong sagot ni Lex.

So samin pala yung pagkain. Hindi ko alam kung anong tawag sa inorder ni Lex. Pasta iyon na kulay puti ang sauce at binudburan ng kulay green na herbs na sa hula ko ay dinurog na basil leaves. May kasama iyong roasted chicken at mango juice na aming inumin. Pareho lang ang pagkain namin ni Lex, siguro hindi nya alam anong gusto ko kaya tinulad na lang nya sa inorder nya.

Nang matapos kami sa pagkain ay nagtungo kami sa isang boutique shop. Nagpalinga linga ako, ang daming magagandang bistida at gown, puro formal lahat at mukang mamahalin. Nakita kong kinausap nya ang sales lady at may iniabot ito sa kanyang ilang pirasong white dress.

"Isukat mo. At pumili ka kung anu magustuhan mo dyan."Inabot nya sa mga kamay ko ang mga white dress. At bago pa ako makapag salita at nakapag salita na ulit sya.

"Para sa kasal natin. Sa huwes lang tayo ikakasal at sa lalong madaling panahon."

Napa nganga ako sa sinabi nya. Pero walang isang salita na pumasok ako sa isa sa mga fitting room at sinukat ang mga damit. Tatlong piraso lang yun at lahat magaganda kaya nahirapan akong pumili. Sa huli, pinili ko yung chiffon dress. Hanggang tuhod lang ang haba niyo, strapless at may pearl beads na nakapalibot sa dibdib. Humahapit ang tela nito sa dibdib at baywang ko at loose naman mula baywang hanggang tuhod kaya lalong lumitaw ang hubog ng aking katawan.

Lumabas ako na hawak hawak ang napili kong dress. Nakita kong may mga naka helerang sapatos at sandals sa tabi nya. Nahulaan ko na ang sasabihin nya kaya bago pa sya mag salita ay tinuro ko na yung isang heels na sa tingin ko ay babagay sa dress na napili ko.

Bago kami lumabas ng mall ay dumaan muna kami sa isang bake shop at bumili ng cake. Nagulat ako ng pagsakay namin sa sasaktan nya ay inabot nya sa akin yung cake.

"Para saan ito?" tanong ko.

"Pasalubong natin sa mga magulang mo."

Napangiti ako. maya maya ay nakita kong may dinukot sya sa bulsa. "eto suotin mo"

Parang alam ko kung ano ang laman ng maliit na kahon na yun ah. Dahan dahan kong binuksan at sa gulat ko ay napasinghap ako. Engagement ring ang laman ng kahon, isang manipis na singsing na may malaking heart-shaped diamond sa ibabaw.

"Kailangan mo yan para maging makatotohanan. Sabihin mo ngayon lang ako nag proposed sayo ng kasal."Matabang nyang sagot.

Kinakabahan ako ng ihinto ni Lex ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Dahan dahan akong lumabas sa loob ng sasakyan. Nakita kong magkatabi si inay at itay sa may pintuan at nakatitig sa amin ni Lex.

"Magandang hapon ho. Ako ho si Lex Villafuente ang boyfriend ni Arlene." inilahad nya ang kayang kamay at tinanggap naman ng aking mga magulang habang nagpapakilala.

"kinagagalak kong makilala ka iho. Ako nga pala si Ruben at ito ang aking may bahay na si Tere. Halika at pumasok ka." Nakangiting pahayag ng aking ama.

Masayang nag-uusap ang aking mga magulang at si Lex. Nagulat pa sila ng malamang ikakasal na kami. Maski ako ay nagulat ng sinabi nyang bukas na kami ikakasal. May bakas na lungkot akong nakita sa mata ni inay pero wala na syang magawa dahil desisyon na raw namin iyon. Gabi na ng nagpaalam si Lex sa mga magulang ko.

Mabigat ang paa na tinungo ko ang aking silid at doon nag mukmok. Simula na ng kalbaryo ng buhay ko bukas. Bakit ganun kabilis? Napasubsob ako sa unan at doon umiyak ng umiyak. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Mr. Dreamboy: THE AGREEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon