CHAPTER 9

186 5 0
                                    

CHAPTER 9

lex

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa sarili ko ng nakita kong nasaktan si Arlene sa binitiwan kong salita. Gusto kong bawiin ang mga sinabi kong masasakit na salita pero bakit may pumipigil sa akin? Dahil ba ito sa plano kong maghiganti? Kung tutuusin wala naman syang kinalaman sa nangyari kay Joshua. Pero bakit itinali ko pa rin sya sa akin?

Nakarinig ako ng marahang katok saka bumukas ang pintuan ng aking opisina. Pumasok si Jenna at ipinatong ang tasa ng kape sa aking lamesa saka mabilis na lumabas ng silid.

Humigop ako ng kape. Kung tutuusin mas masarap pa ang timpla ni Arlene kesa sa iniinom ko ngayon. Napilitan lang akong ibuga iyon para masaktan sya.

Lex, your crazy. Sigaw ng utak ko.

Sinubsob ko nalang ang sarili ko sa ginagawa kong trabaho. Anong oras na nga ba? Pasado alas nueve na pala bakit hindi pa umuuwi si Jenna? Inangat ko ang telepono at tinawagan si Jenna

" You can go home now. It's already passed nine. You don't need to wait me."

"Yes sir."

Iyon lamang at ibinaba ko na ang telepono. Nag ayos ako ng gamit para makauwi na rin. Kailangan kong magpahinga. Parang sasabog ang utak ko sa dami ng iniisip.

Pag dating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Nagulat ako sa nakita ko. Sa lamesa may dalawang pinggan ng spaghetti na may tig isang piniritong manok. Alas dies pasado na at hindi pa kumakain si Arlene? Alam kong hinintay nya ako para sabayang kumain.

"Nakauwi ka na pala." Nasa ganoon akong pagiisip ng biglang nagsalita si Arlene sa likuran ko. "Hinintay kita para may kasabay kang kumain." Nakangiti nyang dugtong.

"Kumain na ako sa labas. Kaya nga ako ginabi ng uwi dahil nag dinner kami sa labas ng mga barkada ko." Pagsisinungaling ko.

Parang gusto kong suntukin ang sarili ko ng makita ko ang lungkot sa muka nya. Minabuti ko na lang tumalikod at umakyat sa kwarto dahil hindi ko makayanang titigan syang nasasaktan.

Nagbibihis ako ng pumasok sya sa kwarto. Nakita ko pa na nagulat sya ng makita akong almost naked. Dumiretso sya sa banyo ng hindi nagsasalita.

Hindi ba sya kumain? Malamang masama ang loob nya sa akin dahil hindi ko pinansin ang hinanda nyang pag kain.

Bakit ko ba iniisip ang nararamdaman nya? Nababaliw na ata ako. Gusto kong bumaba para kainin ang niluto nya pero pinipigilan ako ng pride ko. Simpleng spaghetti at chicken lang yun pero parang ang sarap sarap, parang special na lutuin.

Hell, Lex, stop it! Anu ba yang mga iniisip mo?! Nasisiraan ka na ba?!

Napalunok ako ng lumabas si Arlene sa banyo na naka spaghetti strap lang at mini short na pantulog. Tinutuyo nya ang kanyang buhok habang naglalakad papunta sa kama.  Nakaramdam ako ng init ng dumaan sya sa harap ko at nag iwan ng mabangong amoy. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero ngayon ko lang ito naramdaman. Even when I was a teenager, hindi ko naramdaman ito sa una kong naging girlfriend.

Idiniin ko ang unan sa muka ko at mariing pumikit. Kailangan kong matulog para mawala ang mga paru-parong naglalaro sa puson ko.

***

arlene

Dumiretso ako sa kwarto ng iwan ako ni Lex sa kusina. Nakita kong nakahiga na sya sa sofa. Pumasok ako sa banyo at binuksan ang shower. Kailangan kong magshower para mawala ang sama ng loob.

Hindi ko na napigilan ang luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. Kasi naman bakit kasi spaghetti at fried chicken ang naisipan kong lutuin? Baka hindi iyon nag mga tipo nyang pagkain, pang bata naman kasi yun.

Ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang galit nya sakin? Gagawin ko ang lahat para magkasundo kami.

Tinuyo ko ang katawan ko saka ngbihis. Nang lumabas ako ng banyo ay nakita kong takatingin sa akin si Lex. Dinaanan ko lang sya at dumiretso na ako sa kama para tuyuin ang basa ko pang buhok.

Konting tyaga Arlene. Kasalanan ito ng kapatid ko kaya nagkakaganyan sya. Kailangan ko lang makuha ang kanyang tiwala. Bulong ko sa sarili ko at saka nag talukbong ng kumot para matulog.

author's note:
-Natapos ko rin. Ang hirap mag isip kung paano masasaktan ni Lex si Arlene na hindi gumagamit ng physical.

Syempre dreamboy natin si Lex kaya dapat gentleman sya.

Please keep on reading.

Mr. Dreamboy: THE AGREEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon