CHAPTER 7

173 6 0
                                        

CHAPTER 7

Nasa isang opisina kami ng kaibigan ni Lex na abogado. Natapos na ang seminar ng kasal at pumipirma na lang kami para sa aming marriage certificate. Hindi na napigilan ng aking ina na maiyak ng matapos ang kasalan.

"Iho, ikaw na ang bahala kay Arlene. Mabait na bata iyan. Alam king hindi ka nya pababayaan." Halos mapiyok na tinig ng aking ama.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Hindi nila dapat malaman kung anong naghihintay sa akin sa buhay may asawa.

Isang sasakyan ang sumundo sa mga magulang ko para ihatid sila pauwi.

"Tayo na at umuwi." Mariing sabi ni Lex.

Tahimik akong naglakad papunta sa sasakyan nya. Tama, kailangan kong magpakatatag. Hindi ako dapat mag patalo. Bakit hindi ko nalang gampanan ang pagiging asawa nya.

Pumasok ang sasakyan nya sa isang malaking gate na binabantayan ng 2 gwardya. Namangha ako sa laki ng bahay nya. May garden ito sa harapan, halos nababalutan ng malalaking bintanang salamin ang buong bahay. Lalo akong nalula nung makapasok ako sa loob ng bahay. Maliwanag at maaliwalas sa loob dahil sa salaming nakapalibot sa loob. Pumapasok ang liwanag ng araw na nanggagaling sa labas. Inikot ko ang mata ko sa living room. Mayroon itong black leather sofa set na nakaharap sa isang malaking flat screen TV. Sa paligid nito ay puro shelves na puno ng mga antique collection. Nang mapalingon ako sa kanan ay marahan akong humakbang upang alamin kung saan patungo ang dereksyon na iyon. Bumungad sa akin ang malaking lamesa na napapalibutan ng sampung upuan. Magisa lamang sya dito bakit kailangan ganoon karaming upuan? Malamang sa mga bisita. Sa kabilang gilig ay may center island na may apat na mataas na upuan. Sa likod noon ay isang malaking shelf na puno ng iba't ibang uri ng mamahaling alak. Natanaw ko ang isang maliit na pintuan at pinuntahan iyon. Narating ko ang kusina na gawa sa stainless steal. Hinawakan ko ang malaking two-door refrigerator at binuksan, puno iyon ng samu't saring pagkain. Sa isang pintuan ay nakarinig ako ng nag uusap kaya marahan kong sinundan iyon at nakita ko ang dalawang babae na huminto sa kwentuhan ng makita ako.

"Naabala ko ba kayo? Pasensya na." Dispensa ko sa dalawa.

Yung isa ay medyo may katandaan na at yung isa ay halos kaedaran ko lang.

"Manang baka makiya nyo si Arlene, paki hatid nalang po sya sa kwarto namin" boses iyon ni Lex na nangmula sa intercon na nakasabit sa pader.

Nakita kong pinindot ni manang ang intercon at marahang sumagot "sige iho"

"Iha, ako nga pala si "Manang Tonya at ito naman si Isabel. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang kami. Halika't sumunod ka sa akin." At nag patiuna na nga si manang na akin namang sinundan. Umakyat kami sa malaking hagdan at itinuro ang pintuan na sya raw kwarto ko, namin ni Lex at saka nya ako iniwan.

Isang mahinang katok ang ginawa ko bago marahang binuksan ang puntuan.

Walang tao sa loob. Nakabukas ang banyo kaya nasabi kong wala si Lex doon. Inihiga ko ang katawan ko sa malaking kama at saka nagpahinga.

***

"Son, good news. Nagising na si Joshua." masiglang balita ng mama ni Lex sa kanya.

"Wow! That's great! Kelan ang uwi nyo rito?" tanong ko.

"Alex, iho, may temporary amnesia si Joshua ngayon. Kailangan muna naming mag stay dito para makapag pagaling sya. Babalik naman daw ang memory nya soon sabi ng doctor." Malungkot na pahayag ni mama.

"Mom, it's okay. Atleast nalampasan na nya si kamatayan. Let's just hope na gumaling agad sya. Tama lang na dyan muna kayo hanggat hindi nahahanap ang gumawa nyan sa kanya. Delekado pa ang buhay nya rito hanggat nakaka gala ang bumaril sa kanya."

"you're right, Lex. Mas makabubuti nga sigurong nandito muna kami hangga't hindi nahahanap ang salarin."

"I-kumusta mo ako kay Joshua, mom" iyon lamang at nagpa alam na kami sa isa't isa.

Mabuti naman at nakarecover na si Joshua from comatose. Baka mabawasan ang paghihiganti ko kay Arlene.

Teka. Anu nga ba ang dahilan kung bakit ko sya pinakasalan? Anu nga bang pina plano ko?

Mr. Dreamboy: THE AGREEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon