CHAPTER 11

198 6 0
                                        

CHAPTER 11

I bought a lot of stuffs, puro mga damit at sapatos na hindi ko naman talaga alam kung saan ko gagamitin. Basta I went to a mall and start buying everything that caught my eyes.

Nagiging stress reliever ko ang pag sho-shopping. Who cares kung magasgas ang credit card ko? Si Lex naman ang nagbabayad ng lahat ng nakukuha ko dito. Siguro ganti ko na rin ito sa mga pasakit nya sa akin.

What? Nagiging materialistic ata ako lately. No. Nakakalimutan ko lang ang mapait na buhay ko when I go shopping at dito ko naibubuhos ang sama ng loob ko kay Lex. Sa pag swipe ng credit card na alam kong sya ang magbabayad.

Hindi ko na nga mahawakan ang door knob sa sobrang dami ng napamili ko at kinailangan ko pang ibaba ang nasa kanan kong kamay para lang mabuksan ang pinto ng bahay. Pagpasok ko ng kwarto inilagay ko lahat sa walk-in closet ang mga napamili ko. Saka ko na iisipin kung saan ko isusuot ang mga iyon.

Palabas na ako ng kwarto para magluto ng hapunan ng mapansin ko si Lex sa balcony na may kausap sa cellphone. Medyo malakas ang boses nya at naka awang ang glass door kaya malinaw kong naririnig ang pinag uusapan nila.

"You sure, you don't want us to stay in your place?………Okay Honey, I'll pick you up in an hour." Malambing nyang sabi sa nasa kabilang linya at agad na nyang binaba ang telepono.

Nagmamadali akong umatras bago pa sya makaharap at mahuli ako. Nakapasok ako ng banyo bago pa nya ako makita.

Nanghihina na ang tuhod ko kaya umupo ako sa tiles.

I should knew it before na may girlfriend sya. Pinakasalan nya lang ako para maghiganti. Hindi naman ako yung tipo nyang babae eh. Bakit ko ba pinipilit ang sarili ko sa kanya?

Unti unti ng bumagsak ang luha na kanina pa nag-uunahang lumabas sa mga mata ko. Parang dinudurog ang puso ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Gusto ko syang sugurin at awayin pero wala akong karapatan kasi sa papel lang ang kasal namin. Kasalanan ko ito kasi pumayag akong mangyari sa akin ito.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiiyak when I decided to stand. Lumapit ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko. Hindi ako dapat makita ni Lex na nagkakaganito. Pagtatawanan nya lang ako. Ayokong ipakita sa kanya na nagtagumpay sya sa plano nyang paghihiganti. Damn you Angela. Where the hell are you now? Kasalanan mo ito kaya ako nagkakaganito.

Naghilamos ako ng mukha at inayos ang sarili ko bago lumabas ng banyo. Nakita ko si Lex na nakabihis na at ready ng umalis.

"Where are you going?" tanong ko sa kanya ng nakangiti.

"Dinner meeting. Kumain ka na at wag mo na akong hintayin. Baka gabihin ako."

"Okay. Goodluck and enjoy your dinner." Sinadya kong bigyan ng diin yung last three words na sinabi ko at saka marahan ko syang tinulak palabas ng kwarto. "Bye." Paalam ko saka isinara pabalik ang pinto ng makalabas na sya.

Ilang minuto akong nakasandal sa pintuan ng kwarto ng marinig ko ang tunog ng sasakyan na palayo. Nakaalis na sya. Bulong ko sa sarili ko. Hindi ako dapat masaktan. Kailangan kong magpakatatag. I won't let him win the game.

Dalawang araw na rin ang nakakalipas matapos ng may mangyari sa amin. Walang naglakas loob sa amin na magbanggit ng tungkol doon. Marahil hindi nya na maalala o kung naaalala man nya ay wala na syang pakialam.  He was drunk that night kaya nangyari sa amin yun. He won't even dare touch me kung nasa katinuan sya ng gabing iyon. Alam ko ang mga tipong babae ni Lex at hindi ako nabibilang doon.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko pinahid ang mga luha na kanina pa pala lumalandas sa pisngi ko. How dare him hurt me like this?

***

Napadilat ako ng marinig kong bumukas ang pinto. Anong oras na kaya. Ala-una na rin ng nagpasya akong matulog ng mainip ako kakahintay kay Lex.

Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman lang si Lex na papapasok na ng kwarto. Hindi nya ako nakikita dahil nakatalukbong ako ng makapal na kumot. Tumigil sya sa harap ko na tila pinapanuod ang aking pagtulog. Matagal syang nakatayo sa harapan ko bago sya nagsalita.

"Arlene."

Marahang tapik ang naramdaman ko bago ko ibinaba ang kumot na nakatalukbong sa akin. Napansin kong may liwanag nang sumisilay sa bintana kaya marahil ay umaga na.

"Sorry to wake you up. Come on, fix yourself."

"Why? Are we going somewhere?What time is it now?"

"5:30 in the morning. We're going to Hacienda krisanta"

"At saan naman yang lugar na yan?"

"Will you please stop asking. Just go fix yourself and pack your things. We'll be there for about a week or more."

"And how about your work?"

"Arlene!" Warning nya sa akin na sinabayan ng mariing nyang titig.

I stretch my arms at tinatamad na bumangon. Do I have any choice? Lumapit ako sa walk-in closet at inilabas ang mga bagong damit na napamili ko kahapon. Hindi ko alam na ngayon ko pala magagamit ang mga iyon.

Mr. Dreamboy: THE AGREEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon