CHAPTER 8

191 7 1
                                    

CHAPTER 8

Nagising ako sa tunog ng pintong nagsara. Napabalikwas ako ng bangon, anong oras na ba?

Nakita ko si Lex na pumasok ng aming kwarto. Mukang matutulog na ito. Nataranta akong bumangon ng nakita ko syang papalapit sa kinaroroonan ko.

"Anong gagawin mo?!" Marahas kong tanong.

Hindi sya umimik, umikot sya sa kabilang parte ng kama at kinuha ang isang unan. Naglakad sya papunta sa sofa at doon nahiga.

"I won't dare touch you. You're not even my type." salita ni Lex habang nakapikit.

"Kumain ka na sa baba. Nakalagay sa ref ang ulam. Initin mo nalang sa microwave.  Help yourself." Matabang na dugtong ni Lex na hindi pa rin dumidilat.

"Hindi ka ba kakain? Hindi mo ba ako sasabayan?" Tanong ko sa kanya.

"Ayokong kasabay ka kumain kaya nauna na ako." Iyon lamang at sinubsob na nya ang kanyang muka sa unan.

Marahan akong bumangon para magtungo sa kusina. Wala na akong marinig at makitang kasambahay, marahil ay tulog na sila.

Binuksan ko ang ref at nakita ang isang lalagyan na may lamang menudo. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang microwave dahil malapit lang ito sa kinatatayuan ko.

Binuksan ko ang window ng microwave at pinasok ang ulam sa loob. Magsasandok na sana ako ng kanin ng makarinig ako ng pag sabog. Shit!

Napatingin ako sa microwave, may nag iispark sa loob at may lumalabas na usok.  Agad ko itong nilapitan at hinugot sa pagkakasaksak.

What have I done? Nasa ganon akong pag iisip ng biglang may sumigaw sa likuran ko.

"What the hell, Arlene?!" Si Lex pala iyon na salubong ang kilay na nakatitig sa umuusok pang microwave.

"I'm sorry. I didn't mean to..."

"San ka bang bundok nanggaling at hindi ka marunong gumamit nyan?!" Patuloy ang pag sigaw nya sa akin.

"Don't you know how to read instructions?! Ayan oh, naka post na nga sa window nyan!"

Tahimik lang ako habang pinakikinggan sya. Ano pa nga bang magagawa ko? Kasalanan ko eh.

Magsasalita pa sana sya ng bumukas ang pintuan sa likod at pumasok si Manang Tonya.

"Manang, paki labas nalang po itong microwave at nasira na ho." Iyon lamang at tumalikod na si Lex at lumabas ng kusina.

"Naku iha, sana ginising mo nalang ako para ako na ang nag init nito. Doon lamang ang kwarto namin sa likod bahay pakalampas ng swimming pool." Mahinahong sagot ni Manang.

"Pasensya na ho at pati kayo nabulabog ko pa. Hindi ko nga po alam kung bakit sumabog yan eh."

"Teka at ipagluluto nalang kita ng pritong manok." Binuksan ni Manang ang freezer na may hinahanap.

"Naku, wag na ho. Maaabala pa ho kayo."

"Nakung bata ito. Ano ba't trabaho ko naman ito."

"Manang, magbubukas nalang ho ako ng de lata ng makakain na ho agad. Saan ho ba nakalagay ang mga de lata?"

"Sigurado ka ba iha?"

"Oho. Mas mabilis ho iyon at hindi na kailangan lutuin." Mahina kong sagot.

Binuksan ni manang ang isang cabinet sa taas at tumambad sa akin ang iba't ibang klaseng de lata. Itinuro din sa akin ni Manang kung saan nakalagay ang can opener at saka sya nagpaalam bitbit ang microwave na kanina ay nasira ko.

***

Maaga akong nagising ngayon para mag luto ng agahan. Nasabi sa akin ni Lex na aalis si Manang at Isabel para mag bakasyon ng isang buwan. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba na sabay silang aalis ng bahay.

Natutuwa naman ako at mapag sisilbihan ko si Lex. Teka! Bakit parang masaya ako na masosolo ko si Lex sa bahay na ito?

Bumangon ako at nakitang madilim pa sa labas, tinignan ko ang orasan at nakitang alas sinco pa lang ng madaling araw. Nakangiti akong bumaba sa kusina at inihanda ang iluluto ko.

Inuna ko ang sinangag, ng matapos ko iyon ay nag luto ako ng hotdog at sunny-side-up egg. Nag toast din ako ng ilang slice bread at itilatag sa pinggan. Pakanta kanta pa ako ng inihahain ko ang hinanda kong pag kain. Sana magustuhan ito ni Lex.

Nagulat ako ng biglang nagsalita si Lex sa likuran ko.

"What are you doing?!" Nakasimangot nyang tanong. Hindi ko ba sya marunong ngumiti?

"Tara kumain ka na. Pinagluto kita ng almusal." Nakangiting salubong ko sa kanya.

"Hindi na ako kakain. Marami pa akong trabaho sa opisina." Matabang nyang sagot.

Nakita kong inabot nya ang kapeng tinimpla ko at marahang humigop. Nag iba ang muka nya at saka ibinuga ang kapeng nasa bibig niya.

"What the hell. Wala ka na bang gagawing tama?! Makaalis na nga." At dali dali syang nag martsa palabas ng kusina.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi man lang nya tinikman yung hinanda ko. Parang may kung anong kumurot sa puso ko ng titigan ko ang mga pagkain.

Hinila ko ang isang upuan at umupo. Inumpisahan kong kainin ang mga hinanda ko nang mapatingin ako sa kape na kanina ay ininuman ni Lex. Napaiyak ako ng matikman iyon.

Wala namang mali sa timpla ko ah. Masarap naman ang kape ko. Ito ba ang paraan ng paghihiganti nya? Aah baka hindi lang iyon ang type na timpla ni Lex. Itatanong ko nalang sa kanya sa susunod kung anong gusto nyang timpla sa kape.

Nilagay ko sa maayos na lalagyan ang mga niluto ko. Ihahatid ko nalang ito sa mga guard tutal marami naman ito eh.

Mr. Dreamboy: THE AGREEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon