CHAPTER 12
Huminto ang sasakyan ni Lex sa tapat ng isang pier. Sumunod lang ako sa kanya ng bumaba sya ng sasakyan.
"Aren't we going to bring our baggage with us?" Tanong ko sa kanya.
"Just bring one of it and let the other left here. Dadalhin natin yang sasakyan."
Tatlo ang dala kong maleta. Bakit ba? Malay ko ba kung gaano kami katagal doon. Binitbit ko yung pinaka maliit palabas ng sasakyan ni Lex. At isinukbit yung hand bag ko sa aking balikat.
"Let me." Agaw ni Lex sa maleta na dala dala ko.
May pagka gentleman naman pala ang asawa ko.
Nakakapagtaka na wala syang dinala na damit. Marahil may mga damit na sya doon sa pupuntahan namin.
Sumunod lang ako sa kanya hangang sa harap ng isang barko. I know it's not an ordinary one because it's a yacht, a big and expensive yacht.
Tinitigan ko ang kabuuan nito. Kulay puti ang buong katawanan nito na napapalibutan ng bintanang salamin sa bawat palapag. Ngayon lang ako makaasakay sa ganito kagarang sasakyan.
"Ang ganda." Wala sa loob na lumabas sa bibig ko.
""Thanks. Its my baby."
So sa kanya nga itong yate na nasa harapan ko. Ganito ba talaga sya kayaman para mgakaroon ng mamahaling yate? Wala pa akong alam sa kanya maliban sa sya ang nag mamay-ari ng kumpanyang dati kong pinagtatrabahuhan.
Sinundan ko sya papasok habang ginagala ang mga mata ko sa loob ng magarang sasakyang pandagat. Binaybay namin ang pasilyo haggang marating ang isang pintuan at marahang binuksan.
Pumasok kami sa loob ng cabin at nakita kong ibinaba ni Lex ang maleta ko sa gilid ng kama.
Nasa loob kami ngayon ng isang malaking cabin suite na may malaking kama. Parang hotel suite ang theme ng kwartong ito. Simple lang pero mukang mamahalin ang mga gamit.
"You can take a rest. Maya maya lang maglalayag na tayo."
Binuksan ni Lex ang cabinet at saka nagtanggal ng kanyang suot na t-shirt. Kahit ata naka talikod ito ay maaakit ang kahit na sino. Firm na firm ang muscles nito na marahil ay alaga sa gym. Para syang isang replica ni adonis. Parang gusto ko tuloy tumakbo sa pwesto nya at yakapin ang likod nya.
Nanlaki ang mata ko ng isinunod nya ang kanyang pantalon at ang naiwan na lang ay ang kanyang underwear. Naramdaman kong may kung anong init ang dumaloy sa katawan ko. He is totally a God. I want to caress and feel his body. I really admit that he's so hot.
Hinihintay kong tanggalin nya ang natitirang damit. sa kanyang katawan nang kumuha ito ng twalya saka dumerecho sa isang pintuan na tiyak kong banyo.
F*ck! Is he seducing me? Well he won. Oh my god, I wanted to feel him now. Damn you Arlene. You're like a dog drooling at him.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko ng makaisip ako ng paraan. Tinanggal ko ang damit na suot suot ko at ang itinira lang ay ang bra at panty. Nagpaikot ikot ako sa harap ng salamin at pinag aralan ang bawat kurba ng aking katawan.
Sinong hindi maaakit sa akin? Look at myself. Every man will kill to hold my goddess body. My firm breast, my curved waist, my full butt and my silky skin. I tried my very best para maachieve ang ganito kakinis na kutis.
Binuksan ko ang maleta at inilabas ang isang pares ng lacy underwear. Una kong pinalitan ang pang ibaba ko at isinunod ang bra.
I'm trying to hook my bra ng lumabas si Lex sa banyo. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya ng makita ang ayos ko.
"Can you help me hook my bra?" pang aakit ko sa kanya.
"Kaya mo na yan. Araw araw mo yang ginagawa so you can do it without my help."
Lumapit sya sa cabinet at kumuha ng jeans at t-shirt. Mabilis syang nagbihis na hindi man lang nag tapon ng kahit isang sulyap sa akin.
Makatapos magbihis ay agad lumabas si Lex ng cabin. It's not what I'm expecting. I'm so disappointed na hindi man lang nya ako pinansin.
So he doesn't like me. He doesn't even bear his eyes on me. Sino ba naman ako para pag-aksayahan nya ng panahon?
What the hell is wrong with me? I keep on seducing him na nagmumuka na akong tanga. Obvious naman na nahalata nya na inaakit ko sya. Damn myself. Malamang pinagtatawanan na nya ako ngayon.
He keeps in hurting me. Bakit sa bawat galaw na gagawin nya ay nasasaktan ako? Na parang may tumatarak na kutsilyo sa puso ko sa pagsawalang bahala nya sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin para mapansin nya ako? Para mahalin din nya ako. Gusto ko naman maging masaya.
BINABASA MO ANG
Mr. Dreamboy: THE AGREEMENT
RomanceHindi pinangarap ni Arlene na makasal sa isang lalakeng hindi naman nya mahal. Pero wala syang magawa dahil kailangan nyang magbayad ng utang. Utang na hindi naman kanya. Hanggang kailan nya matitiis ang lalakeng pinanganak na walang puso. Makakaya...
