CHAPTER 13
Kanina pa ako paikot ikot. Saan kaya ang dinning area dito. Meron namang maliit na ref sa cabin pero puro inumin at snacks lang ang naroroon. I want a heavy breakfast. Hindi ako mabubusog sa mga biscuits na iyon.
Ilang liko at lakad pa ang ginawa ko ng makaamoy ako ng mabangong pagkain. Plano kong magluto ng breakfast pero mukhang hindi na kailangan. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng mabangong pagkain ng matunton ko ito.
Humampas sa mukha ko ang malamig na hangin. Nasa taas pala ang dinning table at nakabukas lahat ng glass window kaya pumapasok ang sariwang hangin na nanggagaling sa dagat.
"There you are. Ang tagal tagal mong kumilos. Malamig na ang pagkain." Matabang na sabi ni Lex. May bago pa ba sa pagiging isnabero nya?
"Sorry hindi ko alam papunta dito. Kanina pa ako paikot ikot kakahanap ng kusina e."
"Hindi mo ba binasa yung note na nilagay ko sa table? I gave an instruction kung paano pumunta dito. Nasan ba ang utak mo?"
"Hindi ko napansin eh. Kung ginising mo nalang ako at isinabay sa pagpunta dito edi sana hindi ako naligaw."
"Nevermind. Umupo ka na dyan at kumain."
"Ikaw ba nagluto ng lahat ng ito?" Tanong ko ng nakangiti.
Madaming nakahain na pagkain sa mesa. Halos lahat ay maganda ang pagkakaayos kahit na puro simpleng pagkain lang na parang isang professional chef ang nag ayos.
Ang ham ay naka paikot sa plato na nagmistulang bulaklak. May omelet na may disenyo pang korteng ibon na carrots at kamatis. Yung sunny-side-up egg ay hinulma para mag mukang star. Yung bacon ay maayos lang na naka latag sa pinggan at may mga iba't ibang uri ng sliced fruits na pakwan, papaya at riped manggo. Syempre hindi mawawala ang fried rice at coffee.
"Obviously no. Hindi ako gigising ng ganun kaaga para i-prepare lahat ng yan." Iritado nyang sagot.
Nainis ata sya sa nakakaloko kong ngiti. Malay ko ba kung pinagluto nya ako. Wake-up Arlene. Sino ka para asikasuhin nya at pagkaabalahan?
Kumuha ako ng fried rice at lahat ng ulam na nakahain sa harapan ko. Masarap kumain lalo na't nasa maganda kang yate na may magandang tanawin. Nakarami na ako ng mapansin kong nakakunot ang noo ni Lex na nakatingin sa akin.
"Why? Hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kanya.
"Ganyan ka ba talaga kalakas kumain? Para kang lalake kung kumain. Parang kulang pa sayo e. Tapos tatanungin mo ako kung kakain pa ako."
"Ang dami mong sinabi. Kumain ka nalang and enjoy the moment." Sabi ko habang sinasalinan ng fried rice ang pinggan nya at nilagyan ng iba't ibang ulam.
"Anong moment ang i-eenjoy ko? There's nothing special naman eating with you."
Napatingin ako sa kanya at mabilis na yumuko para maitago ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko. I need to control it from flowing. There's nothing special while eating with me.
Bakit bawat salita nya ay parang kutsilyong tumutusok sa puso ko. Mas masakit ito kesa sa inakala ko. Mas masakit pala pag sa bibig nya mismo manggaling.
Tumayo ako para magpaalam bago pa nya mapansin ang pagbabago sa mukha ko.
"I'm full. Mauna na ako sayo." Sabay talikod. Hindi nga ako nagkamali at bumagsak na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Kukuha ka ng marami tapos hindi mo naman uubusin. Where is your table manner? Well ano pa bang ineexpect ko sa gaya mo."
Hindi na ako nagsalita at nagtuloy tuloy ng lumayo sa kinaroroonan nya.
The hell with him. Napaka bastos talaga nya. Hindi man lang naisip ang mararamdaman ko. Well sino nga ba naman ako para isipin pa nya kung anong mararamdaman ko. I'm just her wife in a piece of paper. Nothing more.
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. Minabuti kong lumabas para magpahangin. Ipinatong ko ang braso ko sa railings at dumungaw sa dagat.
Ang sarap sana kung katabi mo yung taong mahal mo habang ine-enjoy n'yong pareho ang view, masarap na hangin at maaliwalas na kalangitan.
Biglang pumasok sa isip ko ang mga magulang ko. Buong akala nila ay masaya ako sa bago kong buhay, sa aking buhay may asawa. Kung alam lang nila kung gaano ako nasasaktan. Wala ba akong karapatang maging masaya? Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.
Lingid sa kanyang kaalaman ay may isang pares ng mata na kanina pa nakamasid sa kanya. Pinag mamasdan ang pag hampas ng hangin sa buhok at sa kanyang bistida.
BINABASA MO ANG
Mr. Dreamboy: THE AGREEMENT
RomanceHindi pinangarap ni Arlene na makasal sa isang lalakeng hindi naman nya mahal. Pero wala syang magawa dahil kailangan nyang magbayad ng utang. Utang na hindi naman kanya. Hanggang kailan nya matitiis ang lalakeng pinanganak na walang puso. Makakaya...