CHAPTER 4

199 6 1
                                    

CHAPTER 4

"Anong ginagawa nya dito?" bulong ko sa sarili ko ng may matanaw akong isang pamilyar na bulto ng lalaki sa di kalayuan. He looks like a VIP sa soot nitong amerikana.

"Oh my... Bakit hindi ko agad naisip? Villafuente. Sya ang may-ari ng VILLAFUENTE SHIPPING COMPANY na syang pinag tatrabahuhan ko ngayon. Pero ang bata nya pa para mamahala ng ganito kalaking kumpanya. I heard na sumakabilang buhay na si Don Rafael Villafuente na syang unang nagpapatakbo ng shipping company at ang panganay nyang anak ang humalili. But I didn't expect halos kasing edad ko lang ang bago naming boss. I was expecting for a mid-thirties to late-thirties ang boss namin. And take note, sobrang kisig nito na halos lahat ng babae ay mag lalaway sa kanya.

Shut up Arlene. Awat ko sa sarili ko. Hindi ba dapat mainis ka sa kanya dahil sa mayabang nitong ugali? Pero hindi ko sya masisisi sa nangyari sa kapatid nya.

Nasa ganoon akong pag iisip at hindi ko namalayan na sinusundan ko na pala sya. Nagulat na lamang ako nung naka sakay na rin ako sa elevator kasama sya.

"Ahhm.." Pagputol ko sa katahimikan. Kami lamang ang nasa elevator kaya nahihiya akong magsalita.

"Please. Wag mong ituloy ang pagsasampa ng demanda laban sa kapatid ko." Garalgal kong tinig habang nakikiusap sa kanya.

"At bakit hindi? Nag aagaw buhay si Joshua ngayon at ni anino ng kapatid mo ay hindi matagpuan. Kung wala syang kinalaman dito dapat hindi sya nagtatago." Matigas na boses ni Lex.

"May sakit ang nanay ko sa puso. Baka hindi nya kayanin pag nalaman nya. Kaka-recover lang nya sa previous stoke na umatake sa kanya. Please, I will do anything, itigil mo lang ang pag papakulong sa kapatid ko." Halos maiyak iyak kong pakisuyo sa kanya.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ko. Basta ang nais ko ay protektahan ang pamilya ko, lalong lalo na ang aking inay.

Nang tumunog ang elevator ay agad na lumabas si Mr. Villafuente ng walang salitang binitiwan. Naiwan akong nagiisa sa loob ng elevator. Nasa 9th floor ang opisina ni Mr. Villafuente kaya kailangan kong pindutin ang number 2 na button para maka baba ako sa 2nd floor at makabalik sa aking opisina.

***

"Mom, how's Joshua?" tanong ko sa aking ina na nasa kabilang linya ng telepono.

Nasa Califonia sila ngayon. Doon dinala ni mama si Joshua para masuri ng mga espesyalista. Tinawagan ako ni mama para mag bigay ng balita kay Joshua.

"Dumilat na sya pero saglit lang at pumukit ulit. Sinusuri na sya ng mga espesyalista. May possibility daw na mapaaga ang recovery ni Joshua." Masiglang kwento ng kanyang mama.

"Well that's a good news. Matapang si Joshua at alam kong lalaban sya para magising ulit."

"Yes son, ahh... Wait, I'll call you later. The doctor is looking for me."

"Okay mom, Bye."

"I love you, son. Bye." iyon lamang at naputol na ang linya.

Nasa malalim akong pagiisip ng maalala ko yung pakiusap ni Arlene.

...Please, I will do anything, itigil mo lang ang pag papakulong sa kapatid ko.

Isang ngiti ang sumilay sa aking labi.

"Call Ms. Arlene Aguirre here in my office." Utos ko kay Jenna sa kabilang linya at mabilis na binaba ang telepono.

Ilang minuto ang lumipas at may narinig akong katok sabay bukas mg pinto. Si Jenna na siyang sumilip at sinabing nasa labas na si ms. Aguirre.

"Let her in."

Marahang pumasok si Arlene sa loob ng opisina at nanatiling nakatayo sa harapan ko.

Inilahad ko ang kamay ko sa silyang nasa harap ng aking lemesa na nag uutos na umupo sya.

"what do you want?" marahang tanong ni Arlene na nakatayo pa rin at tila ayaw umupo.

"Coffee or Juice?"

"Please, Mr. Villafuente, kung ano man ang sasabihin mo ay umpisahan mo na. Ayoko ng paligoy ligoy." Iritado nitong tugon.

"Okay…"

Tumigil ako para pag aralan ang kaharap ko. She has a black wavy hair na nilagyan ng clip para hindi malaglag ang kanyang bangs, which makes her more hot and sexy. She's wearing a dress that made of jeans fabric. Humuhulma ang bilugan nitong dibdid at maliit na bewang sa kanyang suot. Wala syang suot na make-up na syang nag paangat ng maganda at maamo nyang mukha. I've been a womanizer before at never akong naatract ng ganito sa isang babae. Knowing na wala itong kahit na anong suot na pang paganda sa katawan. Damn! What the hell am I thinking?!

"Ititigil ko ang demanda in one condition." Nakita kong may kumislap sa kanyang mga mata.

"What is it?"Nag aalalang tanong ni Arlene.

"Merry me."

Mr. Dreamboy: THE AGREEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon