CHAPTER 15
Huminto ako ng mapansin kong dumidilim na at nasa gitna na ako ng kakahuyan.
Umupo ako sa isang malaking bato at niyakap ang mga tuhod ko. Pinakiramdaman ko ang malamig na hangin na humahampas sa aking pinong balat.
Palubog na ang araw at natatakpan ng mayayabong na punong kahoy ang liwanag ng natitirang sikat ng araw kaya lalong dumilim ang paligid.
Ano bang nagawa kong kasalanan? Bakit ako pinaparusahan ng ganito? Hindi pa ba sapat na ikinasal ako sa taong hindi ko kilala at parang naglalaro ang tadhana at nagmahal ako ng taong hindi naman ako mahal.
Nagsimula ng tumulo ang luha sa magkabila kong mata. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakatiis. I keep on loving a man who doesn't feel the same with me.
Noong sinasigawan nya ako natitiis ko pa ang sakit, tapos nalaman ko na may iba syang inuuwiang babae. That really hurt much than what I expect. Pero yung harap harapan. Yung nandito ako na tanging pagitan lang namin ay ang pintuan ng kwarto. Ang sakit sakit. Pakiramdam ko sinasaksak ng ilang ulit ang puso ko. What's next? Baka sa harapan ko na mismo nya gagawin ang panloloko sakin. Paano ko pa haharapin kung sakaling mangyari iyon? Kung ngayon pa lang ay parang pinapatay na nya ako ng paunti unti.
Hindi ko na napansin na nagsisimula ng balutin ng dilim ang paligid. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang sakit na gumuguhit sa dibdib ko. Ang sakit na ang dahilan ay ang taong mahal ko.
Nagising ako ng may tumapik sa braso ko. Nakatulog pala ako. Naalala ko na naligaw nga pala ako sa gitna na kakahuyan kaya minabuti kong umupo nalang sa isang tabi. Nararamdaman ko pa ang natuyong luha sa pisngi ko na kanina ay tuloy tuloy sa pag-agos at ang sakit na kailanman ay hindi na ata mawawala.
Madilim na kaya hindi ko na maaninag ng maayas ang buong paligid. Sino ba itong nasa harap ko? May naaaninag akong kaunti dahil sa liwanag na nanggagaling sa flashlight nyang dala.
"Arlene, ano bang nangyari sayo at kanina ka pa namin hinahanap sa buong hacienda?"
Si Lex lang pala. Napakasarap pakinggan ng boses nya kapag nasa ganitong tono. Malamig sa pandinig at nakakaakit. Nakita kong inikot nya ang hawak nyang flashlight sa kanan nyang kamay na nagpakita ng kabuuan ng kakahuyan na kinaroroonan ko. Marahil kanina pa nya ako hinahanap at nag aalala na sya sa akin.
Oh, forget it Arlene. Bakit naman sya mag aalala sayo? May Anna naman sya. Malamang sinisiguro pa nga nya na tuluyan na akong nawala, but to disappoint him I'm still alive and kicking. Bigla na namang bumalik ang kirot sa puso ko sa mga isipin kong yun. Bakit kasi hindi nalang ako? Di hamak na mas maganda at sexy ako kesa sa Anna na yun.
"Naligaw ako. Hindi ko na alam ang pabalik. Naisip ko lang naman mag lakad lakad at mamasyal kaso hindi ko na maalala ang pabalik." pabulong kong sagot.
"Bakit kasi hindi mo kami hinintay? Pag labas namin ng kwarto wala ka na."
"I decided to walk alone. Mas gusto kong nag-iisa while enjoying the view." Pagsisinungaling ko.
"Look what happened to you. C'mon. Malalim na ang gabi at malamang gutom ka na."
Inalalayan nya akong maglakad ng mapansin kong may kabayo sa harap namin. So dito kami sasakay pabalik ng mansyon.
Naunang umakyat si Lex ng kabayo at inalalayan nya akong makaakyat sa likod nya.
Ipinulupot ko ang braso ko sa bewang nya at isinandal ang mukha ko sa kanyang likod. Naramdaman kong dahan dahan nyang pinatakbo ang kabayo.
I close my eyes as I smell his fragrance. I wanted to feel him and touch him. Oh my God, I'm madly inlove with this jerk, rude and heartless beast.
Parang ayoko mg matapos ito. Sana ganito nalang. Yung palagi ko syang nayayakap at nahahawakan. How I wish this road would never end so I can hold him ang feel him forever.
Pero hindi ganun ang nangyari. Huminto kami sa likod ng mansyon. Halos lahat ng kasambahay ay nag- aabang sa amin sa pintuan. Nakita kong iniabot ni Lex ang kabayo sa isa sa mga tauhan nya. Nakita kong lumapit sa amin si Anna. The hell with her. Pwede bang layuan mo na kami?!
"Ma'am Arlene, mabuti naman at ligtas ho kayo." Nakangiting salubong sa akin ni Anna.
Hindi ko sya pinansin at dinaanan lang sya. Minabuti kong pumasok na lang sa kwarto at magpahinga. That girl really ruin my fist day in here.
"Pasensyahan mo na Anna. She's just tired. Tara at pumasok sa loob at mahamog na dito sa labas." Narinig kong sabi ni Lex.
So he really cares for her. Ano sya sanggol na bawal mahamugan? Lalo lang umiinit ang dugo ko kay Anna.
BINABASA MO ANG
Mr. Dreamboy: THE AGREEMENT
RomanceHindi pinangarap ni Arlene na makasal sa isang lalakeng hindi naman nya mahal. Pero wala syang magawa dahil kailangan nyang magbayad ng utang. Utang na hindi naman kanya. Hanggang kailan nya matitiis ang lalakeng pinanganak na walang puso. Makakaya...