one

29 0 0
                                    




SAM POV

"Saaaammmm" !!!

Nagising ako sa pagkalakas lakas na tawag ng aking ina.

"Mi, bakit po? Ang aga aga lakas lakas ng boses nyo. " Naghihikab ko pang sinabi. Sa pagkakatanda ko ay sabado ngayon at off duty ako.  Gusto ko pang matulog.

Ako ay isang nurse sa isang private hospital. Ang Doctor Villarama Memorial Hospital. Monday to Friday ang duty ko, 7 ng umaga hanggang 3 ng hapon, minsan nag iiba ng shift, minsan pang gabi, pero madalas umaga.

"Bumangon ka na dyan at nandito na si Kristoff. " Agad akong napabangon ng maalala kong may lakad nga pala kami ngayon. Naku, masesermonan nanaman ako nito. Agad akong naligo, nagbihis, nag ayos ng sarili, kinuha ang maleta at bumaba.

"As usual. Late. Isang oras na ko dito, at nakita ko kung pano tumulo ang laway mo habang nakanganga"., bungad sa akin ni Kristoff na nakasimangot.

"Haha sorry naman tseb, cute cute mo talaga tuwing lumalaki yang butas ng ilong mo dahil sa pag aantay", biro ko sa kanya, sabay halik sa pisngi. Ang tseb ay binaliktad na best, at yun ang tawagan namin. He's my bestfriend, my one and only bestfriend since birth. haha

"Tss, tita alis na po kami at mahuhuli na po kami sa flight namin, balik ko nalang po sya bukas ng gabi", inismiran nya ko at nagpaalam kay mommy.

"O sige sige, eto baunin nyo at di kayo nag agahan" sagot ni mommy at pinabaunan kami ng egg sandwich.

"Sige mi, salamat, pasabi nalang kay daddy pagdating. Byeeee. Nagpaalam na kami at dumeretso sa sasakyan nya. Habang nasa byahe ay walang katapusang daldalan at asaran ang aming ginawa.

Teka bago ko pa makalimutan, ako nga pala si Samantha Louise Rivera, 23 years old, single for 2 weeks already. Haha. Sabi ko nga ako ay isang nurse sa DVMH. Actually, may sarili naman kaming hospital, yun nga lang mas gusto kong magtrabaho sa ibang ospital. Gusto ko kasi na makapasok sa sarili kong sikap. Gusto ng parents ko ng mag medicine na ako, pero ayoko muna sa ngayon, gusto ko muna maranasang magtrabaho.

At ang pogi ko namang matalik na kaibigan ay si Kristoff Paul Reyes, kababata ko sya. Mula Elementary hanggang highschool magkaklase kami, nagkahiwalay lang nung college na, dahil ang kursong kinuha nya ay Civil Engineering, at isa na syang napakahusay na inhinyero. Katulad ko ay meron din silang sariling kompanya, pero pinili niya munang magtrabaho sa iba. Sila ang may ari ng isang napakalaking kompaniya, ang Reyes Builders Corporation. Single. 23. At matyagang nanliligaw sa kaopisina nyang di naman kagandahan. Haha. Ang bad ko. Nagtatrabaho naman siya sa Garcia-Tan Builders Company, isa din sa malaking kompaniya.

Nakapagtataka nga kung paano siya natanggap doon, samantalang kakumpetensiya iyon ng kompaniya nila. Well, malakas daw ang kapit niya.

Papunta kami ngayon sa Boracay kung san gaganapin ang department outing nila, at dahil pwede silang magsama ay ako ang isinama nya.

"Tseb, umayos ka mamaya ha, pag nakita mo na sya, medyo lumayo ka sakin ng kaunti", sabi ni kristoff at tinutukoy ang kanyang nililigawan na si Melanie De Vera. Isa ding Engineer sa kompanya nila.

"Tss, sinama mo ko tapos papalayuin mo din lang ako, hmmpt, di bale mukang madami namang gwapings dyan eh", nakangiting sagot ko.

"Wag mo ng subukan, bantay sarado kita", sabi nya na tinutukoy ay ang paglapit ko sa mga lalaki.

Narating namin ang isla at dumeretso sa hotel na okupado ng mga tauhan ng kompanya nila. Isang kwarto lang ang sa amin ni Kristoff na may dalawang kama. Walang malisya sa amin ang magkasama sa iisang kwarto, minsan pa nga ay tabi kami mismo sa iisang higaan. Nasanay na rin. Sabi ko nga bestfriends kami since birth. Parang magkapatid na rin.

My Bestfriend is MineWhere stories live. Discover now