five

15 0 0
                                    


SAM POV

"What are you doing here?" Hindi sinabi nila mommy na nandito pala siya.

"Is that your way of saying you miss me?" Nakangusong sabi niya sabay abot ng bulaklak at chocolates "here for you, im sorry tseb"

"Ano to, suhol, tsk" nagtuloy tuloy akong pumasok sa kwarto ko at ipinatong ang mga gamit ko sa table na nandoon. Binuksan ko ang cabinet upang kumuha ng damit.

"Hey i'm sorry, magpapaliwanag ako tseb" inabot niya ang kamay ko at akmang yayakapin, pero umiwas ako. Nagtatampo ako sa kanya, ay hindi mali, galit pala ako sa kanya. At hindi niya madadaan sa chocolates and flowers ang nararamdaman ko.

"You're forgiven, now you may go, you're not allowed here anymore" sinadya ko talagang saktan siya sa salita dahil doon siya sensitive. Naiinis ako at walang makapipigil sakin pag naiinis ako. Sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin.

"Tseb naman, wag ka ngang ganyan, di mo na ba ko love?"

"Love?, wag mo akong malambing lambing ngayon. Wala lang ang girlfriend mo makalove ka na wagas!?" Galit kong sabi at naalala ko nanaman yung sa Boracay, ayaw niya magpalambing pag nakaharap ang girlfriend niya. Duh! Magsama sila. Dumeretso ako ng banyo para maghalf bath.

"Tseb sorry na, naiintindihan kita, pero sana maintindihan mo rin ako" pinakinggan ko lang siya na nasa labas ng banyo at mukhang nakasandal siya sa pinto.

"Tseb, nagseselos ka ba sa kanya? Tsk ano ka ba ikaw lang ang nag iisang bestfriend ko na love na love ko"

"Iloveyou Samantha Louise, bati na tayo"

"Pag di mo ako kinausap, kakainin ko nalang itong mga chocolates na dala ko sige"

"SUBUKAN MO!" Agad kong sagot, tsk binigay na niya tas kakainin niya. Badtrip. Kanina pa ko naglalaway sa chocolates eh, muntik ko ng di magawang magalit kanina nung nakita ko ang dala niya. Isang basket na chocolates. Alam niya talaga ang gustong gusto ko.

Lumabas ako ng banyo at agad kinuha ang basket na nasa tabi niya. Natawa naman siya.

"Bati na tayo ha?" paglalambing niya.

"Tsk, oo na! Pasalamat ka nagcecrave ako sa chocolates ngayon kung hindi patutulugin kita sa labas." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo at sabay na kaming bumaba para sa hapunan.

"Okay na ba kayo?" Bungad sa amin ni mommy ng makita niya kaming pababa na.

"Hehe opo tita, masarap kasi yung chocolate eh" sagot naman ni Kristoff.

"Tss pagsabihan niyo yan mommy, ipinagpalit na ko sa girlfriend niya" sabi ko naman na tumulong na sa paghahanda ng lamesa.

"Ikaw naman anak, syempre girlfriend yun, bigyan mo nga ng space yan si Kristoff" sabat naman ni daddy.

Space? OMG, Hell No. I can't live without my bestfriend so how ca i give him space... Hilingin na lahat wag lang yun. 

"Ayoko sa girlfriend niya. At halata naman na ayaw din sakin ng girlfriend niya!" pagmamaktol ko.

"Tseb naman, gusto ka non" sabi naman ni kristoff na nauna ng maupo sa hapag. Feel at home talaga yan, eto na ang pangalawa niyang bahay at ganun din ako sa kanila. Minsan nga ay tinutukso na kami na bakit daw hindi nalang daw kami ang maging magkarelasyon. Pero iisa lang ang sinasagot namin. HINDI KAMI TALO. Parang magkapatid na ang turingan namin para maisip pa namin yon.

My Bestfriend is MineWhere stories live. Discover now