KRISTOFF POV
To: Tseb Ganda
Tseb, answer your phone pls. Pupunta ko diyan mamaya sa bahay nyo.
Dalawang araw na mula ng makauwi kami galing Boracay, at hanggang ngayon ay wala akong natatanggap na tawag o text man lang galing kay Sam. Araw araw, oras oras akong tumatawag sa kanya pero walang sagot. Hindi ko naman sinasadya na hindi makasabay sa kanya pauwi. Tsk. Tinext ko naman ang mommy nya at sinabing nakauwi ng maayos si Sam.
Flashback
Nang makarating kami ng hotel galing sa bar ay agad kong iniakyat si Lanie sa kanyang silid. Pero bago ako lumabas ay hinilamusan ko muna siya at pinalitan ng damit. Nakaupo ako sa kama niya at pinagmamasdan siya. Ngayon ko lang siya nakita na nakainom at nalasing pa. Alas tres na ng madaling araw at kailangan ko ng bumalik ng kwarto para icheck naman ang bestfriend ko. Ngunit nung akmang tatayo ako ay niyakap ako ni Lanie mula sa likod."Dito ka lang please, dito ka na matulog, tabi tayo" sabi nya ng nakapikit pa ang mata.
"Pero hindi tayo pwede magtabi dito babe, kelangan ko ng bumalik ng kwarto"
"No, you stay here with me"
"Pero..." Di ko na natapos nag sasabihin ko ng hilain niya akong pahiga at hinalikan. Malalim ang mga halik na yon, naghahanap. Wala akong nagawa kundi tugunan ang halik niya. Unti unti niyang hinubad ang mga suot ko habang magkadikit parin ang aming mga labi.
"Babe" inihinto ko ang paghalik, hindi tama to, lasing siya. Ibinabalik ko na ang aking pantalon ng itulak niya ulet ako pahiga at nanlaki ang mata ko ng pumatong siya sa akin.
"Babe lasing ka lang"
"I know what im doing babe, hindi ka aalis dito" sabi nya at bigla nanaman akong hinalikan. Wala akong magawa. Sinubukan kong pigilan pero ito ang kahinaan ko.
Hinubad niya ang suot nya at idinikit ang katawan sa akin. Inabot ko ang wallet ko at kinuha doon ang proteksyon ko. At siya naman ang ipinailalim ko. Hanggang sa pareho kaming hinihingal at ibinagsak ang katawan sa kama. Hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako.
Pag gising ko ay alas nuwebe na, agad akong nagbihis at dinampian ng halik si Lan sa pisngi bago lumabas ng kwarto niya. Pag pasok ko ng silid namin ni Sam ay nakita kong tulog na tulog pa siya. Nalasing din siguro. Naligo ako at nagbihis saka bumaba para umorder ng breakfast. Dinalhan ko si Sam ng makakain niya, para pag nagising siya ay kakain nalang siya. Pinagmamasdan ko si Sam na natutulog ng magvibrate ang cellphone ko.
Bzzzzzztt bzzzzztt
"Hello"
"Babe, puntahan mo ko dito sa kwarto, samahan mo ko may lakad tayo"
"Saan?"
"Malapit lang, sa mga relatives ko"
"Ok sige pupunta na ako"
Nag iwan ako ng note kay Sam, dinampian siya ng halik sa pisngi at lumabas.
"Tara na, para maaga tayong makabalik" sabi ko kay Lan ng nakarating ako ng kwarto niya.
"Ok babe, lets go"
Nagpunta kami sa kabilang bayan dahil may kamag anak pala siya dito, ipinakilala niya ako sa kanila at nakipag kwentuhan, doon narin kami nananghalian. Tingin ako ng tingin sa orasan ko at mukhang wala pang balak umalis ni Lanie. Kamusta na kaya si Sam. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Gusto ko ng bumalik ng hotel. I missed her badly. Parang ang tagal ko na siyang di nakasama.
YOU ARE READING
My Bestfriend is Mine
Romance"Every girl needs a guy bestfriend" Bestfriend na, Sobrang sweet. Sobrang thoughtful. Sobrang protective. Sobrang bait. Sobrang gwapo. Yung bestfriend na ituturing kang prinsesa. Pero paano nalang kung natagpuan niya na ang reyna niy...