KRISTOFF POV"Saan ka natulog kagabi?" Pagkasundo ko kay Lanie ay inaway niya na agad ako. Umagang umaga away agad. Di man lang mag goodmorning.
"Kina Sam babe, dati naman na akong natutulog doon."
"Magkatabi kayo?" Dagdag pang tanong niya. Selosa si Lanie. Kahit noong nanliligaw palang ako ay selosa na siya at ang higit niyang pinagseselosan ay si Sam. Hindi ko naman siya masisi dahil ang palaging laman ng mga kwento ko sa kanya ay si Sam.
"Oo eh wala naman kami ginawang masama"
Ilang araw palang kami pero lagi niya akong inaaway sa iisang dahilan. Si Sam. Inaano ba siya ni Sam.
"Kahit na! Ayoko ng ganyan Kristoff, ako lang ang may karapatan na tumabi sayo sa kama!"
"Eh babe, bestfriend ko naman yun...."
"Yun nga eh bestfriend lang kayo pero daig nyo pa ang magkarelasyon"
"Ok sorry na, hindi na kami magtatabi sa iisang kama" ayoko nang pahabain ang mga sermon nya dahil nakikinita kinita ko na kung san pupunta ang usapang ito, at hindi ko yun kayang ibigay sa kanya. "Halika na, malelate na tayo"
Biglang nagring ang cellphone ko at agad ko namang kinancel ng makitang si Sam ang tumatawag. Hindi ko pwedeng sagutin yun ngayon, lalo na at mainit ang ulo ni Lanie. Habang nasa sasakyan ay panay parin latag niya sakin ng mga patakaran niya ag responsibilidad ko kuno bilang boyfriend niya.
"And lastly ... Ayoko ng pagiging malapit ninyo ni Sam. Boyfriend na kita kaya nasa akin dapat ang buong atensyon mo, iwasan mo siyang makasama" yan na nga ba ang sinasabi ko. Ayoko ng ganito. Lahat ng rules niya kaya kong sundin, wag lang ito. Babies palang kami ni Sam ay magkasama na kami, hindi ko siya pwedeng iwasan.
"Babe wag ka naman ganyan, bestfriend ko si Sam, parang kapatid ko na yun, susundin ko lahat, wag lang ito, please" hindi siya umimik at mukhang malalim ang iniisip. "Babe i'm sorry, wag yan ha, ikaw ang priority ko wag ka mag alala"
Wala siyang nagawa kaya kinalimutan niya na rin ang huling sinabi niya. Basta wag lang daw kami magtabi sa iisang higaan.
Pero tama lang naman na hindi na kami magtabi sa iisang higaan. Iba noon, iba na ngayon. Kagabi ay halos hindi ko makuha ang tulog ko, nagkunwari nalang akong tulog na. Iba ang naramdaman ko ng umupo siya sa likod ko para bigyan ako ng masahe. Pinagmasdam ko pa siyang natutulog kagabi bago ako nakatulog. Iba ang pakiamdam ko. Hindi tama.
Alam ko na tumawag si Lanie kagabi at narinig ko rin silang nag uusap. Natawa pa ako ng nagsalita siyang nag isa, na pasalamat daw at di niya sinungitan ito.
Nakarating kami sa opisina at nagsimulang magtrabaho. Napansin ko naman si Sir Jake na nasa mood ngayon, ano kayang meron. Lumapit siya sa amin at masayang binati kami.
"Goodmorning guys, sagot ko ang lunch ninyo today" Nakangiting aniya. Ayos yan libre ang lunch.
"Anong meron sir, di mo naman po birthday" tanong ni Angela.
"Pinayagan na akong manligaw ng babaeng gustong gusto ko, kaya masaya ako ngayon" Iba ang kutob ko, si Sam ba ang tinutukoy niya. Tigas ng ulo, sabi ng wag magpaligaw eh.
"Talaga ba Sir Jake, nanliligaw ka na kay Sam?, thats good news"
Biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng banggitin ng tuluyan ni Lanie yun. Bakit na siya nagpapaligaw, naka move on na ba siya. Baka masaktan lang ulit siya. Baka mapatay ko lang ang taong manloloko ulit sa kanya pag nagkataon. Sobrang lalim ng sugat na naidulot sa kaniya ng ex niya.
YOU ARE READING
My Bestfriend is Mine
Romance"Every girl needs a guy bestfriend" Bestfriend na, Sobrang sweet. Sobrang thoughtful. Sobrang protective. Sobrang bait. Sobrang gwapo. Yung bestfriend na ituturing kang prinsesa. Pero paano nalang kung natagpuan niya na ang reyna niy...