SAMs POVGising na ganda, late ka na!
Gising na ganda, late ka na!
Gising na ganda, late ka na!
Gising na ganda, late ka na!
(wag kayo! Alarm Clock yan!)
Nagising ako sa napakaingay na boses ni Kristoff, ang aking alarm clock. Siya ang nagrecord niyan at siya rin ang nag set ng oras. Ginawa niya yan, mula ng maging single ako. haha. Magmula kasi ng nagbreak kami ni ex ay lagi na akong nalelate. Hang over, you know.
Habang naliligo ay naalala ko kung paano niya ako kinomfort kagabi, hindi siya umuwi hanggat hindi ako nakakatulog. Naging emosyonal nanaman ako kagabi. Naalala ang nakaraan na dapat ng kinakalimutan. Ginawa ko nanaman siyang panyo kagabi. Hindi ko akalain na may iluluha pa pala ako para sa taong nanloko sa akin.
Nakapagbihis na ako at nakapag breakfast, handa na akong umalis, hinihintay ko nalang si Jake. Nangako siyang susunduin ako ngayon at ihahatid.
Narinig ko na ang pamilyar na sasakyan niya, ang galing ok na ulit ang sasakyan niya, parang kagabi lang flat lahat ng gulong niya.
"Manang alis na po ako" paalam ko kay manang.
"Sige anak, ingat ha"
Sinalubong ako ni Jake at hinalikan sa pisngi.
"Goodmorning Beautiful", nakangiti niyang bati.
"Goodmorning too handsome", bati ko naman sa kanya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at nagdrive na siya para ihatid ako. Habang nasa daan ay napag usapan namin ang nangyari kagabi.
"Buti naman at naayos kaagad itong sasakyan mo"
"Ah oo, pinaayos ko din lang kagabi, may marunong naman sa bahay. Gusto ko kasi ako ang maghatid sayo"
"Thank you. Yung kagabi, alam mo na ba kung sino ang gumawa non?"
"Not yet. I don't know. I really don't have a clue kung sino ang pwedeng gumawa sa akin ng bagay na yun"
"Ganun ba, hayyss hayaan mo na nga muna yon. Uhmm Jake, punta ka sa Saturday ha, may kaunting salo salo, sa Resort nila Kristoff tayo" anyaya ko sa kanya. Sigurado na ako sasagutin ko siya, alam ko na kaya niya akong tulungan na tuluyang makalimot sa nakaraan.
"Sure. Anong meron?"
"It's my birthday"
"Really? Thanks sinabi mo, makakaasa ka pupunta ako"
Nakarating na kami sa hospital ng maaga, makakapag ayos pa ako ng mabuti. Pinagbuksan niya ako ng pinto at bumaba ako ng sasakyan niya.
"Susunduin kita mamaya ha, ok lang ba?" tanong niya.
"Sige, dating oras ang out ko, salamat ha, sinasanay mo na ako sa paghatid hatid mo niyan"
"Basta ikaw, saka masanay ka na, hehe"
Nginitian ko siya at nagpaalam na. Dumeretso ako sa Nurses quarters at nagbihis ng puting uniporme ko. Inaayos ko pa ang sarili ko ng may pumasok sa quarters. Si Vivian Mendoza. Kasamahan ko sa duty. Dati kong kaibigan.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pag aayos ng sarili ko, walong oras ko nanaman silang makakasama. Kung bakit naman kasi hindi pa ako ilipat ng ward o kaya sa ibang shift. Gusto yata nilang araw araw akong nasasaktan. Pero dahil sa mahal ko ang trabaho ko ay tinitiis ko, tinitiis kong makita ang pagmumukha nilang dalawa.
YOU ARE READING
My Bestfriend is Mine
Romans"Every girl needs a guy bestfriend" Bestfriend na, Sobrang sweet. Sobrang thoughtful. Sobrang protective. Sobrang bait. Sobrang gwapo. Yung bestfriend na ituturing kang prinsesa. Pero paano nalang kung natagpuan niya na ang reyna niy...