SAM POV
Narinig ko na may kumatok sa pinto ng aking silid pero mas pinili kong magtulog tulogan. Kalaunay pumasok siya sa kwarto at naramdaman ko na umupo siya sa may ibaba ng kama, di ko man nakikita ay ramdam ko na nakatingin siya sa akin.
"Tseb" narinig kong tawag niya pero hindi ako umimik.
"Tinulugan mo ko, samantalang ang gusto ko ay makapag usap sana tayo"
"Miss na kita ng sobra sobra tseb. Pagpasensiyahan mo na ako ha, alam mo naman ang dahilan kung bakit madalang na tayo magkasama"
Gusto ko siyang sapakin habang patuloy parin siya sa pag kekwento. Iniiwasan niya nga ako. Iniiwasan niya ako para lang sa babaeng yun, ano ba ang meron don. Nakakainis.
"Yaan mo tseb, pag kasal na kami, siguradong di ka na niya pagseselosan"
Napabangon akong bigla ng marining ko ang sinabi niya. Tinignan ko siya ng masama. Nagulat naman siya sa biglang pag bangon ko.
"KASAL!?!, seriously!?" Malakas ang boses ko ng nasabi ko iyon.
"O akala ko ba tulog ka na?" Pagtataka niyang sabi at tumayo mula sa sahig na kinauupuan niya.
"Tseb, you're not gonna marry that girl, are you? Goodness tseb anong pinakain niya sayo!" Padabog kong sabi sa kanya, tuluyan na akong tumayo para harapin siya. Lumapit ako sa kanya at kinapa ang noo niya kung may sakit ba siya o ano. "Wala ka naman sakit, bakit parang nagdedeliryo ka ata"
"Ssshhh tseb naman, kung magsalita ka parang bukas na ang kasal ko, di pa naman namin napag uusapan yun" umupo siya sa kama at akmang hihiga na doon.
"Hep hep, di pa tayo tapos mag usap. Umupo ka." Sabi ko para mapigilan siyang humiga. Naupo rin ako sa kama at humarap sa kanya.
"Ok ano? Namiss mo ba ako? Kasi ako miss na miss kita tseb, lika nga dito" niyakap nya ako ng mahigpit at ginantihan ko naman iyon. Namiss ko din naman ang bestfriend ko. Sobrang hirap alisin ang nakasanayan na, kaya nung mga araw na iniiwasan niya ako ay napagbalingan ko ang mga gamit niya at inilipat sa kabilang kwarto.
"Bakit mo kasi ako kailangang iwasan? Mas importante na ba siya kaysa sa akin?" tanong ko sa kanya. iniwas naman niya ang tingin niya sa akin.
"Tseb iba ka, iba siya syempre" tss di naman niya sinagot ang tanong ko. "Pwede ba ko dito matulog? Namiss talaga kita eh"
"Tsss bakit? Magpapamasahe ka nanaman?"
"Hindi, gusto mo ikaw masahiin ko? Tagal na kita hindi na massage" offer niya. At mahirap tanggihan ang offer niya dahil the best din ang massage niya.
"Talaga ba?? Wala ng bawian ah, tamang tama sakit ng likod ko" sabi ko naman.
Pumunta ako ng banyo at inalis ang pang itaas ko. Nagtapis ako ng twalya at lumabas. Dati niya na akong minasahe. Pag minsan ay sabay naman kaming nagpapamasahe sa labas.
"Ready na ako tseb" sabi ko.
Napatingin siya sa akin at kitang kita ko ang paglunok na ginawa niya. Anong masama sa ayos ko? Dati naman ganito.
"Uhmm tseb, kailangan ba pati sa likod?" Sabi niya. Napansin ko naman na pinagpapawisan siya samantalang naka switch naman ang aircon.
"Ok ka lang tseb? Eh tseb, likod ang masakit sakin" sabi ko at dumapa na sa kama ko.
"A.. Ah ok" saka niya inumpisan ang pag diin sa likod ko.
Swabe ang pag mamasahe niya, parang expert na expert. Si Lanie kaya minamasahe niya rin. Tss. Malamang yun.
YOU ARE READING
My Bestfriend is Mine
Romans"Every girl needs a guy bestfriend" Bestfriend na, Sobrang sweet. Sobrang thoughtful. Sobrang protective. Sobrang bait. Sobrang gwapo. Yung bestfriend na ituturing kang prinsesa. Pero paano nalang kung natagpuan niya na ang reyna niy...