MELANIE's POV
Hi i'm Melanie De Vera, 23 years old. An Engineer. The girlfriend of Kristoff.
Nandito ako sa condo at kanina ko pa hinihintay si Kristoff, sabi niya after lunch, pero alas dos na wala parin. Nakaligo at nakabihis na ko para pag dating niya ay aalis na kami agad. Gusto kong pumasyal, wala akong magawa dito sa bahay.
Tok tok tok
Agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang gwapong gwapong si Kristoff.
"Babe" humalik ako sa pisngi niya. Ang kaninang inis ko ay napalitan ng tuwa. Ang gwapo talaga niya, at maswerte ako at ako ang minahal niya.
"Sorry babe, ang traffic. So where do you plan to go?" tanong niya.
"Lets watch a movie" sabi ko, wala akong maisip kung saan magandang pumunta kaya mas maigi na sigurong manood nalang ng sine. Basta kasama ko si Kristoff ay kahit saan pwede.
"Movie? that's boring babe. How about EK?" nakangiting sabi niya. EK that sounds fantastic. Mas masaya nga.
"I love that, lets go" yaya ko sa kanya.
Habang nagbabyahe kami papuntang Laguna ay kinamusta ko ang party na naganap kina Sam. Kung saan siya natulog, kung nagtabi ba sila, kung ano ang mga ginawa nila at kung ano ano pa. Ewan ko ba pero pag dating kay Sam, gusto ko lahat ng tanong ko ay nasasagot.
Si Sam ang kaisa isang babaeng pinagseselosan ko. Sino ba naman hindi magseselos diba, they are too close, too sweet. Kung hindi lang ako nililigawan noon ni Kristoff ay iisipin kong may relasyon sila higit sa pagiging magbestfriend. Bagay din kasi sila. Pero nilinaw na sa akin ni Kristoff na hanggang doon lang sila, na parang magkapatid na sila.
"Babe, how about Sir Jake, Kamusta ang panliligaw niya kay Sam?" tanong ko sa kanya.
"Ayun, masugid parin naman daw, actually mukhang sasagutin na siya ni Sam" sumimangot siya ng sinabi niya iyon.
Open naman sa akin si Kristoff at sabi niya ay ayaw pa sana niya mag boyfriend si Sam dahil nga sa pinagdaaanan nito mula sa nakaraang relasyon niya. Halos gabi gabi daw ay lasing ito, hindi matanggap ang nangyari. Muntik pa nga daw itong matanggal sa trabaho sa dami ng absences niya.
"Talaga, thats great. Babe hayaan mo na siya, kailangan niya yon para tuluyang maka move on"
"Tss babe nakakatakot lang kasi na baka maloko siya ulit"
"Kilala naman natin si Sir Jake, mabait yung tao" sabi ko, at totoong mabait si Sir Jake. He is the best boss na nakilala ko.
"Sabagay, yun din naman ang iniisip ko, atleast pag niloko niya si Sam, alam na alam ko kung san ko siya hahanapin" Pagbibiro niya sabay tawa.
Narating namin ang EK at dumarami narin ang tao. Ng makapasok kami ay agad ko muna siyang niyayang kumain, nagutom ako sa daan. Napansin ko siyang lingon ng lingon kung saan na para bang may hinahanap.
"Hey who are you looking for babe?"
"Ah wala, what do you want?"
"Juice lang then hotdog lang" yun lang ang pinili kong kainin dahil sasakay kami ng mga rides, baka maisuka ko pa pag marami akong kinain.
Ng matapos kaming kumain ay naghanap kami ng magandang unahing sakyan. Napili namin unahin ang space shuttle. Nakapila na kami ng may marinig akong pamilyar na boses sa may likod ko.
"Mag eenjoy ka diyan, promise" sabi ng babae.
"Nakakatakot naman diyan o, sa iba nalang kaya tayo" sagot naman nung lalaki.
YOU ARE READING
My Bestfriend is Mine
Romance"Every girl needs a guy bestfriend" Bestfriend na, Sobrang sweet. Sobrang thoughtful. Sobrang protective. Sobrang bait. Sobrang gwapo. Yung bestfriend na ituturing kang prinsesa. Pero paano nalang kung natagpuan niya na ang reyna niy...