two

20 0 1
                                    




SAM POV

"Hahaha enjoy ka palang kasama Sam, nakakatuwa ang mga kwento mo" sabi ni jake. Nakaupo kami sa buhangin habang pinapanuod ang mga kaopisina nyang naliligo na sa dagat. Ikinekwento ko sa kanya ang kwento namin ni Kristoff, kung pano kaming naging magkababata at kung pano naging magbestfriend. Ikwinento ko yung mga nakakatawang pangyayari sa amin, yung mga kalokohan namin.

Nung highschool kami, sa tuwing maglalakad lakad kami ay magbabahay bahay kami at magdodoorbell. Pag may nakita na kaming magbubukas ng gate ay tatakbo na kami paalis. Sa mall naman, pag may nakita kaming lovers, aakto kami na parang nag aaway at dadaan sa gitna ng mga ito. Iba ang trip namin dati. Pareho kaming loko at nagkakasundo naman.

"Jake, pwede mo ba ko kuhaan ng litrato mamaya pag sunset?, ang ganda lang kasi lalo nat nandito tayo sa dagat"

"Sure, lets take a picture of us together also if you dont mind, alam mo na remembrance"

"Sige", sagot ko, natigilan lang kami sa kwentuhan nung lapitan kami ni Kristoff at Lanie. Nagyayaya silang lumangoy, pero ayokong lumangoy hanggat di ko nakukuha ang anggulong gusto ko pag sunset na. Niyaya ko nalang muna si Jake na magpicture sa sand castle at iniwan ang dalawa. Tss nakakaasar naman kasi. Sabi nya lumayo ako pag kasama nya yun, o e di lumayo. Ano naman kaya ang sasabihin non.

Palubog na ang araw at kuha lang kami ng kuha ng litrato, mahilig din pala si Jake sa photography. Nagkasundo kami sa bagay na yun. Isa din siyang Engineer at nag Business Management din siya. At the age of 28 marami na siyang naaral. On going nga daw ang pag mamasteral niya ngayon. Kumukuha siya ng Masters in Business Administration.

Pagkatapos namin kumuha ng litrato ay pumunta na kami ng dagat at nag join sa mga kasama namin na nandoon at mukhang nag eenjoy.

Nakita ko si Kristoff, iba ang pagkakangiti nya, mukha talaga siyang masaya, ano kayang meron, ganun ba ang epekto ng presensya ni Lanie sa kanya.

"I have an announcement to make guys", napatingin ako kay melanie at inabangan ang kanyang sasabihin. Kitang kita ang saya sa mga mata niya.

"Lan", pigil pa sana ni Kristoff sa kanya na ipinagtaka ko.

"Kristoff and I ......

we're finally official" ngiting ngiti na sabi nya sabay taas ang kamay nilang mgkahawak ni Kristoff, na sa akin naman nakatingin at hinaantay ang magiging reaksyon ko.

Hindi ako nagpahalata na nagulat ako, hindi nya sinabi sa akin. Tss. Ngumiti ako at humarap sa kanilang dalawa.

"Finally tseb, congratulations, i'm happy for you" niyakap ko si Kristoff at tinap ang likod nya. Sanay ako sa sa ganun, sweet kami sa isa't isa bilang magbestfriend, nakalimutan ko na andyan lang pala ang girlfriend nya.

"Ahem", sinadya ni Lanie na iparinig sa akin yun, kaya agad akong umalis sa pagkakayakap kay Kristoff at bumaling sa kanya.

"Congrats Lanie and goodluck, hehe", sabi ko kay Lanie pero nakangisi ako kay Kristoff na para bang inaasar siya.

"Bakit goodluck?" Tanong ni Lanie sa akin.

"Sana magtagal kayo, pagtyagaan mo yang bestfriend ko at wag na wag mong papaiyakin yan, kung hindi, ako makakaharap mo" diretso kong sinabi sa kanya.

"Tseb naman" protesta ni Kristoff.

"Ano? Wala naman ako sinabing mali a, tss kaw talaga. Ayan ha, may girlfriend ka na, bawas bawasan mo pag dikit sakin para magka boyfriend na ulit ako, hehe" sabi ko sa kanya.

My Bestfriend is MineWhere stories live. Discover now