twenty

6 0 0
                                    




Magmula ng magdesisyon ako na mag aral abroad ay dito na ako umuwi sa bahay. Pinapalinisan ko nalang ang condo ko at pinapasyalan paminsan minsan. Si Kristoff ay halos dito na rin umuuwi. Nag babaka sakali daw siya na mapigilan pa ako. Tuwing weekend ay nag aout of town kami at mas madalas ang away nila ni Lanie ng dahil don.

At ngayon nga ay nandito kami ni Kristoff sa Palawan kasama ang ibang kaibigan namin. Sinusulit ang bawat araw na magkakasama kami. Dahil isang linggo nalang ay aalis na ako. ito na ang despidida ko para sa mga kaibigan ko.

"Ano Sam, wala na bang makakapigil sayo?" tanong ni Criselda ang isa sa highschool classmates namin.

"Ready na ang lahat no, ngayon pa ba ako aatras."

"Mamimiss ka namin at ang ganitong mga out of town natin" sabi naman ni Anne.

"Meron naman skype. Skype tayo sa tuwing nasa out of town kayo para kasama niyo parin ako haha"

"Mag iingat ka lagi doon ha, naku baka pag uwi mo dito ay may boyfriend ka ng foreigner" singit naman ni Lloyd na boyfriend ni Criselda.

"Bawal magboyfriend yan. Subukan niya lang at ibabalik ko talaga siya dito ng wala sa oras" serosong sabi ni Kristoff. Grabe talaga, paano kaya ako makakapag asawa kung ganito ang bestfriend ko.

"Grabe ka dude. Bantay sarado ka parin kahit malalayo si Sam. Haha. Bakit kasi hindi pa maging kayo para sayong sayo talaga si Sam" biro naman ni Mac ang boyfriend ni Anne.

Natahimik naman si Kristoff sa Sinabing yun ni Mac. Tss. Yang bestfriend ko talaga. Masiyado lang concern sakin yan at ayaw na niya akong masaktan ulit.

"Pare kung hindi ko lang talaga mahal na mahal si Lanie, baka iyong bestfriend ko na nga lang talaga ang papakasalan ko" biro ni Kristoff sabay kindat sa akin.

Bwisit na Kristoff to, gagawin pa kong 2nd choice. Maasar nga.

"At sino naman may sabi sayong papakasal ako sayo? No way. I'd rather forgive Jake or Andrew" pang aasar ko.

"E di itry mo! Badtrip!" Sabi ni Kristoff at nagwalk out.

"Hahahaha as expected" tawa ako ng tawa dahil alam kong mapipikon siya. Alam ko kung pano siya asarin at matalo. Napaka sensitive talaga ng taong yan pag dating sa mga ganitong bagay.

Nagpatuloy lang kami ng mga kaibigan ko sa pag inom at nagsaya sa tabing dagat. Si Kristoff ayun, hindi pa rin bumabalik. Lakas ng topak. Siya tong nauna tapos siya tong mapipikon.

Makalipas ang dalawang oras ay saka lang bumalik si Kristoff. Ngunit sa pagbabalik niya ay may kasama na siya. Si Lanie. Kaya ba siya natagalan? Akala ko ba kami kami lang dapat dito? Mukhang masisira pa ang gabi ko. Ang mga kaibigan ko ay patuloy lang sa pagsasaya. Kahit by partner sila at ako lang ang wala, hindi ko naramdaman na naboring ako. Not until dumating si Kristoff na kasama ang girlfriend.

"Alright, lets get drunk!!! Whoooahh" sabi ni Anne na halatang lasing na pero kaya pa naman niya.

"Yes party party" sabi ko naman at inumpisahan nanamin ni Anne sumayaw sa gitna. Hindi kami nag atubiling pansinin ang mga dumating. Basta ako, i'll just enjoy this night.

"They're drunk, lets get inside na" narinig kong sabi ni Lanie kay Kristoff. Narinig ko dahil nilakasan niya ang boses niya dahil malakas rin ang tugtog namin.

Nakita kong tumingin muna sa akin si Kristoff at saka muling tumalikod. Haysst eto nanaman. Yung panahong nabaliwala ako ng bestfriend ko. Bahala nga sila.

Madaling araw narin kami natapos ng mga kaibigan ko dahil naligo pa kami sa dagat. Nawala naman ang aming kalasingan dahil sa nagtagal kami sa tubig. Ng mapagpasiyahan namin bumalik na ng hotel ay hinarang ako ni Lanie bago pa man pumasok. Tinignan ko ang oras mag aalas dos na ng madaling araw. Hinihintay niya ba ako? Si Kristoff? Asan si Kristoff.

My Bestfriend is MineWhere stories live. Discover now