After namin nagdinner ni Jake ay napagpasyahan namin na pumunta muna sa park sa malapit sa may condo ko. Naupo ako sa may isang bench at umupo naman siya sa tabi ko.
Ramdam ko ang lungkot sa pagitan namin na dalawa ngayon. Walang sinuman ang gustong magsalita. Gusto kong hintayin pa sana na siya ang unang magkwento, mag open ng kung ano ang nangyari sa Baguio pero mukhang wala akong aasahan. Mukhang wala talaga siyang idea kung bakit ako nagkakaganito ngayon.
"Jake.."
Tumingin siya sa akin, kinuha niya ang kamay ko at pinisil pisil iyon. May nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata. Parang alam niya kung ano ang pwedeng mangyari ngayon.
"I was there. Baguio. I saw you. I saw the both of you"
Nabigla siya sa sinabi ko, halatang hindi niya ineexpect na ito ang sasabihin ko.
"Jake, hindi ako naniniwalang magagawa mo akong lokohin so please, explain to me now"
"Sam, hindi kita kayang lokohin. Ano man ang nakita mo ay parte ng trabaho ko. Hindi ko pwedeng sabihin iyon sa ngayon"
Gusto kong maniwala. Pero paano ako maniniwala sa mga sinasabi niya. Paanong naging parte ng trabaho ang pakikipag landian sa iba.
"Parte ba ng trabaho ang maging sweet sa isa't isa? Please, i will listen Jake. Just explain. Naloko na ko once, and hindi ako papayag na lolokohin ulit ako"
"Sam please, this isn't the right time. I love you. Please understand."
"Jake! How can i understand? Tell me. Nakita ko kung gaano kayo ka sweet, you even kissed! Sa lips pa! I cant accept that. And i know, you slept at the same room. I overheard it when you called me."
"I love you theart, don't give up on us please, just wait. I'll fix this. I promise"
Nakita kong may tumulo ng luha sa kaniyang mata. Ganun ba kahirap sabihin ang dahilan at hindi niya magawa? Nakikita kong nahihirapan siya. Pero hindi ko deserve ito.
"Just one last question Jake, girlfriend mo ba siya?"
Once and for all gusto kong malaman, gusto kong magdesisyon ngayon.
"No!, i mean yes but its just fake. Ikaw lang ang totoong girlfriend ko"
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Fake? Paanong fake? Alam ba ng babae na fake lang ang relasyon nila. I can't believe this.
"Jake im sorry, i think we need a break. I don't deserve this. Please. Spare me from another heartbreak. Fix your issues. When the time come na naayos mo na yan at di na kailangang pagsabayin kami, ask me again. Probably we can still be together."
Tahimik lang siya. Umiiyak. Bakit ba napapadalas ang nakikita kong lalaking umiiyak.
"Ayokong masira yung relationship and closeness na meron tayo dahil lang sa 3rd party. I don't even know what can i do to myself pag naloko nanaman ako. Baka mabaliw na ako."
"Sam i'm sorry. Yes you don't deserve this. Im sorry. Makasarili ako. Pero aayusin ko to. Sana sa pagbalik ko andiyan ka pa. Mahal na mahal kita, tandaan mo yan"
Pagkatapos namin mag usap ay inihatid niya na ako sa tapat ng unit ko. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang ayaw niya ng bumitaw. Nakakalungkot. Nasanay akong nandiyan siya. Pero dahil sa isang sekreto na hindi maaring sabihin sa akin ay kailangan namin maghiwalay.
YOU ARE READING
My Bestfriend is Mine
Romance"Every girl needs a guy bestfriend" Bestfriend na, Sobrang sweet. Sobrang thoughtful. Sobrang protective. Sobrang bait. Sobrang gwapo. Yung bestfriend na ituturing kang prinsesa. Pero paano nalang kung natagpuan niya na ang reyna niy...