"Tseb buksan mo to, tseb!"
Nagising ako sa lakas ng tawag ng nasa labas ng condo ko. Tinignan ko ang orasan at alas dos na ng madaling araw.
"Tseb!"
Agad akong nagmadaling buksan ang pinto ng nabosesan ko kung sino ang kumakatok. Si Kristoff. Lasing na lasing.
"Ay tseb, ano ba yan! What happened!? Bakit lasing na lasing ka nanaman!?"
Sinukahan ako ng napakagaling kong matalik na kaibigan.Mula ng nakalipat ako sa condo na to dalawang buwan na ang nakakalipas, ay pangatlong beses niya ng umuuwi dito ng lasing! Nung unang gabi ko dito ay siya ang kasama ko at matino pa siyang kasama. Pero ng mga sumunod na araw ay panay ang uwi niya ng madaling araw ng lasing!
"Tseb! Inaway nanaman niya ako, ayoko na! Suko na ako sa kaniya!"
"Hayst! Halika na nga don sa kwarto, mahiga ka na don!"
Ang bigat niya na inalalayan ko papuntang guest room, pinahiga ko siya ng maayos doon at hinubad ang sapatos niya.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig para ipang hilamos sa kaniya. Hayst nagiging taga alaga na ako ng lasing. Ganito ba niya ako alagaan nung time na ako naman ang nasa ganyang lagay.
Hinubad ko ang damit at pants ni Kristoff, lagi naman naka boxer shotrs yan kaya ok lang, sanay akong nakikita siyang naka boxers. May mga damit din siya dito dahil nga sa nag feeling bahay narin siya dito.
Habang pinupunasan ko siya ay kinakausap ko siya. Mukha naman na siyang tulog, pero kahit alam kong hindi niya ako naririnig ay panay ang salita ko.
"Hay, tseb, ano na nga bang nagyayari sayo? Hindi ka dating ganiyan. Ganun mo ba siya kamahal para idaan lagi sa alak sa tuwing nag aaway kayo?"
"Tsk. Mag aaway kayo. Maglalasing ka. Tas kinabukasan ayos na ulet kayo. Hayst."
Pagkatapos ko siyang punasan ay dinamitan ko na siya kinumutan at saka ako lumabas.
Naglinis naman ako ng sarili ko dahil sa sinukahan niya ako. Yung lalaking yun talaga. Bukas ay kakausapin ko siya. Hindi pwedeng ganyan siya lagi.
Pag balik ko ng higaan ay mabilis ko rin naman nakuha ang antok ko. Its already 3:30 am, buti nalang at sabado bukas at wala akong duty.
Nagising ako ng mataas na ang sikat ng araw, tinignan ko ang relo at mag aalas dyes na pala. Agad akong bumangon, nagtoothbrush at naghilamos.
Dumeretso ako sa kusina para sana magluto pero nagulat ako ng may nakahain ng pagkain sa lamesa. Agad kong naalala si Kristoff. Andito nga pala siya. Tinignan ko ang pagkain na niluto niya, omelette, bacon and hotdog. Ng kukuha na ako ng tubig sa ref ay napansin ko ang isang maliit na papel.
Tseb, thanks for last night. I'm sorry you had to see me like that again. I'll be back. Just have to fix some things. Iloveyou. Kristoff
Pasaway talaga, pagkatapos niya akong sukahan kagabi, iiwan niya ako with just this note. Buti nalang may pagkain. Hayst. Susubo na sana ako pero may nagdoorbell. Sino kaya yun, baka si Kristoff.
"Goodmorning theart"
Bungad sa akin ni Jake. Nakasuot siya ng isang kaki short and white tshirt."Theart, di ka nagpasabi na darating ka, pasok"
"May business meeting nanaman ako mamaya sa baguio, kaya gusto sana kita makasabay ng lunch ngayon"
"Nanaman? Akala ko sasamahan mo akong bumili ng iba pang gamit ko ngayon" nakanguso kong sabi. Lagi nalang siyang nasa business meeting. Weekend na nga lang ang free time ko, pero siya kahit weekend may trabaho.
YOU ARE READING
My Bestfriend is Mine
Romansa"Every girl needs a guy bestfriend" Bestfriend na, Sobrang sweet. Sobrang thoughtful. Sobrang protective. Sobrang bait. Sobrang gwapo. Yung bestfriend na ituturing kang prinsesa. Pero paano nalang kung natagpuan niya na ang reyna niy...