VIVIANs POV
Andito ako ngayon sa harap ng condo ni Andrew. Umiiyak. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang makarating dito. Wala ako sa sarili ko kanina.
Kumatok ako sa pinto niya. Nang pinagbuksan niya ako ay nagulat pa siya at kinunutan niya ako ng noo. Napansin niya marahil ang mata ko kaya pinapasok niya ako. Ilang araw narin akong nagpupunta dito pero hindi niya ako pinapapasok.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin.
"Andrew parang awa mo na, wag mo na ituloy yang pag alis mo, hindi ko kaya na hindi ka nakikita"
"Vivian, get a life! Look at yourself, youre a mess. Stop ok, we're already over"
"Please give me another chance"
"Chance? What chance? I already gave you my 3 months, thats enough, you know i don't love you"
Masasakit ang bawat salitang binibitiwan niya pero kaya kong tiisin iyon, nakaya ko ng 3 months, makakaya ko ulit.
"Mamahalin mo rin ako, just give me a chance to prove it"
"Hindi kita kayang mahalin dahil simulat sapul alam mo na kung sino lang ang kaisa isang taong minahal ko!, at sinira mo ang relasyon namin" galit niyang sabi sa akin.
Alam kong kasalanan ko ang lahat, inakit ko siya ng gabing lasing na lasing siya. Madalas na ako ang tawagin niya sa tuwing walang oras sa kaniya si Sam. Pero nilinaw naman niya na magkaibigan lang kami. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko ng nakita kong lango siya sa alak, awang awa ako sa kaniya. Kaya gumawa ako ng paraan para mapasaakin na siya ng tuluyan.
"Im sorry, i just love you so much" iyak ko.
"Love yourself first Vivian, I hate you for whats happening to us right now, you ruined my life, i love her so much Vivian. Pls stay away from me, stay away from her"
"Hindi ka na niya mahal, nag usap kami kanina at sinabi niyang hindi ka na niya mahal"
Tinignan niya ako ng isang hindi makapaniwalang tingin.
"I dont believe you, hinding hindi ka niya kakausapin, at alam ko babalik siya sa akin, sa pagbabalik ko ay sana wala ka na sa pagitan namin!"
"Ask her if you want, nakapag usap na kami, see this?" Pinakita ko sa kanya ang namumula pang kaliwang pisngi ko. "Sinampal niya ako kanina Andrew"
Bahagya siyang tumingin sa pisngi ko at agad din naman inalis ito.
"Kung totoo man yan, you deserve that, now pls go out"
"Pero Andrew pls, paano naman tong batang nasa sinapupunan ko!?"
Tinignan niya ako ng masama.
"Liar! Thats not mine! You blackmailed me kaya hindi ko agad nakausap si Sam para magpaliwanag!"
"This is yours!"
Tumawa siya ng nakakainsultong tawa.
"Nagsalita na ang tunay na ama ng dinadala mo! And i have evidence, kaya pls bago pa kita masaktan ay umalis ka na!"
YOU ARE READING
My Bestfriend is Mine
Romantizm"Every girl needs a guy bestfriend" Bestfriend na, Sobrang sweet. Sobrang thoughtful. Sobrang protective. Sobrang bait. Sobrang gwapo. Yung bestfriend na ituturing kang prinsesa. Pero paano nalang kung natagpuan niya na ang reyna niy...